Overdue "Usap tayo, Coleen." Matapos ang klase na muntik nang maantala dahil sa kaguluhan kanina, lumapit sa akin si Lorna. "Kayo lang? Paano ako?" usisa ni Wendy nang makalapit na rin. Bumuntong-hininga si Lorna at bumaba muli sa akin ang mga mata, tila ba nahihirapang buhatin ang sitwasyon. May bahid man ng kaba, tumayo na rin ako. "Para ito sa groupings namin sa isang subject, e. Ayos lang ba na mauna ka na sa cafeteria, Wendy? Save us seats." I smiled. Her lips protruded and crossed her arms. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa amin ni Lorna ngunit tumango rin kahit may disgusto sa mukha. "Fine. Bilisan niyo lang, ha?" Her eyes narrowed suspiciously. She went to Samon and dragged him with her. Pahinga akong bumaling kay Lorna at pinagmasdan lamang siya, hinihintay na magsalita.

