Napainom ng kape si Emma Rose habang nasa harap ng mala-tigreng nanay ni Matthias. Paano ba naman. Kamukha na nito ang mataray na mayamang nanay sa isang pelikula tungkol sa mga bilyonaryong Asians. As if sinusukat ang kanyang pagkatao mula ulo hanggang paa! Reminder, Emma Rose. At least sa pelikulang iyon ay girlfriend talaga ang bidang babae. Ikaw ba? Girlfriend? Napakagat labi siya. Friends nga lang pala sila. Friends with benefits! “Mali ang inorder mo, hija. Nakakanerbiyos lalo ang kape,” sabi ng ginang na hindi man lang nagbabago ang expression ng mukha. Hindi pa rin ito nakangiti sa kanya. Pero ganoon ba talaga ka-obvious ang kanyang hitsura. Kabadong-kabado ba talaga? Huminga nang malalim si Emma Rose at saka binaba ang hawak na tasa ng kape. “A-ano pong sadya ninyo sa akin?”

