Maaga akong nagising para makapaghanda ako ng almusal naming dalawa ni Blaire, kakaalis lang ng parents niya dito sa bahay, may bibisitahin daw silang friend. Nasa kwarto pa si Blaire, paniguradong ngayon niya iindahin ang sakit sa ulo. Ang dami niya kasing ininom kagabi hindi niya naman pala kakayanin lahat. Ang hina talaga ng lalaking 'yon, buti nga nakuha pa naming umuwi kagabi eh. Simple lang naman ang lulutuin ko ngayon, egg and bacon lang pero nagdesisyon akong magluto ng iilang pancakes para kay Blaire. Naisip ko kasi na deserve niyang kumain nito ngayong araw dahil sobrang galing niya, nakaka-proud nga eh kasi kuhang-kuha niya talaga ang inis ko. Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Amoy pa lang, alam na alam ko na kung sino 'to. Buti naman nagising na siya, akala k

