The phone call "Bakit may Miguel?!" Napapitlag ako sa lakas ng boses ni Yulo habang tinititigan ang ni-fill-up-an kong form para sa birth certificate ng anak namin. Siya ang nagdesisyon para sa first name at ako naman sa pangalawa. Dapat ay isa lang, kaso ay maarte ang asawa ko. Maganda daw kapag pareho kaming may contribution sa pangalan ng anak namin. "Miss, tanggalin mo iyong Miguel. Palitan mo ng Angelo!" May bahid ng panggigigil sa boses niya. Napakunot ang noo ko. "Bakit? Ano naman ang masama sa pangalan? Maganda iyong Miguel!" Bumangon ako mula sa hospital bed at umupo sa gilid. I stared at Yulo. "Mas maganda iyong Angelo!" Giit niya. His chinky eyes almost shut close, forming into a thin line. I don't understand why I find him cute when he's annoyed or irritated. Sus,

