Hindi na pinansin ni Emma Rose ang pagtawag sa kanya ni Matthias nagmamadali siyang sumakay sa sariling kotse. Naabutan pa ni Matthias na pinapaandar niya ang sasakyan pero hindi na siya tumigil pa. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan palayo mula rito. It was a close call. Hindi dapat nangyari ang bagay na iyon. She was fine. She was happy. Bakit niya sisirain ang magandang nasimulan sa San Victor para lang masaktang muli? Para siyang kumuha ng bato at pinukpok iyon sa sarili. She won’t do that. Maraming nakataya sa buhay niya. Habang nasa daan ay napansin ni Emma Rose ang sasakyang nakasunod sa kanya. She looked at the rear view mirror at nakitang ito ang eksaktong sasakyan na ginagamit ni Matthias. Shit! Sinusundan nga siya ng lalaki. Baka naman parehong daan lang ang dadaanan, ‘te

