"Doc, ano? How is she? Is she's okay lang po ba? Wala po bang nangyaring masama sakaniya? Oh s**t! Answer me doc!"
"Sir, calm down. Walang magagawa yang pagwawala niyo dito. Ginagawa na po ni doc ang lahat."
"Ginagawa ang lahat? Bakit hindi pa siya nagigising? Gawin niyo ang lahat ng makakaya ninyo! Hindi pwedeng mamatay siya!"
"Opo Sir. Gagawin po namin ang lahat. Kalma lang po kayo at magiging maayos na po siya."
May naririnig akong sumisigaw. Kaya unti-unti ko ng dinilat ang mata ko. Nagulat ako ng may maaninag akong lalaki na nasa harapan ko ngayon at nakatayo. Blured ang mukha niya. Hindi ganon kalinaw pero alam kong lalaki ito. Bigla noya na lang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Hey Angel, do you hear me? Okay ka lang ba? Magsalita ka." Pamilyar ang boses nito. Teka! Kilala ko siya. "Blaire!" Kaagad akong umupo ng maayos sa kama. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa pisngi ko. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. May nakita akong limang tao na nasa harapan ko. "Ms. Castillio, anong nararamdaman mo ngayon? Tell me. Nakikita mo ba ako?" Bigla nilang tinutukan ng ilaw ang mata ko. "Doc, may nakikita ako, yun nga lang malabo. Blured. Pero mas okay uto kesa sa dati." Ano bang nangyari saakin at nasa ospital ako? Ang naalala ko lang ay nakita ko na ang parents ko pati si Lola. Yun lang wala ng iba.
"Okay! Mukhang maganda nga yan. Hindi naman ganon kalakas ang pagkakabunggo mo sa kotse. Mukhang mas maganda pa ngang nabunggo ka dahil unti-unting bumabalik ang paningin mo." Alam ko na kaya hindi ako sinama nila Papa. Dahil alam nilang may dapat pa akong gawin dito. So dapat mas malakas ang impaft ng pagakabunggo ko para muling bumalik sa dati ang paningin ko? Ganon ba yun? "Blaire? Paano ako napunta dito?" Naguguluhan pa din kase ako kung bakit ako nandito. Nagpacheck up ba ako?
"Lumabas ka kanina sa bahay. Hindi ko alam kung saan ka pumunta hanggang sa may nakita akong nagkakagulo malapit sa park. Nakita kitang nakabulagta. Nabangga ka ng isang kotse. Buti na lang at hindi malakas ang impact kundi baka mawalan ka ng malay. And good thing you're awake. You scared me. Akala ko hindi ka na magigising." Nakita kong umalis ang mga nurse at doktor. So nabangga ako? Yun din ang dahilan kung bakit nagpakita saakin sila Papa at Lola.
"Yung parents mo?" Unti-unti ko kaseng naalala kung ano yung mga nangyari bago ako naaksidente. "Don't mind them. Siguro ay narinig mo ang mga pinagsasabi nila kaya ka nag walk out. Angel, that's not true. Hindi ganon ang tingin nila sayo. Wag mo na yun isipin. Ang mas maganda eh magpahinga ka muna." Wag isipin na ano? Na wala akong silbi. Kahit na nakakaaninag na ako syempre hindi pa din yun spat para matanggap ako ng lahat. Ano ba dapat kong gawin? Magpabangga ulit sa kotse?
Biglang may kumatok sa pintuan kaya binuksan muna yun ni Blaire. May naaninag akong dalawang tao. Isang babae at isang lalaki. Sino sila? Baka mamaya ay fans ko yan at nanghihingi ng autograph.
"Blaire, what happened to her?" Ito ang boses nung nasa bahay ako ng parents ni Blaire. Muling bumalik sa Blaire sa tabi ko. Ako naman ay napahawak sa kamay ni Blaire. Ito yata ang parents niya. "Pa, she's okay now. No need to worry. Infact, medyo nakakaaninag na siya. Malabo lang yung nakikita niya but still that's a good news." Ayokong makarinig ng negative na words. Kaya sana umalis na sila kaagad.
"Blaire anong ginawa nila dito?" Hinila ko si Blaire papunta saakin para madinig niya ang sinasabi ko. Mahina lang kase yun.
"Hindi ka nila kakagatin kaya wag kang matakot." Natawa pa siya. Hindi ko naman iniisip na kakagatin nila ako. Baka ako pa ang kumagat sakanila. Nahawa na ako sa aso kong si Scott na mahilig mangagat.
Maya-maya ay lumapit saakin ang isang babae. Kaya lalong humigpit ang hawak ko kay Blaire. "Iha, I'm Beatrice. Mother of Blaire. I'm so sorry sa mga narinig mo kanina. It's just that we don't know na Blaire has a girlfriend." What? Me girlfriend? Ako? As in ako?
"Tita, I'm not his girlfriend. That's okay Tita. No need to say sorry. Sanay na ako." Sa lahat ng mga taong nakakasalamuha ko hindi talaga ako naglalagay ng 'po' at 'opo' sa mga sinasabi ko kahit na mas matanda pa saakin yan.
Wala talaga akong galang and that's true. Kesa naman sa mag 'po' at 'opo' ako ng ilang ulit. Edi ang plastik kong pakinggan. Pero still nirerespeto ko pa din naman sila. I call them Tita, Tito, Lola, Lolo, Ma'am and Sir as a sign of respect.
"Doon din naman yun mapupunta." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng Papa ni Blaire. Dahil unang una sa lahat ay wala akong balak na atupagin ang love life ko dito. Natuto na ako dati kay Will. Ayoko na. Sayang lang ang oras ko doon. "Asikasuhin ko lang ang bills. Tapos uuwi na tayo para mas makapagpahinga ka na ng maayos." Nagpaalam muna si Blaire para ayusin yung bills ko sa hospital. Hindi naman din kase ganon kalala ang nangyari saakin. Sadyang OA lang yung kasama ko. Kaya akala ko tuloy may taning na ang buhay ko. Masyadong madrama si Blaire eh.
Katapos niyang asikasuhin ang bills agad din kaming umuwi sa bahay ng parents niya. Akala ko pati si Scott ay nabangga yun pala nakaligtas siya. Wala namang nangyari sakaniya. Wala din siyang nakuhang sugat o galos sabi ni Blaire kaya walang dapat ipagalala. "Sa kwarto kita matutulog para mababantayan kita ng maayos." Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sala para maghintay ng pagkain na niluluto ni Tita Beatrice. "Huh? Bakit sa kwarto mo? Grabe! Hindi ako bata para bantay bantayan mo no. Hindi kita kuya kaya please stop acting like my brother. Hindi mo ako bunsong kapatid para bantayan." Ayoko sa lahat yung may katabing lalaki kapag natutulog. Mahirap na. Baka ano pa gawin niyan. "Tch. It's for your own sake, Angel. At saan ka naman matutulog? Para nga hindi na ako mapapagod na pumunta pa sa kwarto mo." Wow! Tamad lang? Lalakarin lang yung kwarto. Pagod agad? Napakatamad ng lalaking ito.
"Pero hindi pa din yun tama Blaire. Lalaki ka. Babae ako. Isipin mo nga kung magsasama tayo sa iisang kwarto. Okay pa sana saakin yung ganito. Yung nagmamalasakit ka saakin dahil nga sa kalagayan ko. Pero yung matulog sa iisang kama at sa iisang kwarto? Iba na yata yun." Masyado yata siyang nageenjoy sa pagbabantay saakin. Akala niya siguro isa akong bata. "Eh ano naman ngayon kung lalaki ako tapos babae ka? Hindi naman masama yun ahh." Ang bobo din nito ehh. Hindi niya ba naisip na iba ang iisipin ng mga taong nasa paligid namin. Oo sabihin na nating maalagaan at mababantayan niya ako oras-oras pero ano na lang ang sasabihin ng parents niya no.
"Hoy Mr. Architect! Wag ka ngang bobo. Okay na ako. Hindi na ako yung kagaya ng dati na puros black lang ang nakikita. Medyo nakakaaninag na ako. Kahit na malabo ay okay na din yun atlis hindi na ako nahihirapan. Kaya ko na ang sarili ko. Mas gugustuhin ko pang makatulog sa kulungan ni Scott kesa sa tabi tayong matulog." Tinawag na kami ni Tita para kumain. Kaya itong kasama ko todo alalay habang papunta kami sa kusina. "Blaire, ang OA mo." Inis na inis ako sa mga kilos niya ngayon. Parang naman wala pa din akong nakikita sa ginagawa niya eh. Tahimik lang kaming kumain. Bago pa nga kami kumain ay nagaway pa kami. Paano susubuan niya na naman daw ako. Sa harapan talaga ng parents niya? Nakakahiya kaya yun. Kaya ko naman na kumain ng magisa. Hindi kagaya nung dati.
"Mamayang konti aalis ako. Mabilis lang ako kaya dito ka lang ahh. Walang lalabas ng bahay. Doon ka sa guest room sa tabi ng kwarto ko para mas malapit ka saakin." Ang seryoso naman nila dito sa harap ng pagkain. Saan naman siya pupunta? Sa Mars? Okay lang naman saakin na umalis siya. Para walang manggulo saakin. "If you need anything, nandiyan si Mama para asikasuhin ka. Don't be shy. Ma, ikaw bahala kay Angel kapag wala ako ahh." Tumango ang Mama niya at ngumiti saakin. Kung makautos ang isang 'to parang hindi niya nanay. "And one more thing. Wag kang matakot sakanila dahil hindi sila nangangagat." Tawa naman ng tawa si Tito Edward, ang Papa ni Blaire sa sinabi ng kaniyang anak. Maging itong si Tita Beatrice ay natawa na din.
Katapos naming kumain hinatid ako ni Blaire sa magiging kwarto ko. "Stay here. Kung gusto mong lumabas ng kwarto magsalita ka dito sa intercom at tawagin mo ang ibang maid to help you. Pero bawal kang lumabas ng bahay ahh. Lalabas ka lang kapag kasama mo ako. Ang pwede mo lang puntahan ay yung garden, living room, dining area, room ko, at kahit ang buong bahay pa ang libutin mo pa ang buong bahay bastat may kasama ka okay lang." Ang daming bilin. Parang si Papa ito kung makapagsalita. "Opo Pa. Pwede na kayong umalis." Inis ko siyang tinulak palabas ng kwarto pero hindi nagoatinag si Blaire.
"Tch. Pinapaalis mo na nga ako. Sige na. Aalis na ako. Don't call me Pa. I'm not your father." Inis na inis naman ito. Kala mo hindi siya lalaki kung mainis. "Don't call you Papa? You're acting like my father and then I will not call you Papa?" Sinarado niya na ang pintuan at hindi na ako pinatulan pa. Agad naman akong humiga sa kama para magpahinga. Bakit kaya ganon na lang ang reaksyon ng parents niya kanina ng maaksidente ako? Siguro ganon talaga ang ibang tao kapag may nakikita silang naaksidente. Naaawa sila at lumalambot ang puso. Kanina kase nung nakita nila ako muntikan na silang magaway away nila Blaire dahil lang saakin. Bakit parang nagbago yata sila katapos kong maaksidente? Nakakabaliw din ang pamilya ni Blaire. Kaya nga ayaw ko na ding magtagal dito dahil baka mabaliw ako ng tuluyan. Mahirap na.
"Angel? Angel. Open the door." Agad naman akong napatayo ng marinig ang bises ni Tita Beatrice sa labas. "Tita, bakit po?" Tanong ko ng mapagbuksan siya ng pintuan. Grabe. Hindi ko akalain na pupuntahan ako ni Tita Beatrice dito sa kwarto ko. "Tara sa garden." Aya niya saakin. Hindi pa amn ako nakakapayag sa gusto niya. Hinawakan niya na ang kamay ko at sabay na pumunta sa garden. Alam ko na kung kanino nagmana si Blaire.
Hindi ko masyado makita ng maayos ang mga tanim dito pero nasisigurado kong napakaraming bulalak dito. Umupo kaming dalawa sa isang bench. "So, paano ba kayo nagkakilala ni Blaire?" Hot seat pala ito eh. Boy Abunda is that you? "Tita, hindi maganda ang unang meet namin ni Blaire. Gabi yun nung una kaming nagkita. Tinulungan niya ako sa isang bad guy tapos doon na nagsimula ang lahat. Simula noong tinulungan niya ako hindi niya na ako nilubayan. Nagkataon pa na sa bahay niya ako tumira dahil sakaniya ako binilin ng secretary ng Lola ko." Pagkukwento ko. Nakuha ni Blaire ang pagiging chismoso sa nanay niya no. "Oh I see. Nasaan na pala ang parents mo? Bakit mas gusto mong sumama kay Blaire kesa sakanila?" Hindi siya masyadong matanong.
"My parents passed away 2 years ago and also my Lola. Nakakalungkot man pero I need to accept the fact na ako na lang talag. Well, I have Tita Hellen but she's crazy. She even try to kill me. Kaya mas minabuti kong umalis na lang sa bahay kesa sa doon mamatay sa mismong mansion namin." Si Tita naman ay hindi makapaniwala sa sinabi ko sakaniya. "Oh really? Grabe naman yata siya. As in wala ka na tlagang family aside from your Tita Hellen?" Ang daming tanong ni Tita. "For me, Tita Hellen is not part of my family anymore. Inangkin niya ang lahat ng pagmamayari ni Lola and ni Mama. Lahat yata ng kompanya hawak niya. Wala na akong ibang pamilya. Buti na lang at tinira saakin si Francine, my Lola's secretary. Siya ang kinikilala kong pamilya." Grabe. Ang daming tanong ni Tita Beatrice. Ilalagay niya ba sa magazine ang buhay ko? Marami pa kaming napagkwentuhan and mostly ay tungkol sa business na meron ang family ko. Siguro ay business woman din itong si Tita Beatrice. Sayang at hindi sila nagkakilala ni Mama. Tiyak na magkakasundo silang dalawa. Akala niya din ay may gusto ako kay Blaire. "Naku Tita! Ang gaspang ng ugali ko diyan sa anak ninyo dahil sobrang kulit niya. Aaminin kong mabait siya at maalaga pero hindi ko siya gusto. Sa toto nga ay ayaw ko ang presensiya niya dahil masyado niya akong iniingatan. Hindi naman ako ginto para pahalagahan. Hindi nga din kami ganon katagal na magkakilala pero kung titignan parang matagal na kaming may koneksyon sa isa't isa sa way ng pagaalaga niya saakin." Tawa siya ng tawa habang nagkukwento ako. Mukhang naheenjoy yata siyang kausap ako. "Ganon lang takaga ang anak ko. Pinalaki ko kase siyang may malasakit sa kapwa. Pero nakakatawa naman ang pagtrato mo sakaniya. Hindi naman ba siya nagalit or nainis sa ginawa mo?" Hindi ako magtataka kung makikita ko na lang ang mukha ko sa isang cover ng magazine dahil kay Tita Beatrice. Gusto niya pa yatang ipalabas ito sa mga Tv channel. Daig niya pa si Boy Abunda kung magtanong. Masaya din naman pala siyang kausap.
"May times na naiinis siya pero nawawala din yun. Nagtataka nga ako dahil kahit na ipakita ko pa ang kademonyita ko hindi pa din siya sumusuko sa pagiging mabait. Grabe na nga ang ginawa niyang pagtulong saakin. To the point na parang obligasyon niya na ang pagtulong saakin. Ayaw ko naman na habang buhay siyang nandiyan para saakin. Hindi din naman kase ako magtatagal sa buhay niya at wala na akong balak magtagal. After kong ayusin ang buhay ko aalis na ako sa tabi niya. Syenore may ibang buhay din naman siya. Hindi naman pwedeng saakin na lang umiikot ang buhay niya. Sigurado akong hahanap din siya ng love life niya at gusto niya ding magka-pamilya kagaya ng ibang lalaki. Kaya aayusin ko na kaagad ang buhay ko para naman ay maayos niya din ang buhay niya." Ganon siguro talaga kabait si Blaire kaya nga maswerte ang magulang niya sakaniya dahil bihira lang ang may ganiyang ugali. "Pero alam kong nahanap na niya ang para sakaniya." Nahanap? Edi ibig sabihin may girlfriend na siya no? So dapat na pala akong umalis dahil baka kung ano pang sabihin ng girlfriend niya saakin. "May girlfriend na siya? Hala! Bakit hindi niay sinabi saakin?" Tawa naman ng tawa si Tita Beatrice. Panay ang pagtawa niya ngayon ahh. Hindi naman ako mukhang clown para pagtawanan niya ng pagtawanan. Pero okay na din yun atlis may napapatawa akong ibang tao. Habang ako ay hindi ko pa rin magawang ngumiti o tumawa man lang. Siguro ay makakangiti lang ako kapag natigil na ang kasamaan ni Tita Hellen.
"Girlfriend? Wala pa pero soon." Pero soon? Edi nililigawan niya palang? Aba! Mukhang may pinopormahan nga talaga si Blaire. Insultuhin ko nga siya mamaya. "Sinong nililigawan niya?" Baka mmaaya kase si Francine pala ang nililigawan niya. Matanda lang kase ng isang taon saakin si Francine. Malay ko bang siya pala ang nililigawan ni Blaire. Tsaka sabi ni Francine friend niya itong si Blaire baka yung friend ay mag turn into boyfriend and girlfriend. Pumapagibig ang dalawa. Pero bago sila kumerengkeng syempre tutulungan muna nila akong kalabanin ang Tita Hellen ko and then after that hindi ko na sila guguluhin. "No. Wala pa. Soon. Antayin na lang natin." Paano siya magkakagirlfriend kung wala naman pala siyang nililigawan. Sayang. Balak ko pamandin siyang asarin mamayang kauwi niya.
Napapasarap yata ang kwentuhan namin ni Tita Beatrice dito sa garden. Mabait naman kase talaga siya. Tama nga si Blaire hindi siya nangangagat. Kaya salamat at hindi. Dahil kung nangangagat siya edi magkagatan na lang kami. Nahawa yata ako kay Scott na kapag kailangan ko ng tulong wala siyang ibang gagawin kundi ang mangagat. Self defense niya siguro yun. Pero ang panget naman kasng tignan yun. Okay na din. Aso naman siya kaya hindi nakakdiring tignan.
"Wait, what's your name again? Angel? Angel what?" May pahabol pa palang tanong. "Angelica Leigh Castillio." Bigla naman siyang natahimik. Ano naman kayang meron sa pangalan ko at parang may alam siya.
"Are you a bllerina?" Fahan dahan akong tumango. Hindi ko inaasahan ang magiging reactiom niya nung inamin kong magaling akong sumayaw. Bigla na lang siyang napahiyaw sa tuwa at pinagbihis ako ng isang dress tsaka niya tinanggal ang pagkakapusod sa buhok ko. Kumulot tuloy ito pero maganda pa ding tignan. Katapos kong magbihis ay nilagyan niya ng bulaklak ang gilid ng tenga ko. "If you are a ballerina then let's start the show." Pumalakpak pa ito bago nagpatugtog ng isang kanta. Instrumental lang ito pero magandang pakinggan. Hindi ko alam kung kaya ko pang sumayaw pero gagawin ko pa din. Matagal tagal na din noong last akong sumayaw.
Tiningkayad ko ang paa ko tapos tinaas ko ang dalawang kamay at umikot ng dalawang beses. Marunong pa din pala akong sumayaw. Para akong butterfly na pinapagaspas ang pakpak ko. Umikot ako at sinabay ang pagtalon sa pagikot ko. Kung ano anong ballet steps ang ginawa ko. Tinaas ko ang isa kong kamay at tinitigan ang dahan dahang paghulog non sa hangin. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at ang isa kong paa. At sa last step na ginawa ko. Itinaas kong muli ang kamay ko at umikot ng umikot hanggang sa mabangga ako ni. Blaire? Maganda naman ang pagkakahinto ng pagikot ko. Nakapalupot ang dalawa kong kamay sa batok niya at nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ganon kalinaw ang nakikita ko kaya hindi ko masabi kung may itsura ba siya o ano. Curiuos din kase ako sa itsura niya. Sayang at malabo ang nakikita ko. Hindi ko tuloy alam kung Nong itsura niya. Pero okay na din ito. Medyo naaaninagan ko din naman ng kaunti ang itsura niya hindi nga lang ganon kalinaw.