CHAPTER 2-STRANGER

1169 Words
-XIENNA- "Daddy, gusto ko sanang matutunan ang paghandle ng ating mga negosyo." Nasa mahabang sofa silang mag-ama at nagpapahinga dahil kakatapos lang nilang maghapunan. "Darling, why you don't rest for a while? I mean, magpahinga ka na muna for good, kasi may plano na akong nakahanda para sa'yo." Anito ng kaniyang Ama habang abala ang mga mata nito sa binabasa. "Oh! C'mon Dad! maboboring lang ako dito sa bahay." Pamimilit ko pa rin sa aking Daddy. Ayaw ko namang tumambay dito no! Nakakabored kaya, mas maigi ng matulungan ko na si Daddy sa aming mga negosyo. May edad na rin naman ang daddy kaya dapat lang na ako naman ang umalalay sa kanya. "Darling, why you don't try to go to in U.S? Maglibang ka at mag-out of town ka na muna!" Habang patuloy pa rin ang Daddy ko sa pagbabasa sa mga magazines at dyaryo. "Dad! I don't want to go anywhere.. I don't want to leave you here alone!" Matigas kong katwiran sa aking Ama habang sinisilip ko ang magiging reaksyon nito. "Why? You're still young, baby! And besides, kakagaling mo lang sa pag-aaral." At hindi ko pa rin makumbinsi ang aking Ama na isama ako nito sa mga negosyo namin. "You right, Dad. But I want to explore around the world of business, Daddy! Can't you see, I am bored here? So, please Dad, accept my..." "Okay.... okay... but in one condition!" Putol ng Ama ko sa sasabihin ko pa sana. Naghintay ako kung ano ang condition na sasabihin nito, pero mukhang ginu-goodtime na naman ako ng aking Ama. "What? Daddy?" Untag ko rito ng makitang mas malalim na nag-isip si Dad at kalaunan ay bumuntong-hininga ito. "Magkakaroon ka ng personal driver o sabihin na nating bodyguard mo?" Mukhang ayaw magpatalo ng mahal kong Ama, yung ayaw ko sa lahat ay ito pala ang magiging condition niya kapalit ng pagsisimula ko ng trabaho sa aming kompanya. "Dad....! It's a prank! right?" Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng umangat ang tingin ni Dad sa akin at seryosong tumingin sa aking mga mata. "No, Darling! I'm serious." Wala talaga akong ligtas sa Daddy kong ito. Marunong naman ako magdrive ng sasakyan at kaya ko naman ang sarili ko. So, bakit kailangan pa ni Daddy na magkaroon ako ng sariling driver o bodyguard? Alam niya naman na ayaw kong pinaiikutan ako ng mga lalaki, maliban sa kaniya. "You know what, Dad! Hindi ka magandang ka-bonding! Alam mo namang alergy ako sa mga lalaki diba?" Kunwa'y ingos ko kay Dad. Napapangiti na lamang ito ng makita ang kabuuan ng reaksyon ko. "Iisipin ko na talaga na hindi ka babae kapag tinanggihan mo pa ang condition ko, Anak." Muli ko lang iningusan si Daddy at nagmamartsang umalis sa tabi niya. Ayaw ko naman na kontrahin pa ang aking Ama. Masyado niya akong mahal kaya niya ginagawa ang lahat ng ito. Dadalawa na nga lang kami ni Dad, pagtatalunan pa ba namin ito? Umakyat nalang ako sa kwarto ko at nagsimulang maglinis ng buo kong silid. Minsan ko lang nadaanan ng mga mata ko ang isang malaking portrait sa gilid ng kama ko. Ang portrait na ito ay ginuhit ko n'ung ako ay nasa high school pa lamang. Isa itong mahiwaga sa imagination ko na alam kong kaming mga paintor lamang ang nakakaunawa at nakakaintindi sa nakapaloob dito. Maingat akong naglakad papunta sa gilid ng kama ko at dahan-dahan kong kinuha ang aking portrait. Isa itong maipagmamalaki kong gawa noong nag-aaral pa ako ng high school. Sa ibaba nito ang pirma at kung kailan ko ito inumpisahang iguhit at kung kailan natapos. 'Kung buhay ka pa sana Mommy, ibibigay ko sa'yo ang painting ko na ito. I know, mahal mo ang pagpipinta, at yun ang nakuha ko sa'yo, Mom! But I want to apologize, kasi hindi ko rin naman ito mapagtutuunan ng pansin. Maybe, if boredom strike me, makakaguhit akong muli. Gusto ko na kasing matulungan si Dad sa mga negosyo natin, Mom. How I really badly miss you so much, Mom...so much....' Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko kung hindi pa ito pumatak sa kamay ko. Maagap ko naman itong pinunasan gamit ang kanan kong palad. Masaya siguro kami kung buhay pa ang Ina ko. Masaya naman kaming dalawa ni Dad, pero wala na sigurong mas ikakasiya kung nandito pa rin si Mommy. Ibinalik ko muli ang portrait sa kinalalagyan nito at tsaka ko tinungo ang aking bintana. Naisipan kong buksan ang kurtina ng kwarto ko sa mga sandaling ito. Nais ko lang naman makalanghap ng sariwang hangin na galing sa labas kaya naman pati bintana ay binuksan ko na rin. Maaliwalas ang panahon at masarap ang simoy ng hangin. Kaya ko bang iwan ang probinsyang ito na kinalakihan ko na ng ilang taon upang tumungo sa lungsod at doon ipagpatuloy ang buhay ko? Parang hindi ko kayang ipagpalit ang buhay ko rito sa lungsod. Napakurap ako ng mga mata ng makita ko si Dad na may kausap na isang estrangherong lalaki. Hindi ko siya kilala at alam kong bago palang siya dito sa aming probinsya. 'Siya na siguro ang kinuha ni Dad na maging driver ko.' Ani ko sa loob-loob ko. Napakislot ako ng bumaling ang mga mata ng lalaki sa akin at sandaling naglaban ang mga titig namin sa isa't-isa. Walang kakurap-kurap. At talagang hinuhuli ang kaloob-looban sa mga mata ko. Para naman akong biglang nakaramdam ng kaunting kaba. Siya palang ang lalaking nangahas na salubungin ang mga mata ko. Natapos ang pag-uusap nila ni Daddy na nakatingin lamang ito sa akin. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? Nakita kong nagpaalam ang lalaki kay Dad, bago ito sumakay sa kaniyang magarang kotse. Magarang kotse? Mayaman siya! So, anong ginagawa niya rito sa amin? Maybe, may pinag-uusapan sila ni Dad about sa mga negosyo namin? Hay! Ngali-ngaling batukan ko ang aking sarili dahil kung anu-ano ng pumapasok sa utak ko. Umalis na rin naman ako sa bintana at tsaka ako nahiga sa kama. Hinayaan kong nakabukas lamang ang bintana upang pumasok ang sariwang hangin sa kwarto ko. Pinatay ko na rin ang aircon dahil mas gusto kong lasapin ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko. Nakakaengganyo tuloy na ipikit ang mga mata. Sa ilang segundong nakadilat ang mga mata ko ay hindi ko namalayang tinatangay na ito ng malamig na panahon upang pumikit. **** Isang malakas na katok sa aking pintuan ang pumukaw sa mahimbing kong pagtulog. "Sandali lang naman! Sino ba yan?" Sigaw ko upang marinig ng taong kumakatok sa pintuan ko. "Anak, pinatatawag ka ng Ama mo, at may bisita kayo!" Si Nanay Sonia pala ang nasa labas. "Sige po 'Nay at susunod ako sa baba." Tiningnan ko ang suot kong relo sa aking kamay. Ilang oras rin pala akong nakatulog. Nang tingnan ko sa nakabukas na bintana ang labas ay madilim na ito, kaya naman nagmamadali akong bumangon at sinarado ko na ang bintana pati na rin ang kurtina bago ako nagderetso sa aking malawak na banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD