C-112

1476 Words

"Makisig, may pa-order ba tayong lechon?" takang tanong ni Mang Dan sa akin habang abala ako sa paghango ng lechon. Kagigising lang nito, habang ako'y wala pang tulog. "Bakit hindi mo sinabing may pa-order pala?" "Utos po ito ng anak n'yo, Mang Dan. Lakas din talaga ng tama ng anak n'yo, eh. Gabing-gabi na ay nag-utos sa akin na ipaglechon ko siya. Tulog na ang lahat. Ako lang mag-isa ang humuli, nagkatay, at nag-ihaw. Wala pa akong tulog. Antok na antok na ako. Masakit na rin ang ulo ko, Mang Dan. Sa utak ko nga ay naiisip ko ng si Lupita ang iniluluto ko rito." Reklamo ko sa matanda. Kung anong bait ng ama, grabe naman ang sama ng ugali ng anak. "Hijo, anak ko ang nagpaluto?" dumating na rin si Manang Blesika. Nakiusyoso na rin. "Opo! Ang sama talaga ng ugali 'no? Kahit mag-isa ko'y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD