CHAPTER 10

1974 Words
"No one falls in love accidentally, but that is what is destined for them." Ivy Nagising ako kinabukasan dahil pakiramdam ko eh mayroong nanonood sa akin mula sa pagtulog. Kaya kahit na inaantok pa at gusto pang pumikit ng aking mga mata ay pwersahan ko na iyong iminulat. Hindi nga ako nagkamali. Dahil the moment na ibinukas ko ang aking mga mata, agad na bumungad sa akin ang magagandang mga mata ni Sommer. Naka upo ito sa aking tabi habang naka titig lamang sa aking mukha. Pagkatapos ay unti-unti akong binigyan ng isang matamis na ngiti. "Good morning sleepyhead. Time to wake!" Pagbati niya bago napa ngisi. Awtomatikong bumilis ang pagtibok ng aking puso dahilan upang mapahawak ako sa aking kaliwang dibdib. Hindi iyon kumikirot, kung hindi naninibago sa ganitong pakiramdam. Seeing her face before going to bed at night is so very pleasant to feel. But to see her face when I woke up, para bang nagising ako sa isang harden na punong-puno ng mababango at magagandang bulaklak. Hindi ako nagsalita pero pilit na bumangon na rin bago napa sandal sa headboard ng kama. Wala sa sariling napatulala ako sa kawalan. Naramdaman ko ang pag galaw ng kama, tumayo si Sommer mula sa pagkaka upo bago ako muling tinapunan ng tingin. Noon naman ako biglang na curious sa aking sarili. Baka kasi nakanganga pa ako habang natutulog kanina. O hindi naman kaya ay naglalaway pa. Nakakadiri! Dismayado at nakabusangot na napayuko ako sa aking sarili. Hays! Ke aga-aga nadidismaya ako. Hmp! "If you do not get up there, you will be late for work." Paalala nito sa akin. Napahinga ako ng malalim sa aking sarili. Right. Boss ko nga pala siya baka nakakalimutan ko. "Come on!" Sabay musyon na sabi niya. "I cooked breakfast." Dagdag pa niya habang nagniningning ang mga matang naka ngiti. Awtomatiko naman na nanlaki ang aking mga mata at tuluyan na ring napatayo at sumunod sa kanya sa paglabas sa kuwarto. "Nagluluto ka?" Gulat at hindi ko mapigilan na ma-amazed na tanong sa kanya. Ang buong akala ko, kahit isang gawain eh wala siyang alam. Pfft! Napatango ito bilang sagot. "Yup!" Sagot nito. "Sorry kung nangialam na ako sa kusina mo." Paghingi rin nito ng paumanhin bago napakamot sa kanyang batok. Cute. "Hindi na kasi ako makatulog. So I just got up and decided to make you breakfast. I know how much you love food." Paliwanag niya nang makarating kami sa hapag kainan. Hindi ko mapigilan ang mapanganga nang makita ang kanyang mga niluto. Kusa ko na lamang ding nararamdaman ang kakaibang kiliti sa loob ng aking sikmura. Weird. Pero...karamihan sa mga pagkaing niluto nito ay mahigpit na ipinagbabawal sa akin. Bagay na hindi ko pa pweding sabihin sa kanya. "W-Wow! Ang dami naman yata ng niluto mo." Komento ko bago tuluyang naupo sa isang bakanteng silya. Agad na naupo rin ito sa tabi ko. "Of course!" May pagmamayabang na sabi pa niya. "You need a lot of energy for today. Because we will definitely have many guests coming." Oo nga pala, anniversary na ng Resort ngayon. Habang kumakain kami, hindi ko mapigilan ang hindi pagmasdan ng palihim si Sommer. Habang tumatagal kasi na nakikilala ko siya, mas lalong gumagaan at nagiging kampante ang loob kong kasama siya. Pinapahanga niya ako sa maraming bagay. At sa araw-araw yata na makakasama ko siya, eh mas dadami pa ang mga bagay na madidiscover ko tungkol sa kanya. Bagay na mas lalong nagpapagulo sa aking isipan at nararamdaman. Hindi ko alam, pero mas gusto ko ang palaging nakikita ang mukha niya. Kahit sa trabaho, ewan ko kung bakit mas na eexcite pa akong makita siya, kaysa ang magkaroon ako ng sweldo. Minsan tinatanong ko na ang sarili ko, normal pa ba itong nararamdaman ko? Pero minsan naman, ayaw ko nalang tanungin ang aking sarili dahil baka hindi ko magustuhan ang magiging sagot. Natatakot ako... Baka ang simpleng paghanga ko sa kanya at ang pagiging magkaibigan namin eh mauwi sa mas malalim pa na nararamdaman. Iyon ang bagay na isa sa iniiwasan at ayaw kong mangyari. Isa pa, ayaw kong mawala ang friendship namin na ngayon lamang nabubuo. Kaya lang kasi, ang hirap na hindi humanga kay Sommer. Kahit sa maliliit na bagay. Napaka sweet niya at maalaga. Sa tingin ko, kailangan ko ng advise mula sa best friend ko. Kaya mamaya rin, hindi ko palalampasin ang araw na ito ng hindi ko sa kanya sinasabi itong gumugulo sa isipan ko. "You're so cute, Ivy." Komento nito at basag na rin sa aking malalim na pag-iisip. "You are so cute when your thoughts rumble in your mind." Dagdag pa niya. Nasa biyahe na kami papunta sa resort. Ewan ko, pero mas gusto talaga nito ang hintayin ako. Pwede naman kasi akong mag commute nalang sa pagpasok sa trabaho. Ipinagluto na nga niya ako, naging driver ko pa siya. Tss! "I-I know right?" Biro ko naman bago napatingin sa kanyang mukha. Napatawa ito ng mahina ngunit sa kalsada lamang nakatutok ang kanyang mga mata. "Well, someone's getting a little too cocky now." Sabay harap na sabi nito sa akin dahilan upang mapaiwas ako ng tingin. "Ahem!" Pagtikhim ko. "H-Hindi ako cocky, 'no?" Pagtatanggol ko naman sa sarili ko. "Pero aminin mo, hindi mo nagustuhan ang mga niluto ko, right?" Muli akong nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Masyado ba akong obvious kanina? Tanong ko sa sarili ko. "Do not try to deny it because I can see your reaction earlier. But you still ate what I cooked. Why?" Napalunok ako. Nag-iisip kung anong palusot ang pwede kong sabihin. "H-Hindi kasi ako mahilig sa mga mamantikang pagkain." Pagsisinungaling ko. "Atsaka...syempre luto mo iyon, kaya kinain ko na. Minsan lang din kasi may nag...may nagluluto ng pagkain para sa akin." Napatango siya. "Well, at least now I know." Sabi nito. "Next time, I will be careful. And I will prepare the food you want." Naka ngiting dagdag pa niya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking sarili at kiligin noong marinig ang salitang 'Next time', ibig sabihin...may plano pa siyang ipagluto ako sa susunod. Nakakataba ng puso. "Hindi ka ba disappointed sakin dahil--" "NO! Of course not." Putol nito sa akin. "Besides, I'm happy." Sagot nito bago nagpalipat-lipat ng kanyang mga mata sa akin at sa daanan. "Happy?" Naguguluhan na tanong ko. Muli, ay napatango siya. "Yes. I am happy because I get to know what you like and dislike." Sagot nito habang ipinaparada ng maayos ang kanyang sasakyan. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Noon naman ako napatingin sa labas ng bintana. Medyo dumami nga ang guest namin ngayon. Marahil sa special promo na meron kami. Isama mo na ang karamihan ng tao na nandito ay para makita ng personal si Sommer. Balita ko rin, may mga inimbitahan rin sila ni Sir Joseph na mga artista. Agad na naagaw ng aking pansin ang dumaan na couple sa aking harapan. Pareho silang babae na magka holding hands at makikita mong napaka sweet nilang tignan. At sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang nag pop-up sa aking isipan na kami iyon ni Sommer. Mabilis na napa iling ako at pilit na iwinaglit iyon sa aking isipan. Hindi ko na naman tuloy mapigilan ang mag tanong sa aking sarili. Nagugustuhan ko na nga ba talaga siya? Like, for real? Sommer There are so many things in our lives that we do not control to happen. Sometimes, we do not know why something or someone makes us happy. We just go on a flow until you get used to it. At hanggang sa hanap-hanapin mo na ito. Parang isang bisyo, nakaka adik at hahanapin na ng sistema mo. In every day you want to see it and be with it. That you do not want to end a day without it. And sometimes, you can't help but ask yourself.  Kung tama ba itong ginagawa mo? Kung makakatulong ba ito sa iyo o mas lalo lamang na magiging worse ang sitwasyon na meron ka ngayon. But then, you will continue to do so. Because there, you are happy. That doing that thing makes you smile. And it enlighten your everyday. Walang makakapigil sayo, except sa past na ayaw mo ng maulit pang mangyari sa buhay mo. But...Ivy is not a thing. She's a person, with feelings, and she's my friend, and beautiful as her soul. I am addicted to her. I was addicted to her presence, to her smiles, to her laughter and to her voice. She completes my day even though she does nothing. She makes me happy. And yes, I admit. I want to always be by her side. I was afraid I would not be with her even for a day. I don't know why I feel this way, but it's clear to me that I need a friend like her. So that I can finally move forward. And one more thing, I want to protect her. I don't know where I want to protect her from, but I want to do that for her. I want her to feel safe. Alam kong may nagbago lahat magmula ng makilala ko siya. I don't think about Rae often anymore. Kung dati sa bawat pag pikit at pag dilat ng aking mga mata ay ang mukha nito ang gustong gusto kong makita, ngayon, hindi na. Hinahabol pa man ako ng nakaraan, pero hindi na ako takot na talikuran ito. Dahil kay Ivy, mas excited na akong magsimula ng bagong kabanata ng buhay ko. Mas magaan na ang lahat. Dahil alam kong may isang tao akong masasandalan, ano mang oras na manghina ako. And I swear! I will never allow someone like Ivy to disappear from my life. NEVER. "What?" I asked Joseph curiously because I noticed that he had been secretly watching me. He laughed as he shrugged. "Nothing. I am not saying anything." Sagot nito na halatang may kung anong tumatakbo naman sa kanyang isipan. Tinignan ko siya ng masama. "Fine!" Napahinga siya ng hangin sa ere. "You've been watching Ivy for almost half an hour. You don't even pay attention to what I say." Pagrereklamo niya. Napailing ako. "I pay attention." Sagot ko. "I-I just really can't help but...but admire her. She's...she's admirable, you know." Stupid Sommer. Haha. Napatango si Joseph pero halata naman na hindi naniniwala sa akin. What? I'm telling the truth here. Kung ayaw niyang maniwala, eh bahala siya. "You pay attention, huh?" Wika ni Joseph in a amusing tone. "Did you remember what I said?" Tanong nito dahilan upang mapakunot ang aking noo. "See?" Dagdag pa niya at tuluyang napatayo na. "That's because you don't really pay attention. None of what I said stuck in your mind. Now...get up and check the tarpaulin I put outside the gate." Utos nito sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapataas ang kilay. "Are you ordering me? Do you forget that I am your boss?" Mataray na sabi ko sa kanya pero pabiro lang. Napatawa lang naman ito. "Yes. You are the boss but this is my job." Sabay talikod na sabi niya. Hindi ko mapigilan ang mapailing habang tumatawa. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na rin ako at agad na dumiretso sa gate kung saan ang sinasabi ni Joseph na tarpaulin. I think I forgot to breathe for a few seconds when I saw Rae's face on the tarpaulin. Mayroon itong nakalagay na 'Happy Anniversary Calmante Resort'. I guess I forgot how beautiful she was. Pero hindi na katulad ng dati, hindi na masyadong masakit sa tuwing makikita ko ang litrato niya. But I'm thankful, because she  still does not change, she still does not forget the important things in my life. Bagay na isa sa dahilan kung bakit ko siya minahal. Napalunok ako at napayuko. "Ang ganda niya, ano?" Rinig kong sabi ng kilala kong boses. Mabilis na nagbaling ako ng tingin at sinalubong ang mga mata nito. Hindi ko mapigilan ang mapa ngiti sa loob ko. Parang kanina lang pinagmamasdan ko lang siya sa malayo. "Look who's talking." Bulong ko sa sarili. "Huh?" Nagtataka na tanong nito. Mabilis na inakbayan ko naman siya at iginaya muli papasok sa gate. "I'm not saying anything." Pagsisinungaling ko. Agad na siniko ako nito sa tagiliran bago siya tumakbo papalayo. Aba'y syempre, ano pa nga ba ang gagawin ko kung hindi ang habulin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD