LORELEI was greeted by a loud and deafening music as she entered the bar. Alas siyete pa lang ng gabi pero ganito na ka-wild ang buong bar. Ang dami ring tao na kailangan pa niyang ipagsiksikan ang sarili para lang makarating sa may bar counter. Lihim pa siyang nagpasalamat nang may isa pang bakante sa limang high stool na nakahelera nang makarating siya roon at doon siya naupo. “A glass of wine, please.” aniya sa lalaking bartender. The same bartender when she was here last week. Kita niya ang paghagod ng tingin nito sa mukha niya hanggang sa may katawan niya. Lust filled on his round and big eyes. She smirked. Pwede niyang gamitin ang libog nito para makakuha siya ng impormasyon tungkol sa lalaking hinahanap niya. “Right away, Ma’am,” anito at ngumiti pa sa kaniya. Habang hinihintay

