KARREN "Surprise!" sabi ko kay Crystal pagkakita ko sa kanya sa loob ng bahay nila. "Karren! Halika maupo ka," bati niya with excitement. "Baka sabihin mo kinalimutan na kita, eto pasalubong. Amoy London pa 'yan ha," biro ko. May dala kasi akong pasalubong para sa kanya. Iniabot ko atsaka ako umupo sa tabi niya. "Wow, salamat," sabi niya. "Wala ba si Tita?" tukoy ko sa Mommy niya. "Wala, mamaya pa ang uwi. Ano, nag-enjoy ka ba sa bakasyon?" tanong niya nang nakangiti. "Well, hindi ko naman first time sa London pero with James, I felt that it was the happiest trip I ever had," sabi ko. "I see," sabi niya. "Kaso bitin. Sana maulit pa nga 'yun. Next time, sana apat na tayo dun ha?" sabi ko. Naisip ko kasi, exciting kung may kanya-kanya kaming partner sa oras na 'yun. "Ha?" sabi niy

