Tinabig ko ang kamay niya. "Please. Just once. Just for me." Sino siya para ngitian ko? "Who the hell are you? Boyfriend? A family? Sino ka para ngitian ko?" Tawa naman siya ng tawa. Lately, panay ang pagtawa niya. He's very happy. Sana all.
"Okay. Let's be serious now. Let's talk about ourselves. What family I came from and you cam from? What is our past?" Ano na namang pakulo yan? Ang dami niyang alam. "Since ikaw ang nakaisip, then ikaw ang mauna." He chuckled again. Ganon siya kasaya ngayon ah. "Okay fine!" He cleared his throat before he start.
"You already know that I came from a rich family right? Pero that's too much. All I wanted is to have a complete and happy family. Just like what the others have. Sa una, oo aaminin kong masaya nga because were complete but then when my Kuya Billy died, my world starts to fall apart. He's my brother. He's my best buddy. He's my bestfriend. But he's gone now. Were really closed to each other. To the point na pati pagligo yata namin ay sabay kami. Kaya nga ngayon ay desidido akong hanapin kung sino ang pumatay sakaniya. Namatay siya dahil binaril siya. Walang nakakaalam kung sino ang pumatay sakaniya. Even the police, wala silang nahanap na ebidensiya kaya na-stop ang kaso but hindi naman ako papayag kaya patuloy akong naghahanap ng ebidensiya para makuha ang hustisya. He doesn't deserve to die. He doesn't deserve everything. I know him very well. Hindi siya masamang tao kaya walang rason para barilin siya ng kung sino." Kaya naman pala hindi niya matanggap ang pagkamatay nito. Sabagay, kahit din naman ako ganon eh.
"It's my turn na diba?" Hindi siya nagsalita but I know that he's listening. "Actually, were just the same. Just like you, I came from a rich family too. Parehong pareho tayo ng gusto. To have a complete and a happy family. That's all I want. I don't even care about the money. I care about my family. Buti nga ikaw kuya mo lang ang nawala. Eh ako? Buong pamilya ko nawala saakin at ang mas masama pa doon ay yung tinira ang pinakamasamang tao sa mundo." I heard him chuckled. "Sa lahat ng pwedeng itira, yun pang demonyo. Grabe na talaga yun! Tapos nabulag pa ako. Why so malas? Well, malas talaga is me. Naalala ko pa noon nung nag start akong mag ballet. Dahil masyado akong mayabang na akala ko alam ko na lahat. Nagpakitang gilas ako kay Mama tsaka kay Lola, kaya ayun na out of balance ako nung umikot ako. Akala ko kase kapag baet puro ikot lang ng ikot. Napahiya pa ako. Pero ngayon? I don't know if I can dance. Sa tuwing sasayaw ako naalala ko sila. Specially, my mom. Siya ang nagturo saakin kung paano mag ballet." Masyado na yata akong madaldal ngayon. I didn't notice na napapasarap ang kwentuhan namin Blaire.
"Malas? Hindi ka malas. Walang taong malas. Tayo ang nagdidikta ng kapalaran natin. Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin, Angel. Hindi ka malas. Sadyang nagkataon lang ang lahat. You don't if you can dance? Yes you can. Nakasayaw ka nga sa harapan namin nila Mama tapos sasabihin mong hindi ka marunong. You're lying. Ang galing mo kaya. You danced well. And I'm so proud of you." Wow! Ngayon na lang ulit ako nakarinig ng pagpupuri galing sa ibang tao. Matagal-tagal na din akong hindi nakakarinig ng papuri tungkol sa pagsasayaw ko.
"Well, ako lang 'to, Blaire. It's just me." Nag flip hair pa ako. Natawa naman siya. "Ang confident. Wow! Fine. Ikaw lang kase yan." Tawa na siya ng tawa after that. Ang lakas niya pamanding tumawa. I wonder kung may nakakakita sakaniya. Akala nababaliw na siya. Habang abala siya sa kakatawa niya nakaramdam na naman ako ng lamig. Humangin kase bigla. Naramdaman ko na lang na may malambot na damit ang pumatong sa balikat ko. "Suotin mo yan." Pinasuot niya pala ang jacket niya yata. Kinapa ko kase ito at doon ko nalaman na nakasuot pala siya kanina ng jacket.
The next day ay masyadong busy si Blaire. Good thing that his Mom is here to take care of me. Mas okay din daw yun sabi ni Blaire.
Ayaw niya kaseng walang nagaalaga saakin though kaya ko naman na ang sarili ko dahil medyo um-okay na din ang mata ko but he still thinks na hindi ko pa talaga kaya. I'm just pretending lang daw. And lately he's acting sweet. Like were mag on but hindi naman. Dalawang araw na siyang hindi umuuwi dito sa bahay. I don't know why pero tumawag naman siya na super busy niya talaga sa work. Nagaalala na nga si Tita Beatrice sakaniya. Baka daw kase hindi yun kumakain or natutulog. Hindi ko din naibalita sakaniya na maayos na ang mata ko.
"I'm happy for you, Angel. So what now? Do you have a plan to go to the doctor to check your eyes?" Meron nga pero hindi ko alam kung paano. Nagulat na lang kase ako kaninang umaga na nakakakita na ako. It's Miracle. Sayang at wala si Blaire. I'm sure matutuwa yun. "Yes po Tita. I'm going na. Pero pwede bang gamitin ang kotse ninyo? For a while?" She nodded. "Yes you can but sabi ni Blaire. Bawal kang mag drive. Kung may pupuntahan ka pa drive ka na lang diyan kay Manong Dan. Takecare." Sinunod ko naman ang sinabi ni Tita. Agad kaming nakarating ni Manong sa pupuntahan namin.
Nasilaw ako doon sa flashlight na tinutok ng doktor sa mata ko. Tinignsn niysng msigi yun. This is a miracle! Ang sabi nila ay kailangan ko pa daw magpaopeara para bumalik sa dati ang mata ko. Gustong i-donate ni Lola ang mata niya saakin kapag namatay na siya but I didn't accept her offer. Ang sabi ko sa sarili ko, kaya ko naman kahit wala na akong nakikita. I can managed bastat nasa tabi ko ang family ko.
"Congratulations! Nakakakita ka na ulit. Good thing at bumalik yan. It's almost 2 years na din. It's a miracle talaga. Okay na ang mata mo. I'm so happy. I'm sure matutuwa si Lola mo." She knows my Lola. She's a family friend kase. After niya akong tignan, bumalik ako kay Manong Dan. "Manong sa cemetery tayo ah. May dadalawin lang ako." Tumango naman ito at nag drive na papunta sa sementrryo. I want to visit my family. I'm sure matutuwa sila. Lalong lalo na si Lola. Grabe! I'm so excited to talk to them na.
"Hello Lola, Mama and Papa. Look at my eyes oh. I can see na ulit. Waaa! I'm so happy but at the same time sad din syempre wala na kayo. But since nakakakita na ako, babawiin ko kung anong kinuha saatin ni Tita Hellen. Maghihiganti ako sa mga ginawa niya but in a good way. Ako ang gagawa ng paraan para makuha ang lahat ng dapat ay satin lang though I'm not selfish but she doesn't deserve what she have. Ninakaw niya lang yun. But let's not talk about it now. I'm just here lang naman to say na nakakakita na ako. That's all. I miss all of you na." Nakaramdam ako ng malamig na hangin. I know it's them. Ilang minuto din akong nag stay sa puntod nila naistorbo lang ako ng maramdaman kong may nakamasid saakin but when I turned around para makita yun. Wala namang tao.
"I'm going na. I love you all. I miss all of you. Goodbye na." Naglakad na ako paalis sa puntod nila. Naramdaman ko na naman na may nakamasid saakin. Hanggang sa may nakita akong naka balck na lalaki sa likod ng puno. Malayo naman siya but I know na ako ang tinitignan niya. Kaya pinambilisan ko ang lakad ko. Hindi ko pinahalata na nakita ko siya. Kainis! Bakit kase malayo ang kotse ni Manong Dan? Doon pa kase siya ng park sa malayo. Tumakbo na ako ng mas mabilis para hindi niya ako maabutan hanggang sa may humawak sa kamay ko. Tinignan ko ang kamay nito. Dahan-dahan akong tumingin dito.
Ang ganda ng mata niya. He's tall. I thinks nasa 5'10 ang height niya. He has this pointed nose. And gosh! May dimples din siya. Kapag ngumingiti siya ay lalo iyong lumalalim. He has this kind of messy hair na bagay na bagay talaga sakaniya. s**t! Those red lips. Gosh! Yung kilay niya hindi ganon kakapal pero bagay sakaniya. Ang puti din niya and those f*****g eyes. Jusko! Mapapamura ka talaga kapag nakita mo siya. Singkit ang mata niya at nawawala ito kapag ngumingiti siya. Ang tanging masasabi ko lang ngayon ay Ang gwapo niya.
"B-blaire." Mahina kong binanggit ang pangalan niya. I know that this is Blaire. Because I can smell his damn perfume! Memorize ko na yata ang amoy ng pabango niya kaya alam kong siya ito. Naramdaman ko n alang na yumakap na ako sa kaniya. Oh gosh! Bakit ko siya yinayakap? "I'm scared." Kusang lumabas ang mga katagang yun sa bibig ko. Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko habang nakayakap ako sakaniya. Agad din akong kumalas. Ayokong gumawa ng eksena dito sa sementeryo.
Tumingin-tingin ako sa plaigid at hinahanap ang isang lalaki na kanina ko lang nakita. Pero hindi ko siya mahanap. "He's dead." Agad akong napalingon dito kay Blaire. "What? Who? Did you just....." oh! I think siya ang may gawa non. "That guy who's staring at you from a far. Good thing that I called my Mom. Sinabi niya na kasama mo si Manong Dan. He's not dead, I'm just kidding. Binasag ko lang ang mukha niya." Inakbayan niya na ako at naglakad na kami papunta sa kotse. "What are you doing here? Akala ko bang busy ka?" Tinanong ko siya habang tinatanaw kung nasaan si Manong Dan. "Yes I'am. But I'm not that too busy. Kaya I can be with you all the time. I know you always need my help. Ano palang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka nagpaalam saakin? Or sana man lang nagpasama ka na kay Manong Dan." Agad naming natanaw si Manong Dan at ang kotse. Inalalayan ako ni Blaire na makasakay sa kotse.
"Paano ako magpapaalam? Eh alam kong busy ka. Ikaw ang nagsabi non mismo saakin. Hindi naman kita iistorbohin kung alam kong busy ka. Tsaka I can manage naman. Manong Dan is here, kaya no worries. Dinalaw ko lang naman ang family ko para magbalita sa kanila ng good news." Dumungaw na lang ako sa bintana para matanaw ang mga dinadaanan namin. Ngayon ko na lang ulit ito nakita. "And what's the good news? Bakit hindi ko yan alam?" Ang daming tanong! Napairap na lang ako habang nakatingin sa bintana. Agad ko ding binalik ang tingin ko kay Blaire. "Nakikita ko yang itsura mo. Nakikita ko din yang daanan na tinatahak natin. Even Mang Dan. Nakakita na ako! Hindi ka ba nagtataka na may hinanap ako kanina sa sementeryo? So bobo! Hindi ka man lang nagtaka na nakita kong may sumusunod saakin? Duh!" Inis kong inalis ang tingin ko sakaniya. Pero agad din yung bumalik dahil bigla niya akong hinarap sa kaniya. Tinaas niya ang dalawa niyang daliri. "Ilan 'to?" Talagang hindi siya naniniwala? Gosh! Bumuntong hininga ako at napairap habang kaharap siya. "Two." Wang ganang sagot ko. "Five." Ano bang problema nito? At bakit hindi siya naniniwala? "Three." Unti-unti siyang ngumiti.
"Holy s**t! Nakikita mo na talaga ako? Sige nga anong ginagawa ko?" Bigla na lang siyang ngumiti ng pagkalaki-laki habang hindi ko na matanaw ang mata nito dahil nawawala kapag ngumingiti siya. Singkit kase siya. Tuloy ay pinipigilan ko ang sarili ko na ngumiti. "Tch. Nakangiti ka. Hindi ka pa din ba naniniwala?" Inayos niya na ang sarili niya. "Pumunta ka na ba sa doktor para ipatingin yang mata mo?" Bigla siyang sumeryoso. "Ofcourse! Naisip ko na yan no. Bago ako pumunta dito, dumaan mun aako doon." Alam kong hindi pa din siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kaya tanong siya ng tanong ngayon. "Bakit hindi mo naman ako sinabihan? Sana tinawagan mo ako. Ayan tuloy, ako lang ang walang alam sa nangyayari. Kahit si Mama hindi niya ako sinabihan." Okay! Uulitin ko na naman ang sinabi ko aakaniya kanina. Hindi ba siya nakikinig?
"Hay. I know na busy ka. Kaya bakit ko iisiping tumawag sayo? Huli kang tumawag saakin nung isang araw. Kaya bakit kita tatawagan kung alam kong busy ka? Uuwi ka din naman. Malalaman mo din." Ulit ulit na lang ako sa mga sinasabi ko. Hindi niya ba yun maintindihan? Busy nga kase siya! Paano ko gagawin yun? "Tch. Fine." Buti naman at tumigil na siya sa kakatanong. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila.
Nadatnan namin si Francine sa bahay. Inabot niya saakin ang isang envelope. "May kinalaman yan sa nangyari sa magulang mo, 2 years ago. Sa unang tingin doon sa nangyari kay Lola mo tsaka sa parents mo? Mukha itong aksidente. Pero sa pagiimbestiga ko. Mukhang hindi ito aksidente lang. Malakas ang kutob ko na may kinalaman diyan si Hellen." Binuksan ko ang envelope at may nakita akong mga picture na kinuha yata gamit ang CCTV. Nakita kong may babaeng naka cap at naka shades malapit kung saan nangyari ang aksidente. This is Tita Hellen! Hindi mo ito mapapansin kaagad na siya nga ito kung hindi mo lang siya tititigan ng maayos.
"Bakit nandito siya? Posible kayang siya ang may gawa niyan?" Inagaw saakin ni Blaire ang mga hawak kong litrato.
"Hindi ko din alam kung bakit nandiyan siya. Pero pinaiimbestigahan ko na siya ng patago. Malaki ang chance na siya din ang may pakana niyan." Muli kong tinignan ang mga pictures na ngayo'y nasa lamesa na. Kinuha ko ulit ito at tinitigan si Tita Hellen. "Siguraduhin mong maiimbestigahan mo ito ng maayos. I need to know the truth. Kapag nalaman kong siya talaga ang may gawa ng lahat ng ito, Humanda siya saakin! I will kill her!" Hinawakan naman ni Blaire ang kamay ko. Halos mapunit ko na ang picture na hawak ko. "That's all for now Angel. Babalitaan kita kaagad kung ano pang nalalaman ko. Ang mahalaga ngayon ay nakakakita ka na." Yinakap niya muna ako bago siya umalis.
"Hindi ka ba natatakot sa mga sinabi mo kanina? You will kill her? Are you crazy? Akala ko bang takot ka? Tapos ngayon malalaman ko na lang na kaya mo siyang patayin? Ano ba talaga, Angel? Sa tingin mo kaya mo yun gawin?" Bakit parang ayaw niya akong pumatay? Mas kinakampihan niya ba ngayon si Tita Hellen? "Nawala na ang takot ko simula noong nalaman ko na may kinalaman yang magaling kong tiyahin sa pagkamatay ng pamilya ko. I can kill her! Pinatay niya ang pamilya ko Blaire. Hindi mo ba yun naiintindihan? Pinatay niya lahat ng mahal ko sa buhay. Kayang kaya ko siyang patayin kagaya ng pagpatay niya sa magulang ko."
Makikita ngayon ni Tita kung gaano ako katapang. Tumapang ako dahil sa mga pinanggagawa niya saakin. Nung pinatay niya ang pamilya ko, para na rin niya akong pinatay.
"Hindi ka mamamatay tao, Angel. Remember that. Hanggat maari huwag kang papatay. Ikakapahamak mo lang ito. Oo, alam natin kung gaano kasama yang Tita mo. Wala siyang kasing sama. Oo hindi mo talaga siya mapapatawad sa ginawa niya sayo. Pero to kill her? Hindi yun ang magandang gawin. Kung pinatay niya ang pamilya mo huwag mo siyang papatayin." Pansin ko talaga ang pagkampi niya kay Tita Hellen. "Bakit ba kinakampihan mo siya?" Tumingin ako sa kaniya. "Hindi ko siya kinakampihan. Ang gusto ko lang gawin mo ay pahirapan mo din siya gaya ng pagpapahirap niya sayo in other way."
Tama siya. Hindi nga ako killer para patayin si Tita Hellen. Pero kayang-kaya ko siyang pabagsakin gamit ang mga business na hawak niya ngayon. "Gusto kong ako ang magperform sa nararating na event nila Tita Hellen." Napatayo si Blaire sa narinig niya. "Seriously? Hindi porket nakakakita ka na gagawin mo na ang gusto mo! For f**k sake! Hanggat nandito ako sa tabi mo hindi mo yun gagawin. Mas lalo kang mapapahamak sa ginagawa mo." Iniisip niya na naman ang buhay ko. Hindi ko naman hahayaan na mamatay ako. Hindi ko hahayaan na si Tita Hellen ang tumapos ng buhay ko. "Hindi naman ako magpapakita sakanila. Magsusuot ako ng maskara. Gusto ko lang mag spy sakanila. Just please, let me do this. Hindi ko din naman hahayaan na mapahamak ako." Huminga siya ng malalim. Tumayo ako at hinarap siya. Bigla niya namang hinawakan ang magkabilang braso ko.
"Ayoko lang na mapahamak ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo. Siguraduhin mong hindi ka mapapahamak sa gagawin mo. Cause I'm going to kill her kapag nalaman kong may ginawa na naman siya sayo." Naging seryoso bigla ang mukha nito. At nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
"Ofcourse! Hindi ko naman talaga hahayaan na mangyari yun. Trust me, Blaire. Oh! Akala ko bang ayaw mo akong pumatay? Bakit ikaw papatayin mo siya?" He cleared his throat. "Kapag ikaw na ang napahamak, ibang usapan na yun. Kayang kaya ko siyang patayin. Hindi ko hahayaan na dumapo yang kamay niya sa katawan mo."
Sa mga naiisip ko ngayon, hindi pa din nawawala ang takot ko. Takot ko na baka mamaya itong si Blaire ang mapahamak imbes na ako. Natatakot ako para sakaniya. Mahirap kalabanin ang isang demonyo. Mahirap din itong patayin. Hinawakan ko ang kamay niya. "I really really don't know kung anong dapat kung gawin. Kahit ma sabihin mong matapang ako sa mga pinagsasabi ko ngayon, hindi ko pa din alam kung anong pwede niyang gawin saakin at sayo. Alam kong mapapahamak ka din lalo na't nakadikit ka sa akin ngayon." He gave me an assuring smile.
"Mas okay ng ako ang mapahamak kesa ikaw." Nagbitaw siya ng makahulugang salita. Ang lajas ng impact noon saakin. Nakakainis! Bakit ba ganiyan siya magsalita? "Pero you don't deserve this. Ibang klaseng gulo ang pinasok mo. Si Tita Hellen ang kalaban dito. Hindi ka ba natatakot na may mangyaring masama sayo dahil lang saakin?" Umiling siya. "Paano ako matatakot? Hinding hindi ako matatakot. Hindi ko din paiiralin ang takot ko, Angel. Ngayon pa na nasa panganib ang buhay mo. I hate seeing you crying! Ayokong makita na nahihirapan ka. Because it's f*****g hurts me. Kaya mas gugustuhin kong ako ang mapahamak. Ako ang mamatay. Ako ang malagay sa panganib kesa sayo. You don't deserve this s**t!" Unti-unting tumulo ang luha ko sa mga sinabi niya. He can do that for me. Oh f**k! Why am I crying like a baby? He cupped my face and wiped my tears.
"Blaire, you don't have to do this. You don't have to be my superhero." Ibang klaseng tao si Blaire. Kaya hindi ko din naman hahayaan na mapahamak siya ng dahil lang saakin. "No. I can do whatever I want. Kung gusto kong iligtas ka, gagawin ko. As long as I'm here, hinding hindi kita hahayaan. Hinding hindi ko hahayaan na mawala ka sa piling ko."