ISANG GABI SA PILING NI BAKLA Chapter 27 BASHA Nandito kami ngayon sa Winford Resort and Casino. Kumuha kami ng isang room para makapagpalit ako dito ng uniporme. Bukod sa suot kong red uniform ay nagsuot din ako ng maiksing black na wig na abot lang sa ibaba ng aking tenga. At pinagamit din sa akin ni Myla ang old I'D niya noong hindi pa siya regular dito. Para makalusot ako sa mga scanner door. “Bash, sobrang iksi sayo ng uniporme mo. Ibang tao na lang kaya ang pakuhanin natin ng camcorder?” Nag-aalala na wika ni Thadd. Naka-upo lang siya sa gilid ng kama at panay ang sulyap sa akin habang ina-ayos ko ang make-up ko. Retouch na lang naman dahil ginawa na ito kanina ni Myla sa bahay. Habang si Dave naman ay nandoon na sa C4sino at naglalaro na. Mabuti na lamang at may alam din siya sa

