Kahit alam niyang mali ay hindi mapigilan ni Emma Rose na mapasulyap kay Mia na kasalukuyang nasa kalapit lang nila na upuan. It wasn’t wrong to look this woman. Ang mali nga lang ay nagkakaroon siya ng mga agam-agam sa dibdib habang tinitignan ito. At isa iyong hindi magandang pakiramdam. Eh ano kung mas bata? Mas maganda? Mas seksi? Not to mention mas mayaman, ‘teh! Gustong manlumo ni Emma Rose. Kahit saang anggulo ay wala siyang panama kay Mia. And the fact na ex ito ni Matthias ay mas lalong nagbaba ng kanyang kumpyansa sa sarili. Pero teka! Bakit ba niya kailangang ikumpara ang sarili sa babaeng ito? Unang-una, hindi niya ito ka-kompetensya kay Matthias. Mag-fuckbuddies lang sila ng lalaki. At pangalawa… Wala nang pangalawa. Yun lang talaga. Mag-fuckbuddies lang kayo kaya ‘wag k

