RR POV.
Ngayon ay papasok ulet ako kaya kailangan kong mag ipon ng isang sakong tae ng mga aso para kapag naisipan ni Diane na tambangan ako sa labas nang school ready na akong paulanin sya nang mga taeng iipunin ko ngayon.
Pero lahat nang yun ay sa isip ko lang, mahirap na baka totohanin nila dahil kapag yan tinotohanan talaga nila magiging si halk ako seryoso.
Pagpasok ko sa classroom may nakita akong bagong babae na katabi ng isa naming kaklase na hindi ko pa alam kung ano ang pangalan, nag bubulungan sila, kung bulungan ngang matatawag yun dahil hanggang sa pinto ay rinig na rinig yung pinag uusapan nila.
"Uyy, Phrae joe, kaklase ba ulet ninyo si Sammy? "Tanong ni Girl sa kaklase ko, pero infairness maganda si girl parang anghel pero di ko sure kung ganon din sya sa loob loob nya.
"Oo, bakit?wala naman ng bago doon every year naman namin syang kaklase"Sagot naman dito ni klasmate habang busy sa kakalaro nang ML ata?, nakalabas pa yung dila.
"Ahhh okay"sabi nalang ulet nito saka hinarap yung cellphone nya saka ako naglakad at umupo sa gitna.
Ramdam ko naman na nakatingin saakin si Ate gurl.
"Sino yan?, bago?, tapos bat girl?diba ayaw na nila ng girl dito matapos ni Yvone Salves "Tanong ulet nito kay klasmate.
"Oo, sandali lang ahh kausapin ko lang"
"Sige"sagot dito ni girl, mabait naman sya kasi pinayagan nya si klasmyt na kausapin ako, hindi tulad ni Diane makasarili.
"Hello"
Bwisit kasi sarap sakalin.
"Hello"
Sarap nyang kalbuhin
"Hello"
"At ang sarap na ingud ngud sa nagbabagang uling yung ulo nya".
"Huh?, pinagsasabi mo, sino kaaway mo?, baliw ka ba"biglang sabi ni klasmate?, anong ginagawa nya sa harap ko? At bakit ang lapit lapit nang face nya sa face ko?.
"Huh?, pinagsasabi mo po sir? " wala sa siriling tanong ko sakanya.
"Huh? "Nagtataka ding tanong ng klasmate ko.
"Aahh---"naputol ang sasabihin ko sana ng biglang dumating si Diane the scandalosa.
"DIIAANNE! "sigaw dito ng babaeng kaninang kausap nitong nasa harap ko.
Anghel na sana kaso, magkaibigan pala sila nitong Diane na to ehh baka demonyo din.
"Ohh Alfee, bat ngayon ka lang" tanong ni maldita, hindi nya ata ako napansin dahil nilagpasan nya lang ako at agad pumunta sa babaeng "maganda".
"Huh?, maganda?, sino? "Tanong ulet nitong katabi ko, akala ko umalis na to kanina hindi kasi umimik.
"Wala, sabi ko chismoso ka"
Narinig naman naming nagsalita ulet yung new girl kaya nilingon namin ulet sila"kauuwi lang kasi namin kahapon"
"Ahh"tipid na sagot ni maldita.
Nagulat ako ng may humila sa kamay ko"Dito tayo upo Rr"malamig na sabi ni Arjay, ano kaya problema nito?
"Sige"pagsang ayon ko kahit naninibago ako sa kinikilos nyo, pagbigyan ngayon lang sya ganyan.
THIRD PERSON POV.
lumapit naman si Diane sa kinauupuan ni Alfee at tumabi ito sakanaya.
"Uyyy,Diane diba sabi mo kailangan natin ng bagong kasama? " bulong ni Alfee sa kaibigan, nakangiti sya ng malapad at nakatingin sa pwesto nila Rr.
"Oo, bakit may nahanap ka na ba? "Bored na sagot naman ng isa.
"Bat di natin i try yung new student? "Nagtataka naman ito,nakataas kilay itong tumingin sa kaibigan ng makita kung sino ang tinutukoy nito.
"Over my dead body" nakasimangot na sabi nya sabi sa kausap at nag kunwaring nasusuka.
"Bakit? "Nagtataka ito kung bakit ganon ang ikinikilos ng kaibigan.
"That stupid wench, transferee palang sya pero hindi nya na alam kung sino tong binabangga nya haistt" asar na sagot nya dito.
"Kilala mo na sya? "Nakangiti nitong tanong sa kaibigan na ikinasama ng timpla ng mukha naman nung isa.
"Oo, obvious naman"walang gana nya ulet itong binalingan "tapos hwag ka ngang tanong ng tanong kadarating mo lang ang ingay ingay mo na agad"saka dumukduk sa lamesa kung saan sya naka upo.
"Sorry"huling nasagot ni Alfee bago humarap sa kanyang katabi at nakipagkwentuhan.
"Ahhh may pagagawa ako sayo para hindi mas lalong mag init tong ulo ko"biglang nagsalita si Diane at slow motion na humarap kay Alfee may nakapaskil pang ngiti sa kanyang labi na hindi nya nagustuhan dahil for sure may binabalak na naman ang ito.
"Hindi ko gusto yang iniisip mo bes, hindi na tayo elementary" hindi makatingin sa kaibigan na sagot nya dito.
"Just do this one, lagyan mo ng ipis ang bag ni new student" nakangiti paring utos nya sa kaibigan habang naka tanaw kung saan naka upo yung new student.
"Saan naman ako kukuha ng peste? "Bagsak balikat na tanong ni Alfee.
"Hindi ko alam, basta ang mahalaga malagyan mo ng ipis yung bag ni new student at isa pa ipis ang sabi ko hindi peste"hindi alam kung saan titingin dahil baka may makarinig sa kanila.
"Ano ba Diane, we are not kids anymore"bulong dito ng kaibigan.
"Ayaw mo?, edi ako nalang ang gagawa"bulong din naman dito ng isa.
"Diane, please stop na this" tumingin na rin sya sa pwesto nila Ryian kung saan kanina pa tinitignan ng kaibigan.
"Shh shut up, nandyan na si Ma'am kailangan na nating umalis" saka sila umalis.
Ryian pov.
Lunch break na at heto kami ngayon naglalakad papuntang canteen para doon na kumain nagbaon naman ako sinamahan ko lang ngayon si Arjay na bumili ng pagkain.
Pagpasok namin sa canteen nagahip agad ng mata ko ang bakanteng lamesa kaya agad akong umupo at inanyayaan si Arjay.
"Ako na mag oorder, heto bag ko bantayan mo thx"agad akong tumayo at dumeretso sa counter, hindi ko na sya tinanong dahil alam ko naman kung ano ang gusto nya,adobo, araw araw na nga nya yun inoorder ehh, di na nagsawa.
Third person pov.
Habang naghihintay si Arjay, naisipan nya nang magcellphone dibale matagal pa naman si Rr dahil mahaba pa yung pila.
Sa kabilang banda naman, naka upo ang magkaibigang si Diane at Alfee at naka tingin ngayon sa naka pilang si Rr tapos nilipat ang tingin kay Arjay na naka upo ngayon habang kaharap ang kanyang cellphone hindi kasi sila napansin nung dalawa.
"Paano kaya natin mapapaalis doon si Arjay"tanong ni Diane sa katabi.
"Alam mo Diane?, hwag na kaya natin to gawin"sabi naman nung isa at pasimpleng tumingin kay Rr.
"Alam ko na"saka humarap kay Alfee na may malapad na ngiti " Alfee kunwari magtanong ka sa kanya tapos punta kayo dito sa table, tanungin mo kung pano i solve yung math kanina dahil hindi mo na gets, got it" patuloy pa nito sa sinasabi, meron parin yung malapad na ngiti sa kanyang mukha.
"Pero Di-----"hindi nya na natuloy ang sasabihin dahil nagsalita ulet Si Diane.
"Alam mo?nakakapagtaka kung bakit naging kaibigan kita"wala ng nagawa si Rr dahil sa sinabi ng kaibigan sa buong buhay nya sunod sunuran lang sya.
"Ito na nga pupunta na diba? " walang ganang sagot nya dito.
Pumunta na si Diane sa table nila Arjay ng nakita nyang lumapit na ang binata kay Alfee, agad nyang nilagyan ng ipis ang bag ni Rr( hindi po natin alam kung saan nanggaling yung ipis) saka nag signal na okay na.
Nakita ni Diane na papunta na si Rr sa table nila kaya agad na syang umalis at bumalik na kung saan sya naka upo kanina.
"Ok, thanks arjay"rinig nyang paalam ng kanyang kaibigan.
"No probs"sagot ng binata, nakita nya si Rr kaya tinawag nya ito.
"Uyy Rr sabay na tayo punta sa table"
"Anong ginagawa mo don? " tanong ng dalaga saka nilapag ang kanilang pagkain.
"Nagtanong lang si Alfee"sagot nya dito.
"Ahh gf mo? "Tanong nya ulet ng pabiro saka sila nagtawanan
"Hahhahaha hindi, alam mo namang hindi pa ako nagkakaroon ng kaibigan na babae, gf pa kaya? "
"Hahaha oo nga pala,mukha kasing inosente, hahaha kain na tayo? "
"Siigggeee"masigla nyang sagot
Natapos na kaming kumain ng may lumabas na ipis galing sa bag ko hindi ko alam kung ilan basta ang alam ko lang marami.
Well sanay naman na ako kasi sa bahay namin noon lagi kaming humuhuli ng ipis tapos pinapatay kaya parang wala nalang saakin.
May paniniwala pa nga si mama na ang mga ipis ang pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa dahil unang tingin pa lang sigawan na... What's more kung nasayo na?todo kilig ka na patalon talon ka pa.oha?galing ng trip ni mudra no?
Tumingin ako kung saan nakaupo sila Diane at sinamaan sila ng tingin hindi nman kasi basta basta papasok yang mga ipis na yan sa bag ko kung walang naglagay diba? at si Diane lang ang alam kong may galit saakin.
Umirap lang naman sya bago sumubo ng kinakain nyang cake.edi wow sya na may cake.
Tumayo ako kahit hindi ko pa natatapos kainin yung pagkain ko, sad to say pero nag extra badget meal ako hahahahaha.
Nagtataka namang tumingin saakin si Arjay.
"Bakit?" Tanong nito ng hindi ko sya pinapansin.
"Hwag ka nalang umepal okay?para all gooddss" nakangiting sabi ko dito.
Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya sana dahil naglakad na ako palapit sa table nila Diane.
"Bakit?" Inosenteng tanong nito.
Bakit mo yang mukha mo!!!parang hindi ko alam na kayo may gawa nun.
Tumikhim ako bago kumanta ng pagkalakas lakas.
"BOOM DIANE, DIANE BOOM PAYAT, PAYAT KAWAYAN KAWAYAN FLAT FLAT FLAT" kanta ko ng pagkalas lakas.
Nakita kong naasar sya sa inasta ko at parang nahihiya?kasi namumula yung mukha nya.
Marami namang nagbubulungan at nagtatawanan nakita ko nga rin sila Alex pero wla na kong pake kasi tumakbo na ako ng mabilis ng nakita kong susugurin na sana ako ni Diane.
"Belat" sabi ko bago duretso sa room namin.