Dahil nawawala ang mag-iina ni Papa Silas ay kasa-kasama n'ya akong nagtutungo sa company. Kanang kamay. Utusan. Pero dahil sa ginawa nito, alam kong malaking tulong ito para ma-expose ako sa mga negosyo ng tunay kong magulang. Hindi na rin magtataka ang mga employees dahil nga palagi akong kasama ni papa. For sure, kapag nagpakilala ako sa kanila ay matatanggap agad nilang babae si Wolf De Rama. "Lupita, kaano-ano ka ni Sir Silas? Lagi ka kasi n'yang kasama. Tapos nagtataka kami kung ano nang nangyari sa mag-iina n'ya." "Ano bang naiisip n'yo na connection ko kay Sir Silas?" tanong ko sa mga ito. "Well, bulong-bulungan kasi sa bawat department na kabit ka raw ni Sir. Maraming naiinis sa 'yo ngayon dahil nga sobrang bait ni Ma'am Cora." Ay, hindi ganitong popularity ang gusto ko. N

