My eyes widen when I saw Kuya Lionel. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw mula sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang agad nakahingi ng tulong si Blaire para maisugod sa ospital si Kuya. Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin kung anong nangyari sa Kuya ko. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa labas ng emergency room, hinihintay namin na lumabas ang doktor. Habang si Blaire nakatayo sa harap ng pinto ng emergency room, binigay ko naman agad ang papel na nakita ko kay Francine. "Sino naman ang magtatangkang maglagay nito sa ice cream?" Tanong sa akin ni Francine. "Malamang si Tita Hellen ang may gawa niyan pero bakit si Kuya ang nalagay ngayon sa panganib?" Sa pagkakaalam ko walang alam si Hellen tungkol sa naging past ni Dad o baka mali ako. Baka may alam siya, baka nakasunod siya sa bawat kilo

