Chapter 1

4009 Words
Napahilot sa sintido niya si Ava habang binabasa ang monthly report ng manager nila sa isang beach resort. Ke-aga aga ngayong Sabado ay ito ang bubungad sakaniya. She has foreseen that other hotel owners would take interest of the place after four to five years, but not in two. Pero heto ngayon ang isa sa mga direkta nilang kalaban sa industriya, nagpapatayo na ng mga building malapit sakanila.   “The Zhangs won’t stop following us, eh?” Ava whispered to herself. Sa bawat ini-inspection nilang lugar at minamataan na patayuan ng panibagong hotel o restaurant ay kasunod nito ang mga Zhang.   Ava sighed when her phone started ringing. “What?” She answered her phone.   “Huwag mo akong ma-‘What’ ‘What’, Ava Xue,” ani ng boses ng babae sa kabilang linya.   Ava playfully rolled her eyes heavenwards although the speaker on the other line won’t see it. “Magandang umaga, mahal kong pinsan. Ano ang maipaglilingkod ko saiyo?” she said jokingly.   The woman on the other line laughed lightly at her response. “My wedding is in four days. I’m just reminding you that the rehearsal dinner the day after tomorrow starts at six thirty.”   Nanlaki ang mata ni Ava sa narinig. Nalimutan niyang may ganoong dinner nga pala sila na naka-schedule. She flipped her purse and took out her planner. Totoo ngang may dinner sila sa isang araw, ayon sa nakasulat na reminder sa planner nito. Nakasulat din doon ang surprise bachelorette party na isasagawa nila bukas para sa pinsan nila.   “Alright. I got it, Ate Pat.” Tanging naisagot na lamang niya sa pinsan niya. She heard Patricia beamed in happiness over the phone before they ended it.   Saktong kababa niya ng tawag ni Patricia nang muling tumunog ang telepono niya. This time, it’s her sister Elie, Eleanor.   “Are we still up for tomorrow?” agad na bungad ni Elie sakaniya.   Gamit ang isang kamay ay iniligpit ni Ava ang mga folder na nasa lamesa niya. “Of course. Malay mo, by doing this, magbago ang isip ni Ate Pat sa kumag na iyon.”   Elie chuckled at Ava’s answer. “Have you reached Oli? Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.”   “I’ll give her a call after this.” Sagot ni Ava bago nila ibaba ang tawag.   Ava sighed as she clicks her car’s lock. Habang naga-ayos paalis ay tinawagan niya ang telepono ng isa niya pang kapatid na si Olivia. After a few rings, her sister answered.   “What?” Olivia asked with a sleepy and tired voice.   “It’s nine in the morning, Oli. Why are you sleeping in?” bungad na tanong nito sa kapatid nang marinig ang inaantok nitong boses. It is unlikely of her sister to sleep in, dahil kumpara sakanila ay ito ang pinakamaagang nagigising palagi.   Ava heard Oli groaned. “The hell are you talking about, Ava? It’s two in the morning here!” Inis na sagot ni Olivia sa nakatatandang kapatid nito.   Napatawa nalang si Ava sa sinagot ng kapatid niya. They are all so focused on their work they don’t even have the time to update each other about their lives.   “I’m in Menorca, Spain.” Olivia plainly said. “Gusto raw ng tatay ko mag-bonding kami. Turns out, nakikipag-bonding siya sa mga babae.”   “Sounds bizarre,” Ava laughed even more. They all have estranged relation with their fathers, except for their youngest Amelia.   “Elie called me?” sabi nito sa sarili nang makita ang tatlong missed call ng isa pa niyang nakatatandang kapatid.   “Yeah. Bukas na yung surprise bachelorette party ni Ate Pat,” Ava reminded her.   Olivia groaned in frustration once again, sana ay hindi na siya nagpunta sa Menorca at sinunod ang hiling ng tatay niya dahil naiiwan din lang naman siya mag-isa sa hotel. “Damn it. I’ll book a flight as soon as I can.”   Nang makarating sa bahay si Ava ay agad siyang sinalubong ni Lily, ang beagle na aso ng kapatid niyang si Amelia. Her sister Amelia is fond of animals, especially dogs.   “Ava,” tawag sakaniya ng Papa niya nang pumasok siya sa kitchen. Nakita niya itong nagpprepare ng ingredients para mag-bake ng Lasagna.   “Hi, Papa,” bati nito pabalik at yumakap. “Where’s mom?” she asked.   George chuckled at Ava’s question. “Amelia asked your mom to go with her. May bibilin daw siyang jewelries para sa kasal ni Patricia.”   Napatango na lang si Ava. Everything should be finalized already dahil malapit na ang kasal ng pinsan nila.   “Elie said she’ll be here early. Malapit lang naman ang bago niyang condo, right?” George asked. When Ava nodded, he asked again, “How about Oli? I haven’t heard from her since three days ago.”   Ava laughed upon recalling the call with her sister, Olivia. “Papa, she’s in Menorca. Gusto raw makipag-bonding ng tatay niya.”   Kumunot ang noo ni George sa narinig. He knows Olivia like his own, at hindi ito madaling ayain lalo na ng ama nito dahil hindi naman sila ganoon kalapit sa isa’t isa.   Ava, Eleanor, and Olivia, the girls whom George raised as his own aside from his biological daughter, Amelia. Halos isa’t kalahating taon ang bawat agwat nilang tatlo, at dalawang taon naman ang agwat ni Olivia kay Amelia. Tatlo na ang anak ni Charlotte nang magkakilala sila ni George, at hindi iyon naging hadlang para mahalin niya ang pamilyang iyon. He raised these kids as if they are his own daughters. Mas malapit pa ang mga ito sakaniya kaysa sa sariling nilang mga ama.     Comes the bachelorette party, everyone but Olivia is present. Lima lang silang babae na naroon, Patricia, Ava, Elie, Amelia, and Mica, Patricia’s cousin on her mother’s side. It was a solemn dinner with the girls before they went to a bar na pagmamay-ari ng isang talent ng agency na mina-manage ni Olivia.   “How did we get here, Ate Ava?” naguguluhang tanong ni Mica sakaniya. Mica is only twenty-two years old. And Fiery’s Pub is well known bar na mahirap makapasok dahil halos puno ito palagi ng reservation.   Nakangiting inakbayan si Mica ni Amelia at sinagot ang tanong nito, “The owner is a trainee in Ate Oli’s agency. Ito na lang ang ambag niya since mukhang malabo siyang makahabol.”   Pinagkrus ni Particia ang mga braso niya. “May atraso pa rin ‘yang babaeng iyan sa akin, ha. Surprise nga, at nasurprise ako na wala siya.”   Natawa naman si Elie at sabay inangkla ang braso niya sa braso ng pinsan. “Ate, balikan mo nalang siya pag-uwi niya. But tonight, let’s party!”   Hindi na mabilang ni Ava kung nakakailang bote na sila ng Jose Cuervo simula nang dumating sila. Ava’s eyes squinted when she saw empty bottles of beers. Wala naman silang inorder na beer, paanong nagkaroon noon sa pwesto nila?   “Oh, ate,” tawag ni Amelia sakaniya na kararating sa couch nila.   Agad na napatingin si Ava sa nakababatang kapatid. Hindi na siya makasalita dahil unti unti na niyang nararamdaman ang pag-ikot ng paningin niya. Hindi naman siya parating nahihilo kapag umiinom sila sa labas, mukhang naparami lang talaga siya ngayon.   fuck.   Napahawak si Ava sa ulo niya ang napapikit.   Don’t you f*****g throw up here, Ava Xue! Sigaw nito sa sarili.   She mustered up all of her energy to stand up. Wala na siyang pakielam kung gumegewang na siya maglakad but she needs to go to the restroom to throw up. May ilan siyang nakakabangga and all she could do is to whisper her apologies, kapag nagtagal pa siya roon ay baka masukahan na niya ang mga iyon.   Napapikit ng mariin si Ava nang makita ang signage ng restroom. Her eyes could not see clearly which is which, kaya naman ay pumasok na lamang siya sa unang pintuan na naabot ng kamay niya. She pushed the nearest door of the cubicles and threw up timely on the bowl.   I won’t ever drink again.   Ava thought after she threw up. Kahit papaano ay umayos na ang pakiramdam niya at kaunting hilo na lamang ang nararamdaman niya. Kaagad niyang inayos ang sarili. Huli na nang mapagtanto niyang nasa bag niya ang mint na dala niya. Kaagad naman siyang napatingin sa kamay sa tabi niya na nagaalok ng mint. She took it without looking and hesitation.   “Thanks,” mabilis na sabi ni Ava at kaagad kinain ang mint candy.   “No problem,” balik ng baritonong boses sakaniya.   Ava’s eyes widened when she heard a man’s voice. Paanong nakapasok dito ang lalaki? Kailan pa ito naroon?   The man beside her seemed to read her mind. “This is the men’s restroom.”   She gasped upon learning it. Sa sobrang hilo niya ay hindi na niya napansin na ibang restroom ang napasukan niya!   Stupid, Ava! Ava pursed her lips in a thin line. Mariin niyang isinara ang mata at pinagalitan ang sarili.   Buong loob at lakas niyang tinignan ang lalaki. Sinalubong ng mata ni Ava ang kulay tsokolateng mata nito. His long lashes made his eyes more beautiful. His sharp nose and chiseled jawline screams foreign blood. Napansin din ni Ava na mataas ito. He must be beyond six feet, dahil siya ay 5’8” na at mas matangkad pa rin ito sakaniya ng ilang pulgada.   Her eyes are apologetic at the same time amused at the person beside her, at natawa naman ang lalaki sa nakita niya.   “s**t happens,” tanging sabi nito at umalis na sa banyo.   Naiwan si Ava sa loob at patuloy pa rin niyang pinapagalitan ang sarili sa ginawang katangahan. Inis na inis siya sa sarili habang naglalakad pabalik sa lugar nila. “Napakabobo mo, Ava Xue. Hindi ka na nagisip!”   “Sinong kausap mo, ate?” tanong ni Mica sakaniya nang makabalik siya sa pwesto nila. Mukhang si Mica lang ang hindi nalasing sakanila.   Nang tiningnan niya ang iba pa nilang kasama ay kumunot ang noo niya sa nakita. May kasama ng lalaki ang dalawa niyang kapatid! Si Patricia naman ay nakaupo sa kabilang couch at katabi ang fiancé nito na si Henry Thomas.   “What the hell are you doing here?” kunot noong tanong ni Ava kay Henry. This night was supposedly Patricia’s bachelorette party and her groom is not allowed to be here!   Henry bore his blue eyes on her, “Are you drunk, Ava?” he asked a question, dismissing Ava’s question.   “Tss. Panira ka ng gabi, Thomas,” Irap ni Ava rito.   Napatawa naman si Patricia sa bangayan ng dalawang ito. “Sober up, Ava,” agad na binigyan ni Patricia ng tubig.   Ava plopped herself on the other couch. Masama na tingin ang pinkaw niya sa mga kapatid niya na may kasamang lalaki. “Ano ‘yan?” may halong pait na tanong niya sa kapatid na si Amelia na nakikipagtawanan sa kausap nitong lalaki.   Amelia giggled at ipinakilala ang kasama nito sa kapatid niya. “Ate Ava, this is… I’m sorry what’s your name again?” Natatawang sambit ng kapatid niya sa kasama nito. Amelia is the most playful among them four.   The man beside her chuckled, he does not seem offended that Amelia forgot his name. “Robert de Mesa. I am Robert de Mesa, Miss Wei.” Nagabot ito ng kamay kay Ava.   Ava shook his hand, “It’s Ava. I am only Miss Wei when I’m in the company.” Naglipat naman ng tingin si Ava sa gawi ng isa pa niyang kapatid at tinaasan ng kilay ang kasama nito.   Elie and the man with her is not as close as Amy and Robert. One seat apart ang layo nila, ni hindi rin sila naguusap katulad nila Amy, sumisimsim lang sila ng inumin at nakatingin pareho sa malayo.   “Elie,” pukaw ni Ava sa kapatid.   Elie’s head snapped at her sister’s direction, her eyebrows arched, “Hmm?”   Naglipat ng tingin si Ava kay Elie at sa katabi nito. “You good?”   Elie nervously licked her lower lip before answering. “Yeah, I’m good,” sagot nito.   “That’s Simon Altierra,” singit na pakilala ni Henry sa katabi ni Elie.   “And he is here because?”   Inabutan ni Henry ng isang basong whisky si Simon. “Because he is my friend.”     ~~   Pupungas pungas pa si Ava nang makalabas sa kwarto niya.   What time is it? Tanong nito sa sarili.   Bago pa siya makahakbang palayo sa pintuan ng kwarto niya ay bumukas na ang silid ng pinakabata niyang kapatid. Like her, Amelia was still dazed. Anong oras na nga ba sila nakauwi? Hindi na niya maalala, basta nakauwi na sila.   “Good morning, Ate Ava,” ngiting bati ni Amelia sa kapatid habang inaayos ang buhok niya. Mukhang hindi na nakapagpalit pa ng damit ang kapatid niya dahil suot pa rin nito ang silver na dress na suot nito kagabi.   Napatingin si Ava sa sarili. She was also wearing the same skirt and top she was wearing last night! Sa sobrang antok na ata bigla nalang siyang nakatulog kagabi.   Wait, who—   Bago pa niya matapos ang tanong sa isip ay bumukas na ang kwarto ni Elie, at mukhang bagong ligo na ito. Among them three, naka-shorts at loose shirt na ito. Her long black shiny hair was also dripping wet.   “Good morning. Hindi pa kayo nakakapag-ayos?” Amused na tanong ni Elie sa mga kapatid. Sa pagkakaalam niya, si Ava ang tipo na kahit gano pa kalasing ay magsskin care pa at magpapalit ng damit bago matulog. Habang ang bunso naman nilang si Amelia, sanay na siyang sabog pa rin ito pagkagising.   Amelia yawned. “I need breakfast and advil, ASAP.”   Sabay sabay silang tatlo na bumaba patungo sa kitchen. They are staying in a resort owned by their grandfather, Carlos Wei. Dito nila kailangang mag-stay hanggang sa gabi ng kasal ng pinsan nilang si Patricia.   “Who took us home, anyway?” tanong ni Amelia habang papasok sila ng kitchen.   “I know who,” nakangiting tugon sakanila ni Olivia habang nakaupo sa stool chair at nakahamba ang mga braso sa island counter doon.   Nanlaki naman ang mata ng tatlo nang makita ang kapatid nilang prenteng nakaupo doon. They haven’t seen her in a couple of days, at ngayon ay nakauwi na ito galing Spain.   Olivia chuckled, “I mean, I’ve seen who.”   “Ate Oli!” Amelia immediately hugged her. Silang dalawang bunso ang pinaka-close sa isa’t-isa.   Kumuha ng orange juice si Elie sa ref at nagtanong habang naglalagay sa baso. “Kailan ka pa nakauwi?”   “A few hours ago. I cooked a light breakfast, I figured you guys will be hungry when you wake up,” malisyosong nakangiting sabi nito sa mga kapatid.   “What’s with your smile?” Kilala ni Ava ang mga kapatid niya. And Olivia is the rarest one to smile, even a malicious smile. Mas mahal pa ang ngiti nito kaysa kay Elie.   Hindi na mapigilan ni Olivia ang ngiti niya, once she tell her sisters what she know, they will surely freak out.   “Ate, ano ba ‘yun?” nagtatakang tanong ni Amelia habang sumusubo ng pancake at bacon na gawa ni Olivia sakanila.   Oliva cleared her throat and stood from the chair. Pinag-krus nito ang mga braso at ang kanang daliri niya ay pinaglalaruan ang buhok nito. “Do you guys remember what mom’s number one rule is when lăo yé is around to visit us?” [grandfather]   Kunot noong sumagot si Elie, “Don’t do something stupid…?”   Napa-tsk si Olivia, “Okay, rule 1.5, then.”   Napatigil kumain ang tatlo at nag-isip ng malalim. Ano ba ang pinagsasabi ng kapatid nila?   Their grandfather is a nice and happy man naman. It’s just, the four of them are cheeky and playful in their teenage and prime years kaya palagi silang pinapaalalahanan ng nanay nila na mag-ingat sa mga gagawin at baka kung anong chismis ang makarating sa lolo nila. They are not that spoiled but when their grandfather says something with finality, ay final na talaga iyon. Wala nang makakapigil sakaniya na hindi gawin iyon.   Ava remembered when her grandfather gave her a surprise visit in her condo and he found out there was a man with her. Carlos Wei went livid and wanted to marry them soon after. Buti na lang ay napigilan niya ito at sinabing hindi sila talo ng kaibigan niyang si Julius, dahil pareho sila ng type.   Ever since that incident kinausap sila ni Charlotte, saying that if they wanted to date or party all night and day, make sure to not bring home their affairs. Dahil malamang sa malamang ay ipakasal na talaga sila ng lolo nila ng wala sa oras.   Ava looked at her sister with wide eyes. “Never bring your romantic rendezvous home,” sabi nito nang maalala ang dating pangyayari.   Nanlaki ang mata ni Eleanor at Amelia nang maintindihana ng sinasabi ng dalawa nila kapatid. Inisip nilang mabuti ang mga pangyayari kagabi. They were so wasted when Henry and his friends came over. Pagkatapos noon ay wala na silang maalala pa. Then they woke up inside their villa, alone. They were alone, right?   Right, Olivia thought.  Their mother warned them about bringing a man home, no matter what his s****l orientation is, dahil siguradong itatali na sila ng lolo nila doon. Hindi lang halata pero conservative ang lolo nila pagdating sa kanilang mga apo nito. “Ten points to Ava Xue.”   “But we didn’t—” Elie grunted in frustration. She likes to have fun but she is not as wild as her sisters that would take home their flings afterwards. Dahil sa mga kalokohan ng mga ito ay nadadamay pa siya.   “Who took us home then?” Singit ni Amy na naguguluhan din. Party-goer siya pero hindi siya naguuwi ng lalaki sa place niya. She knows better than to get caught by her grandfather and her own father.   Napa-tsk si Olivia. “That is an interesting question. Who are those men?” Tuwang tuwa ang kalooban niyang mabiwist ang mga kapatid niya. She loves seeing their ‘oh-s**t’ face.   Well in truth and in fact, isang lalaki lang ang nakita niya habang nagluluto siya ng breakfast. Hindi na siya nagtaka nang malamang galing ito sa kwarto Ate Ava niya. The man looks decent enough, mukha namang natulog lang ito at walang ibang ginawa.   Ava sneered at her sister. She seems so delighted watching their alarmed expression. “Oli…” may pagbabanta sa boses nito nang tawagin niya ang kapatid niya.   Olivia chuckled. She looked directly at Ava’s direction, “If it weren’t for me, you’d be married off as soon as possible.”   Ava’s lips quivered. Doble ang kabang nararamdaman niya ngayon kaysa sa kaba noong nahuli siya ng lolo niyang may kasama sa condo. “You’re kidding me, aren’t you?” panghuhuli niya sa kapatid niya. She couldn’t possibly brought a man in their villa. Right?   Right. Sagot ng utak ni Ava. But who took us home last night?   Seryosong tinignan ni Olivia ang nakatatandang kapatid, “Do I look like I’m kidding?”   “Wait,” Amelia interfered. “Lăo yé was here?”   Olivia nodded. Their grandfather came to check on them at around 6 am. Luckily, she was already there to shoo away the man that came from Ava’s room. “Mga 6 dumaan na si lolo. Ilang minuto lang after ko pinaalis ‘yung lalaki mo,” turo niya kay Ava.   Tinampal ni Ava ang daliri ni Olivia at napa-inom ng tubig. Nauhaw siya bigla sa nalaman na may dinala siyang lalaki sa kwarto niya, lalo na’t muntik nanaman siyang mahuli ng lolo niya!   She mentally slapped herself. Simula ng tagpong iyon nila ng lolo niya ay pinangako na niyang hindi siya magsasama ng lalaki sa condo niya. Lalo na’t ayaw niya ring gumaya sakaniya ang mga kapatid niya. Ngayon ay nagsisisi siya sa nasaksihan ng mga kapatid niya.   So much for being a freaking role model. She cursed herself.   “Anyway,” pagkuha ni Olivia ng interes nila. “We’re having an early lunch at the pool side. Sa tingin ko dumating na rin ang mga bisita at pamilya ni Kuya Henry. They are waiting for us in…” Oli checked her wrist watch. It was already 10 am, at sinabihan siya ni Carlos na magkita-kita sila ng 10:30 sa pool side. “Thirty minutes.”   Binatukan siya ni Elie, “Pinakain mo pa kami.”   ~   “Lăo yé!” Amelia happily hugged her grandfather upon seeing him. Ilang buwan din niyang hindi ito nakita.   Carlos chuckled at the sight of his jolly granddaughter. “My Amelia, hindi mo na kami ulit binisita ng lola mo,” may halong pagtatampo sa boses nito.   Agad ding yumakap sina Ava sa lolo at lola niya. The three of them were so busy in handling their respective companies kaya madalang na silang nakakapunta sa bahay ng mga ito para mangamusta.   Ava looked on the other side of the pool, papalapit sakanila ang pamilya ni Henry. The Wei’s warmly welcomed the Thomas’s. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito habang naglakad papunta sa beach si Ava. Noong mga bata sila ay palagi silang doon nagbabakasyon. Ngayon, isa na sakanila ang ikakasal.   “You’re sober now,” says a manly voice behind her.   Napatikhim ang lalaki sa likod kaya naman humarap na si Ava sakaniya. A little smile was visible on her face and he has a sly smile plastered on his gorgeous face.   He didn’t look this good last night. Ava mentally slapped herself. At talagang nakuha niya pang sipatin ang kagwapuhan ng lalaking iyon.   “Hi. I don’t think we met properly.” Naglahad ito ng kamay sakaniya for a handshake. “William Valderrama.”   Ava was having second thought if she should reach his hand, but then she did. “Ava Wei,” pakilala niya.   Yan, she corrected in her mind. Simula ng alitan nila ng tatay niya ay hindi na niya ginagamit ang apilyedo nito. Tanging ang maiden name nalang ng mommy niya ang gamit niya.   Inalis niya kaagad ang kamay nito at umiwas ng tingin. She couldn’t quite pin point if she was that ashamed of what she did last night, or there was something more.   “Ate Ava!” rinig niyang sigaw ni Olivia habang papalapit sa pwesto nila ni William. “Kakain na.”   Hindi nakatakas sa paningin ni Ava ang pagpapalit ng tingin ni Olivia papunta sakaniya at kay William. Lalo na nang tinanguan ng lalaki ang kapatid niya bago naglakad pabalik sa loob ng resort.   It couldn’t be that her sister knows that guy, right? Lalo na’t wala naman si Oli kagabi sa bar? Pero—   “Destiny, huh?” Makahulugang sabi ni Olivia sa Ate niya.   Sumimangot si Ava sakaniya. “Ano bang pinagsasasabi mo?”   And for that second time that day, Olivia flashed her a malicious smile. “You had your romantic rendezvous with Kuya Henry’s friend.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD