Her Disguise

1357 Words
    Muli niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin bago kinuha ang sling bag at mga libro sa mesa. Nasiyahan siya sa kanyang nakikita. At alam niyang tama ang naging pasya niya.     “Sigurado ka na ba talaga? Maari pang magbago ang isip mo Dina.” si Julie Ann na nasa kanyang likuran. “ Sayang naman ‘yung suggestions namin ni Emelia.”         “Thanks Li Ann, but I know your suggestion has another hidden agenda. I’d rather pass.” Nginitian niya ang nakasimagot nitong mukha na tila hindi kombinsido sa nakikita sa kanya.     “Ano ka ba naman Dina. Di kana mabiro. Pero seryoso… may iba pang paraan kaysa diyan… kasi… you look…” Hindi nito matapos-tapos ang gustong sabihin ng bumukas ang pinto’t pumasok sina Emelia at Rodney.     “Who’s that ugly b***h?” Emelia asked sharply. “Don’t tell me… Oh my goodness. Jincha? Mechueseu?”     “A-ano raw?”natatawang tanong niya.     “Sabi niya nababaliw ka na ba?” si Julie Ann ang sumagot sa tanong niya.     “Actually malapit na akong mabaliw dahil sa lalak-teka nga lang Li Ann, nakakaintindi ka na rin ng Korean language?”     “Hindi. Pero alam kong ‘yun ang sasabihin niya kasi yun din ang naiisip ko ngayon.”     “Well, she’s definietely right. What’s gotten into you? Wala na ba talagang ibang way? Az inn?” Parang maiiyak si Emelia habang nakatingin sa kanya.     “Hindi naman masama ang itsura niya girls.” Rodney moved closer to her. Buti na lang may tagapagtanggol siya mula sa mga evil witches . “Take a look. She has just put on eyeglasses at inilugay niya lang ang kanyang buhok. Nothing much that changes.”     “Excuse me Rodney.” Awat ni Julie Ann dito. “Let me just correct you.” lumapit ito sa kanya at sinimulan siyang pandiri-an.     “She’s wearing these so –old fashioned glasses and shows off her birds-nest like hair. And to add it up with these…” turo nito sa kanyang suot. “ These… Oh! Cho kie tah!!!” ma-dramang tugon ni Li Ann na napa Hanguel na rin. Hanguel ay ang salita ng mga Korean na pilit na pinag-aaralan ni Emelia.     Hindi naman niya masawata ang mga ito at maipagtanggol ang sarili dahil tama naman talaga ito. Ang dati nakapusod niyang buhok ay inilugay niya ngayon. Nagmukha tuloy siyang katawa-tawa kasi dry pa man din ng kulot niyang buhok. Naka-suot din siya ng lumang damit na may luma ding estilo. Isang napaka-habang palda na umabot sa kalahati ng binti niya at t-shirt na may mahabang manggas. Kahit sino pang tumingin sa kanya ay wala sinumang makakakilala sa kanya at iyon ang talagang plano niya.     Sigurado siyang hindi na muling magko-krus pa ang landas nila ng Nathan na ‘yun. Hopefully. Alam niyang tama ang naging pasya niya ngayon sapagkat kahit ang mga classmates niya ay hindi siya nakilala at tila biglang nandiring lumapit sa kanya. Wala naman ‘yung kaso sa kanya kasi hindi rin naman siya close sa kahit kanino sa mga kaklase. The hell she care. So long as she can be safe from his sight.     “Ba’t ba ang tagal niyo?” tanong niya kina Julie Ann at Emelia na sabay na dumating sa kanilang meeting place. Sabay kasi silang umuuwi tuwing TTh kasi pareho ang schedule nila.     “Itanong mo diyan kay Emelia.” Ani Li Ann na naka-irap na tumingin sa kaibigang tinutukoy.     “Weh? Weh goreh?” anitong tila nagpapa-inosente sa kung anumang ikinagagalit ni Julie Ann.     “Iyan. Iyang kaka-wegoreh mo ang nagpapatagal sa’tin. Can you imagine Dina kung gaano ako ka-aburidong naghihintay sa kanya mula sa panonood ng Korean Drama na’yun. She’s so overly obsessed with it,” matigas nitong wika. Hindi minsang nahintay na rin niya si Emelia dahil ayaw pang itigil ang panonood kahit uwian. Lagi nitong hinihiram ang laptop ni Rodney upang maisakatuparan ang bisyo nitong walang kapagurang panonood at pag-intindi ng mga Korean novela.     “Grabe ka naman Li Ann. Para naman yatang hindi kita hinintay nung isang araw na nakatanghod ka kay Treb sa gym.” Balik sikmat ni Emelia.     “Ganun! As if hindi ka nag-abalang tingnan man lang si Jared. Naku Emelia hu-…”     “Heh! Itigil niyo nga iyan.” Awat niya sa dalawa dahil mukhang talagang seryoso ang mga ito sa diskusyon. “Don’t tell me nag-aaway na kayo sa lagay na ‘yan? Chill lang girls. I think gutom lang tayo kaya masyadong mainit ang mga ulo nat-… Oh my goodness!” wala sa sarili bigla siyang napatalikod sa nakita kung sino ang nasa dinaraanan.     “Bakit Dina? Anong problema? Weh gorehh?” si Emelia na tumigil din sa paglalakad at yumuko sa kanya bago sinundan ang kanyang tingin. Narinig niya ang hagik-hikan at tawanan ng mga estudyante sa paligid. At nakita din niyang abala ang ilan sa mga ito sa pag-aayos ng kanilang buhok at pagre-retouch ng make up. Iyon ay dahil parating ang ‘campus hotties’.     “Hawakan mo ako Dina. Baka himatayin ako pag dumaan si Jared.”ani Emelia na kinakabahang kumapit sa kanya. “Wait! Bakit ang lamig ng kamay mo? Diba wala ka namang crush sa kanil-. Oh! Shucks!” anito ng maalala ang problema niya.     “Tumakbo nalang kaya ako.” Alanganing tanong niya. Pero kahit nakakatawa ang ideyang iyon ay gagawin niya talaga.     “Gaga! Masyadong halata iyon.” Kontra ni Julie Ann. “Kung babalik naman tayo sa pinangalingan natin mas nakaka-duda iyon kaya diretso lang.” anitong tila relax at walang kaba sa dibdib. But she knows better. Alam niya kung gaano ka-windang ang sistema nito ngayon dahil sa presensiya ni Treb.” Hawak-hawak lang tayo.” Nagmukha silang mga rally-hista sa kanilang porma at since nasa gitna siya ay mas nasa kanya ang sentro ng kaba.     Tiningnan niya ang papalapit na mga binata at walang duda kung bakit kinikilig ang mga kababaihan sa campus sa kanila at kung bakit namimilipit sa kaba ang mga kaibigan niya ngayon.     They are really handsome and exude much confidence that makes them look hot and ika nga ni Emelia noon-’delectable’. Well, hindi niya napansin iyon noon. Just only their pretty faces but now that he has seen Nathan at napagmasdan niya itong mabuti ay mukhang tama nga ang deskripsiyon nga mga ito. Napakatangos ng ilong ni Nathan na bumagay sa magandang mukha nito. Talagang papasa itong Korean idol kung sakali.   Naglalakad ang mga ito na tila walang paki-alam sa nagkakagulong kababaihan sa paligid. Tila nasa park lang mga ito at nagku-kwentuhan. Ng mapabaling ang tingin ni Nathan sa dinadaanan ay gayun na lang ang lakas ng pintig ng puso niya. Kung bakit ay hindi niya alam.     Malamang dahil nga may utang siya dito. Tumingin ito sa kanila particularly sa kanya at hindi siya sigurado kung nakilala siya nito. Halos hindi nga niya makilala ang sarili sa salamin kanina, ito pa kaya. Nagpatuloy lang ang mga ito sa paglalakad at ng ilang metro nalang ang layo nila ay siya naman ang hindi maka-kilos. She can’t move her legs forward at mas maigi na lang sigurong tumakbo siya pabalik. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ng mga kaibigan niya na tila sinasabing ipagpatuloy nila ang paglalakad pero hindi niya magawa. At hindi din niya magawang salubungin ang tingin ni Nathan na ngayon ay nakapako na sa kanya. Impossible!!!     Huminto din ang mga ito ng ilang dipa mula sa kanila. And when their eyes met ay hindi na niya nakayang ibaling ang tingin. Tila ba na magneto siyang tumingin dito kahit pa alam niyang hindi siya nito pagtutu-unan ng pansin lalo na sa porma niya ngayon na higit pa sa isang nerd. Nakita niyang gumuhit ang isang malawak na ngiti sa labi ni Nathan kaya lalong hindi mapugnat ang mga mata niya rito. He looks so adorable, huggable and kissa-. Wait! Bakit parang papalapit sa kanya ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD