"Sikat si Luche rito sa parteng ito ng Apolina. Sa aming dalawa, siya iyong paborito dahil nga madali siyang pakisamahan. Kahit sinong tao sa area na ito ay kilala siya. Laging nakangiti, medyo maingay, lalo na kapag nagkwekwento siya. Sweet din siya. Matalino si Luche. Mas matalino pa kumpara sa akin. Sa totoo lang, kay Kuya Luke, sa akin, at kay Luche. Ako ang pinakasakit sa ulo nila Mommy at Daddy. Ako iyong hindi gaanong matalino. Habang si Kuya Luke at Luche... sila iyong nag-e-excel talaga sa school. Acads man iyan or kahit sa hobbies lang nila. Parehong gifted. Magaling sa arts, horseback riding, kahit swimming. Favorite ni Lord. Kaya sa siyudad talaga ako nag-stay. Dahil nga ako lang iyong nagdadala ng negativity rito sa house. Kawawa naman sila kung gano'n, 'di ba? Sa bar at malls

