DRAKE POV
na received ko text ni mia sa akin na papunta na dito sa condo yung pina deliver ko dinner namin ngunit bigla na lang hinablot ni shiela cellphone ko at binasa yung text.
wag mo na ito replyan babe si mia.
mag doorbell naman yung mag dedeliver ng pakain natin.
diba sabi ko sayo pag kasama mo ako iwasan mo muna ang trabaho mo.
ako muna ang unahin at intindihin mo.
ito na nga lang oras mo sa akin pagalit na sabi sa akin ni shiela.
ito na nga babe oh may time na ako sayo wag ka na magalit. nakakahiya naman kasi kung hindi ko replyan malay mo nag hihintay pala yung tao sa reply at bilin ko pa. sagot ko naman sa kanya.
mas importante pa ba yan si mia kaysa sa akin? tanong niya ulit sa akin.
hindi sa ganun babe. tauhan ko parin sila kaya ganun. grave tampo ka naman agad sa akin alam mo naman na mahal na mahal kita.
basta babe ayaw po ng ganyan pag kasama ka gusto ko sa akin lang oras mo. promise mo sa akin na pag mag kasama tayo bawal muna ang business at ibang tao dapat ako lang ha.
ok sige promise ikaw lang pag mag kasama tayo kaya wag kana ma galit ha i love you.
i love you too.
nagulat ako ng bigla naman niya ako halikan
mabuti na lang at nag door bell na
iniwas ko agad sarili ko kasi gusto ko may mangyari sa amin pag kasal na kami.
SHIELA POV
nag door bell at na putol yung pag halik ko kay drake at sabi ko sa kanya na ako na lang ang baba at mag bubukas ng pinto.
ok sige babe sana yung pag kain na yan gutom na nga rin talaga ako drake said.
pag bukas ko ng pinto naka ngiti pa at binati pa ako ng crew tauhan ni drake.
good evening ma'am
paki diritso na lang sa dining area at pa set up na din. matabang ko sagot.
bakit pala ang tagal mong dumating kanina pa ako gutom. pagalit at pasigaw ko tanong.
ay! ma'am shiela sorry po matraffic po kasi eh at isa pa po hindi po motor gamit ko kotse ni maam mia.
so !! kasalanan ko pa ngayon kung ma traffic sa edsa yung gutom ko talaga ang mag mag adjust at mag hihintay sainyo. alam ko naman na ang kukupad ninyo gumalaw diba may delivery rider ang restaurant ni drake bakit hindi yun ang inutusan ni mia. masyado kasi pumapapel yang manager ninyo porke best friend ni drake.
fully book po lahat ng rider namin ma'am shiela eh. at isa pa po nung tumawag si sir drake na mag papadeliver dito sa condo mo po kakaalis lang ng isa rider mag dedeliver po yun sa antipolo ma'am kaya ako po inutusan ni maam mia mag deliver sainyo.
pacenya na po talaga sa susunod po ma'am aagahan na po namin at bibilisan ma'am sorry po talaga.
oh siya sige wala na tayo magagawa diyan.
bilisan mo na lang pag set up diyan at umalis kana ka aagad nakaka pang init kayo ng ulo masyado kayo matagal gumalaw dilat na kame sa gutom dito.
tatawagin ko na si sir drake mo kanina pa kasi yun nagugutom.
tumalikod na ako at paakyat na ng hagdan. napabuntong hininga ma lang ako sa kupad ng mga tauhan talaga ni drake. masyado matagal kumilos nakaka pang init ng ulo. kung ako boss nila ay sigurado sisante sila lahat sa akin ito naman si drake masyado mabait kaya inaabuso.
DRAKE POV
sinundan ko si shiela pag baba niya at nagulat ako ng pagalit niya kinakausap ang crew ng restaurant ko.
napakubli na lang ako sa gilid ng malaki halaman sa may hagdan.
narinig ko pinapagalitan at pinag sasabihan ng masama ang tauhan ko nag papaliwanag naman ng maayos si at humingi ng tawad kasi ma traffic daw.
pati si mia pimag salitaan pa ng masama na pumapapel lang daw sa akin kasi best friend ko.
sa totoo lang madami nakakarating at nag susumbong sa akin na hindi daw maganda ang pinapakita ugali ni shiela sa mga tauhan ko pag hindi ko kasama sa restaurant ngayon ko na laman na totoo pala talaga ang nakakarating sa akin nung una kasi hindi ako na niniwala kasi wala ako basihan mabait si shiela pag kasama ko sa mga restaurant ko. ngayon nakita ko na at narinig mismo kakausapin at pag sasabihan ko din siya hindi dapat ganyan ginagawa niya sa mga tauhan ko kung ma kasal kami maging boss din siya ng mga tauhan ko kaya dapat maging mabait siya dito kasi sila nag papakahirap para maging maayos ang companya ko at mag karoon ng maganda kita ang negosyo ko kaya dapat maganda at maayos din ang pakikisama sa mga tauhan ko.