MARK Hindi talaga ako makapaniwala sa ikinuwento ni Karren sa akin. Paano nailihim sa akin ni Crystal 'yun? Ni hindi man lang ako pinagkatiwalaan eh 'di sana hindi na ako umasa pa na mamahalin din niya. Pero oo tapos na 'yun kaya nga hindi na ako nagagalit kay Crystal dahil masaya na ako sa buhay ko ngayon. Nalulungkot lang ako para kay Karren dahil siya ang higit na nasaktan. Hindi ko masisisi si Karren sa galit na naramdaman niya nung malaman niya ang tungkol kina Crystal at James. Kilala ko si Karren, madaling maghilom ang sugat sa kanya kaya nasisiguro kong mapapatawad din niya sina Crystal. Papunta ako sa bahay ngayon nina Crystal. Sigurado akong magugulat siya kapag nakita niya ako. "Mark?" sabi ng mommy ni Crystal. "Tita," nakangiti kong bati at niyakap siya. "Iho, kailan ka p

