Chapter 3

625 Words
Chapter 3: The Contract Tahimik ang opisina ni Alexander Knight matapos sabihin ni Elena Cruz ang kanyang desisyon. “I’ll do it.” Ang simpleng mga salitang iyon ay parang nag-echo sa buong silid. Tinitigan siya ni Alexander ng ilang segundo, parang sinusukat kung seryoso ba siya. “Are you sure?” Diretso nitong tanong. Tumango si Elena. “Yes.” Hindi na siya umatras. Para sa kanyang ina… gagawin niya ang lahat. Bahagyang tumango si Alexander bago pinindot ang intercom sa kanyang mesa. “Attorney Romero.” Sabi niya. “Come in.” Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang abogado na unang nakausap ni Elena sa ospital. “Miss Cruz.” Ngumiti ito. Mukhang inaasahan na niya ang sagot. “She accepted.” Maikling sabi ni Alexander. Agad inilapag ng abogado ang isang makapal na folder sa mesa. “The contract.” Sabi nito. Dahan-dahang binuksan ni Elena ang folder. Mahaba ang dokumento. Punong-puno ng mga kondisyon. “Clause number one,” sabi ng abogado habang tinuturo ang unang pahina. “You will act as the surrogate mother for Mr. Knight’s child.” “Clause number two…” “During the pregnancy, you will stay in the Knight Residence for proper medical supervision.” Nanlaki ang mata ni Elena. “Stay… in your house?” Napatingin siya kay Alexander. Tumango ito. “Yes.” Sabi niya. “It will be easier for the doctors to monitor you.” Napalunok si Elena. Ibig sabihin… titira siya sa mansion ng isang billionaire. Kasama ang lalaking halos hindi niya kilala. “Clause number three.” Nagpatuloy ang abogado. “You will receive 2.5 million pesos once the pregnancy is confirmed.” “At ang natitirang halaga ay ibibigay pagkatapos maipanganak ang bata.” Mahigpit na hinawakan ni Elena ang kontrata. Ang perang iyon ay sapat para sa operasyon ng kanyang ina. “Clause number four.” Seryoso ang tono ng abogado. “Once the baby is born…” “The child will belong solely to Mr. Knight and his wife.” Tahimik ang silid. Ramdam ni Elena ang bigat ng mga salitang iyon. Ang sanggol na dadalhin niya sa loob ng siyam na buwan… Ay hindi kailanman magiging kanya. Napapikit siya sandali. Ngunit naalala niya ang mukha ng kanyang ina sa hospital bed. Huminga siya nang malalim. “I understand.” Mahina niyang sabi. Tinignan siya ni Alexander. Hindi mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Read everything carefully.” Sabi niya. “I don’t want you accusing me later.” Bahagyang napangiti si Elena. “I won’t.” Tahimik siyang nagbasa ng kontrata. Pagkatapos ng ilang minuto… Inabot ng abogado ang isang pen. “If you agree to all the terms…” Sabi nito. “Sign here.” Nanginginig nang bahagya ang kamay ni Elena habang hawak ang pen. Ito na ang sandali. Ang sandaling magbabago sa kanyang buhay. Dahan-dahan niyang pinirmahan ang kanyang pangalan. Elena Cruz. Sa sandaling iyon… Natapos ang kontrata. “At bukas…” Sabi ni Alexander habang tumatayo. “Your medical procedures will begin.” Tumango si Elena. Ngunit bago siya umalis ay may isang tanong siyang hindi mapigilang itanong. “Mr. Knight.” Napatingin si Alexander sa kanya. “Yes?” Nag-atubili siya sandali. “Can I meet… your wife?” Biglang tumahimik ang silid. Ang ekspresyon ni Alexander ay naging mas malamig. Pagkatapos ay sumagot siya nang diretso. “No.” Nagulat si Elena. “Why?” Ngunit hindi na sumagot si Alexander. Sa halip ay sinabi lamang niya— “You don’t need to.” At sa sandaling iyon… Hindi alam ni Elena kung bakit… Ngunit pakiramdam niya ay may malaking lihim na itinatago ang billionaire na lalaking nasa harap niya. End of Chapter 3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD