CHAPTER 8

2255 Words

Maaga akong pumasok sa trabaho. Nadatnan kong sinesermonan ng manager ang isang empleyado doon sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. "Nagpapaalam ka ngayon sa’kin na hindi makakapasok bukas? Aba, mas madami pa ang araw na hindi mo naipapasok sa isang linggo!" sabi nung manager. "Ma’am pasensiya na po, may sakit po kasi ang tatay ko at walang magbabantay. Nagpapalitan lang kami ni Nanay sa pagbabantay. Magtitinda po sa palengke si Nanay bukas dahil mabili po ang paninda niya bukas,” paliwanag nung babaeng empleyado. Hindi ko maiwasang marinig samantalang busy naman ang mga kasama ko. "Iyan na lang palagi ang dahilan mo sa isang buwan mo dito. Maghanap ka ng paraan para makapasok bukas! Hindi puwedeng palaging ganyan.” "Malakas po kasi talaga ang tinda ni Nanay bukas sa palengke ma’am

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD