Chapter 12 Halik
Nagpaalam muna si Rick kay Mrs. Castro na kanyang sekretarya at nagsabing babalik ito before 3pm pare sa meeting. May pupuntahan lang daw sila ni Marion sa malapit lang. Sasakyan na ni Rick ang ginamit. Tahimik lang si Marion sa sasakyan na halatang wala pa rin sa mood. Nagulat ang dalaga nang huminto sila sa tapat ng isang Louis Vuitton store. Pinagbuksan pa ni Rick si Marion. Ang kaninang iritang nababanaag sa mga mata ng dalaga ay napalitan ng ningning. Malawak din ang ngisi ng dalaga. Ngayong nasa LV store na sila, may chance na si Marion na mabawi ang dapat na kanya! Iyon ang gustong sabihin ni Marion kanina kay Rick na hindi niya masabi. ang aalis at pupuntahan ang store na ito. Pero mukhang matinik ang pakiramdam ng Binata at nabasa ang kanyang iniisip.
“Thank you honey, humanda sa akin yang Socialite na yan!” sabi ni Marion
Natawa na lang Rick sa tinuran ng dalaga. Amuse na amuse talaga siya dito. Ganyan din kasi ang kanyang Mom. Parehong pareho at makikipag away dahil sa Bag.
Pumasok na sila at binati naman ng mga empleyado doon. Lumapit kay Marion ang kanyang Sales associate at sila ay pinaupo sa VIP room. Umalis ito at bumalik na dala na ang Bag.
“Here is the Escale Onthego GM Pastel Tote Bag. Congratulations on your new added collection Ma’am Marion Del Rama, this is a surprise from your husband. All paid for already! and as a token of our appreciation for saving us from the old witch, sorry, excuse my language… here is a free Bandeau” masayang sabi ng Sales Associate
Nagulat si Marion. Ito pala ang surprise ni Rick sa kanya. Maluha luha pa siya. Iba talaga kasi ang mga bag para sa kanya. Hindi man maintindihan ng madami, pero nakakapagpasaya ito sa kanya. Minsan nga pag malungkot siya, papasok lang siya sa kanyang closet at tititigan ang koleksyon. Maya maya ay gagaan na ang loob nya.
“Happy?” tanong ni Rick sa kanya
“Yes honey, thank you so much. I love it!” sa tuwa ni Marion ay hinalikan nya sa labi si Rick. Smack lang sana iyon pero hinawakan ni Rick ang kanyang batok at gumanti ng halik. Ito ang unang halik ni Marion. Mas lumalim pa ang halik ni Rick at tumagal pa ng ilang segundo. Parang totoong magkarelasyon sila sa puntong iyon. Nakalimut na ng tuluyan si Marion, dahil na rin sa tuwa. Naghiwalay na ang kanilang mga labi at nagtitigan. Bakas ang pagnanasa at ningning sa mga mata ni Rick at gayon din naman sa mga mata ni Marion. Hindi nila alintana na nasa harap pa nila ang Sales Associate na sobrang kinikilig. Unang umiwas ng tingin si Marion na mukhang kamatis ang mukha sa pag blublush. Hindi makapaniwala si Marion na hindi na Virgin ang kanyang mga labi, na talaga namang naka reserve lang para kay Rick.
Now, alam na ni Rick kung paano paamuhin ang dalaga. He needs to use it to step up his game para tuluyan na itong maging kanya. Weakness: Alcohol and Handbags. That kiss is so special, ang sarap ng labi ng dalaga and Rick wants more!
Pagkatapos nila doon ay bumalik na rin sila sa opisina. Wala sa kanilang dalawa ang may lakas na banggitin ang halik na kanilang pinagsaluhan kanina. Iniwan muna ni Rick si Marion sa office dahil may meeting ito. Lumipas ang isang oras ay nainip si Marion, gusto niyang maglakad lakad kahit sa floor lang na iyon. Nasa hallway si Marion ng bumukas ang pinto ng boardroom at lumabas ang mga kalalakihan. Isa na doon si Rick na nagulat pa. Lumabas din ang lalaking nakilala niya sa party , Si Dave na nakangiting makita siya. Lalapit na ito sa kanya pero naunahan ni Rick.
“Honey, what are you doing outside, I told you to stay at my office” may pagka iritang sabi ni Rick kay Marion pero pinulupot naman ang braso sa dalaga at ito ay hinalikan na para bang pinaparating sa mga lalaki doon na back off!
Si Dave naman ay nagtaka at nagtanong “Pare, kayo ba?”
“Yes Pare” inangat pa ni Rick ang kamay ni Marion at pinakita ang Heirloom Ring na suot ng dalaga. Familiar ang kanyang Business Associates and friends sa ring na iyon dahil it is one of a kind Pink Diamond at minsan ng nafeature sa isang magazine.
“Wow, really pare? I thought she is single. all along ay girlfriend mo pala kaya bakud ka ng bakod sa party.” mapait na sabi ni Dave
“Yup, mahirap na. Baka pag-interesan pa ng iba eh. she is mine!” aroganteng sabi naman ni Rick
Bumulong naman si Dave, pero narinig pa rin ni Marion “Sa iyo na nga ang negosyo, sa iyo pa rin ang babae”
“What’s that pare, are you saying something” tanong ni Rick kay Dave
“Wala pare, aalis na ako kako” palusot ni Dave
“Sige pare, ihahatid ko kayo sa Elevator” bumaling si Rick kay Marion at hinalikan ito sa labi. “Pasok ka na sa office honey, susunod na ako” sabi ni Rick sa dalaga at talagang pina iinggit pa kay Dave na kanya ang dalaga…
Tumalikod na rin si Marion at pumasok sa opisina ni Rick. Mas nahihiwagaan siya sa mga kinikilos ni Rick ngayon, Yung kiss sa LV store, siya talaga ang nag umpisa nun. Pero yung kanina, it is all Rick. Twice pa! for what? to let Dave know?, Bakit naman, threatened ba sya dahil halatang may gusto si Dave sa dalaga? ang daming tanong na naiisip si Marion, pero mas tumatak sa isip ni Marion ang pabulong na sabi ni Dave “Sa iyo na nga ang negosyo, sa iyo pa rin ang babae” Parang may laman ang mga katagang iyon...inggit?
Pumasok na si Rick sa loob ng office at umupo sa tabi ni Marion
“Honey, si Dave ba ay matagal mo ng kilala?” tanong ni Marion
“Huwag na nating pag usapan yung lalaking yun please, you don’t have to know him and stay away from him honey” parang pagseselos na sabi ni Rick.
“Don’t get me wrong honey, narinig mo ba yung pabulong na sabi nya?” wika ni Marion
“Yes, I did. what a total Loser!” inis pa ring sabi ni Rick
“Think about it honey, he might be one of the people that wants you killed. We need to keep him close. As they say. Keep your friends close, and enemies closer. Iimbestigahan natin siya” sabi naman ni Marion
Napaisip saglit si Rick “ You know, come to think of it, maraming beses ding natalo yun sa bidding at kami ang nanalo. Hanggang sa nag join na lang siya at nag invest sa company. Possible nga, kaya mas dapat kang lumayo sa kanya honey” sagot ni Rick.
“Eh?! Diba, that is my job? What are you talking about honey…? pagtatakang sabi ni Marion
Nakalimutan ni Rick kung ano ba talaga si Marion sa kanya ng panandalian. Parang nadadala na rin siya sa mga nangyari ngayon. Actually, mas gusto ni Rick na huwag na alalahanin ang misyon. To cancel it and just be his wife. Pero hindi pa pwede, dahil baka tuluyan na itong mag back out. Although nararamdaman ni Rick na may nararamdaman si Marion para sa kanya, ay hindi pa rin ito pakampante. Kailangan nya munang makasiguro na maikakasal ang dalaga sa kanya. Pikot kumbaga. Hindi pa sigurado si Rick kung mahal nga niya ang dalaga, pero one thing is for sure, ayaw niyang maagaw ito ng iba at he wants Marion to be his wife! period.
“What i mean honey is the tsismis. Alam mo naman ang media, baka gawan ka ng issue pag nakitang may kasamang ibang lalaki, paano na lang din ang mararamdaman ng parents natin.” palusot ni Rick.
Pinagpatuloy na ni Rick ang trabaho at si Marion naman ay nanatili sa opisina. Tinawagan din ng Mom ni Rick si Marion at kamustahin ang lakad nila kanina. Excited daw ang kanyang in-law to be na makita ang Bag collection ni Marion. Kaya naman balak ni Marion na dalhin sa bahay ni Rick ang mga iyon. She needs time to do that kaya nagdahilan na lang siya na aayusin pa ang magiging closet niya sa bahay ni Rick. Naintindihan naman ito ng Mom ni Rick kaya siya na lang ang ininvite para mamasyal at ipakita din dito ang kanyang Collections. Sinabi ito ni Marion kay Rick at sabing ipaparenovate ang kabilang kwarto para gawing walk in closet ni Marion. Grabe, bilib na talaga si Marion sa dedication ni Rick sa misyon nya, dahil ipaparenovate pa , eh hindi naman sila magtatagal… Nalungkot bigla ang dalaga ng naisip iyon. Pag dumating ang panahon na kailangan na niyang kunin ulit ang mga gamit sa bahay ni Rick, tiyak mahihirapan siya. Kailangan niya huwag masyado magpadala sa saya at emosyong nararamdaman niya. she needs to finish this Mission as soon as possible!