Bitbit ang isang sandwich ay lumabas si Emma Rose at hinanap si Matthias. Ramdam niyang may mali sa pag-uusap nila kanina kaya bigla itong umalis. Hindi man niya matukoy kung ano pero heto siya at lalapitan ang lalaki. Alam niyang wala pa itong hapunan kaya naiisip niyang baka makatulong ang sandwich para gumaan ang pakiramdam nito. In short, peace offering? Hindi niya alam kung may kasalanan ba talaga siya. Pero wala namang mawawala kung papagaanin niya ang nararaamdaman nito. In love ka nga, girl. Ayaw mo siyang malungkot. Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang makulit na ideya sa kanyang isip. Sumama siya roon para makasama si Matthias sa huling pagkakataon. Gusto niyang magaganda lang ang magiging alaala niya. Hinanap ni Emma Rose ang lalaki hanggang sa mapadpad siya sa may pool

