Hindi makapagsalita si Emma Rose habang nakatitig sa mga mata ni Matthias. The man in front of her looked so exhausted. Para bang wala pa itong pahinga simula kahapon. Eh pareho pala kayo, ‘teh. Pero hindi tulad niya, malamang ay wala itong nararanasang pambu-bully. Wala itong nararanasang pang-iinsulto mula sa mga netizen. Sa viral video kasi ay ito ang tinagurian pang knight in shining armor ng mga tao. And he was there to save the damsel in distress sa katauhan ni Mia. “Emma Rose, can we talk?” tanong ng lalaki sa kanya. He looked so serious that she almost bought it. She forced a smile and then shook her head. “I can’t, Matthias.” Napatda ang lalaki sa kanyang sinabi. Mukha itong hindi makapaniwala. “Pero Emma Rose, we have to talk.” Umiling siya. “Wala naman tayong dapat pag-us

