“What? Ano bang pinagsasabi mo, Joshua?” pag-react ni Nadine sa ainabi nito dahil nagulat siya kalaunan ay medyo natutuwa siya. May utak rin naman pala itong partner niya. Siguro naman ay ‘di tatanggihan iyon ni Lance. Si Olivia naman ay tahimik sa gilid ng binata. Gagawin kaya iyon ng partner niya? Well, wala naman iyon sa kan’ya okay lang din naman. “Gusto mo ba?” baling sa kan’ya ni Lance na kinagulat niya. Tinuro niya ang sarili. “Ako? Bakit ako ang tinatanong mo, eh, ikaw ang magde-desisyon n’yan,” natatawang turan niya. Ano ba! Gusto niya talagang kurutin sa tagiliran si Lance dahil palagi s’yang nadadamay. Iba na naman tuloy ang tingin ni Bea at Nadine. “Gusto kong malaman ang sagot mo, ipapamigay mo ba ako?” Tila naging puppy ang mata nito na nakatitig sa kan’ya. Hinawakan pa n

