Iris's POV "Teka nga, sino ka ba?" malakas na sinarado ni Rake ang kotse niya. Umikot siya para lapitan kami. "Who are you?" nakakunot na tanong ni Rake habang taas noo ito na nakatingin kay Dustin. "I don't need to introduce myself to you. I'm only talking to my wife. Huwag kang mangialam." sagot naman nitong si kurimaw na Dustin. "May dahilan ako para mangialam dahil ako ang kasama niya." pakikipagbangayan ni Rake. "Dustin, pwede ba umalis ka na!" inis na hinarap ko ito para matapos na ang pagbabangayan nilang dalawa. "Hindi ako aalis hangga't nakikita kong kasama mo ang lalaking 'yan." turo niya kay Rake. "Ano ngayon kung kasama ko si Rake? Bakit ikaw? Kasama mo rin 'di ba ang fiancee mong hilaw!" nakapamewang na sabi ko sa kaniyang pagmumukha. "Nakita mo?" "May mga mata naman s

