Engagement

1361 Words
Chapter 14 Engagement Alas Siete na nang bumaba si Marion at nakabihis na ang dalaga para sa pagsama pumasok sa opisina ni Rick. Pero nagulat siya ng hindi naka bihis ang binata.  “Good morning… bakit parang wala kang balak pumasok?!” wika ni Marion “Yes, magkakaroon tayo ng press conference mamaya at diretcho na for our engagement mamayang gabi sa Hotel Rama. Mabilisan pero nagawan naman ng paraan. May mga mag aayos sa iyo sa hotel mamaya. Wala na ring problema sa susuotin mo. Aalis tayo dito ng 1pm after lunch.  Presscon ng 5pm, then party ng 6pm” sagot ni Rick “Teka… bakit biglaan naman” pagtataka ni Marion “Maupo ka muna honey. Marami na kasing nagtatanong at nangungulit, we need to do this dahil the wedding will be next week” dagdag pa ni Rick “What?! Wait lang… time pers muna!” wika ng dalaga Napatawa naman ang Binata “ hahaha, ano yun bata, time pers!, huwag ka mag alala. Nag usap na tayo about this diba. Inaasikaso na iyon ng mga Mom natin, pati seminar okay na rin. Wala kang dapat problemahin honey...” pahayag ni Rick Hindi na nagsalita si Marion, pero hindi pa rin ito kumukuha ng makakain. Nakatulala lang ito na para bang hindi makapaniwala. Si Rick pa ng naglagay ng pagkain sa plato ng dalaga. Naging ugali na ito ng binata “Kain kana honey, it’s going to be a busy day, kailangan mo ng energy” wika ni Rick Nag usap pa ang dalaga at si Rick habang kumakain kung ano ang mga isasagot sa mga maaaring itanong sa presscon. Nagkasundo naman ang dalawa sa mga sasabihin. Ala una nga silang umalis ni Rick sa bahay. Kasalukuyang binabagtas nila ang daan na wala masyadong establisyimento na parang may napansin si Marion na sumusunod sa kanilang Van. Wala itong plate number. Inilabas ni Marion ang kanyang baril. Si Rick naman ay na gets agad ang kilos ng dalaga. “Patuloy lang sa pag drive honey… full speed. Mabilis lang to dahil wala tayong panahon makipaglaro sa kanila” inalis ni Marion ang kanyang seatbelt at tumayo at dumungaw sa sunroof ng sasakyan. Inasinta ang gulong para hindi na ito makahabol. Bullseye! sabog ang dalawang gulong  tumiwarik ang Van. Kita pa ni Marion na lumabas ang mga sakay na pipilay pilay.  “That was easy!” pangising sabi ni Marion “Ang galing talaga ng honey ko, turns me on” mahinang sabi ni Rick “What did you say?” tanong ng dalaga “Sabi ko, ang galing mo talaga, no casualty, just them hehehe” palusot ni Rick Nakarating na sila sa hotel at naghanda para sa presscon. Ang napiling gown ng Mommy nya para sa kanya ay isang gown na gawa sa Silk na kulay Olive green. It has fitted bodice with drappy off-shoulders, Mermaid style connecting skirt to accentuate her figure. The color is not for everybody, but she managed to pull it off. Hindi masyadong makapal na make up.  Her hair is curled first before putting it into a messy bun. Now she truly looks like a Goddess. Accessorized with Diamond dangling Earrings, diamond tennis bracelet and of course, her engagement heirloom ring. si Rick naman ay gwapong gwapo sa kanyang black fitted suit. Umupo na si Marion at Rick sa gitna at nagsimula ng magtanong ang Press Reporter 1: Saan po kayo nagkakilala ni Ms. Martin? Rick: Bata pa lang kami ay magkakilala na kami at mga magulang namin, mga Kindergarten pa lang. Kaya kilala na namin ang isa't isa. Reporter 2: Ms. Martin, balita po namin ay may firing range po ang pamilya niniyo, marunong po ba kayong gumamit ng baril? Marion: Marunong po ako magpaputok ng baril, pero hindi po ako asintado. Ilang beses ko lang din ito nasubukan. Pero kung kinakailangan… (sabay tingin kay Rick) baka bigla akong maging asintado (Tawanan ang lahat, Si Rick naman ay napayakap at napahalik sa pisngi ni Marion) Reporter 3: Kailan po ang kasal? Rick: Next week na, kung pwede nga lang ay bukas na eh. (tawanan ulit) Reporter 4: Pwede nyo po bang ipakita sa amin ang Heirloom Ring ng mga Del Rama Ms Marion Marion: Sure: (Itinaas ni Marion ang kamay at hinarap sa press ang singsing, maraming napasinghap sa ganda nito) Reporter 5: Para po sa inyo Sir Rick, ano po ba ang katangian ni Ms. Martin na talaga namang iyong minahal ( Biglang kinabahan si Marion sa tanong ng Reporter, wala ito sa pinractice nila, ano kaya ang isasagot ni Rick? ) Rick: (Bumuntong hininga muna at humarap kay Marion, tinitigan ito sa mga mata) Ang pinaka nagustuhan ko sa honey ko na talagang minahal ko… Si Marion ang matagal ko ng pangarap na hindi ko napagtanto sa mahabang panahon. I have this description of a woman that i always fantasize and wants to marry. Wala akong mahanap. Kung saan saan pa ako tumingin, sa dami ng nakilala...wala talaga. Pero nakalimutan kong tumingin sa harapan ko. Dahil nasa harap ko na pala ang babaeng iyon, ang babaeng pinapangarap ko. Since Kindergarten, she is already there, already with me. I was just so blind to see it.  So many years have passed na hindi kami nagkita, i feel so empty. Pero nung bumalik siya, and from the moment I looked into her eyes… i saw my forever…. (Sa puntong iyon, hindi na namalayan ni Marion ang kanyang luhang dumadaloy. luha ng kaligayan. Dalang dala na siya sa mga naririnig, lumuluha na rin ang kanilang mga ina, pati ang mga tao sa paligid ay talagang moved sa mga sinasabi ni Rick at ang iba ay lumuluha na din at napapa- Sana all) Hinawakan ni Rick ang kamay ng dalaga at hinalikan, pagkatapos ay Nagpatuloy si Rick sa pagsasalita. Rick: I love everything about you. Buong pagkatao mo, hindi lang isa o dalawang katangian...but the whole you. I love you honey... Marion: I love you too honey… Lumapit ang kanilang mga mukha at nagtagpo ang mga labi na para bang walang nanonood sa kanilang dalawa.  Palakpakan lahat ng tao at nag salita na ang MC. “Maraming salamat sa inyong lahat, dito na po nag tatapos ang presscon, pero stay po kayong lahat dahil invited po kayo lahat sa loob!” Wala ng tao sa loob ng function hall na iyon pero wala pa ring nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Marion na ang bumasag sa katahimikan. “Ang ganda ng sinabi mo kanina ha. Kung hindi ko lang alam na peke ito, baka naniwala na ako” patawa tawa pang sabi ni Marion “Mukha naman naniwala ka eh, napaluha ka pa nga honey” panunukso ni Rick “Siyempre para mas lalong kapani paniwala. Kesa naman sa ikaw lang ang best Actor, dapat may best actress din diba” palusot ni Marion “Sabi mo eh, halika na honey. Baka hinihintay na tayo nila Mom” yaya ng binata “Sige, let’s go” pumasok na sila sa Ballroom at inentertain ang mga bisita. Naging masaya ang gabing iyon para sa dalawa. Nagsayaw din sila at nagkwentuhan. Mayroong instances na kailangan nila maghiwalay para ma entertain ang mga bisita pero madalas ay lumalapit ang binata sa kinaroroonan ng dalaga.  “Rick, halika dito at may ipapakilala ako sa iyo” wika ni Dad Theodore “Okay Dad” sagot ni Rick at bumaling kay Marion “Sandali lang ako, huwag ka makikipag usap sa mga lalaki ha honey”  “Ay ewan sa iyo Rick, kanina ka pa ha. Naiinis na ako sa over acting mo” sagot ni Marion na nakasimangot na “Honey naman… tsk! sorry na” sabay kiss sa pisngi ni Marion “ I’ll be back honey…” Hindi na ito pinansin ni Marion at tumalikod na para sana hanapin ang kanyang Mommy at Daddy. Nakita naman niya ang mga ito. Palapit na si Marion sa mga magulang ng may nahagip ang kanyang peripheral view banda sa may garden. Ang Ballroom ay nasa ground floor at garden ang view sa labas nito na ginagawa ding venue. Maaaring camera flash lang ito pero iba ang pakiramdam ni Marion. Parang panganib…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD