Rr pov.
"Rr gising na, anong oras na, baka ma late ka na naman dyan sa school mo"rinig kong sinasabi yan ni auntie habang mahina nya akong niyuyugyog.
"Yes po"sagot ko nalang saka nagmadaling pumunta nang banyo para maligo na, nakita ko naman na si Auntie na lumabas nang kwarto.
Third person pov.
Makalipas ang 10 minuto bumaba na si Rr.
"Rain, kain ka na"salubong saakin ni Auntie.
"Tsskkk"narinig kong sabi ni Jacob na kanina pa pala nandito.
"Bye ma, i have to go na"sabi nito saka tumayo at hinalikan ang kanyang ina sa pisngi.
"Hindi ka ba magpapaalam kay Rain"tanong nito sakanya.
"Hindi na kailangan may mga mata at tenga naman sya para marinig at makitang umalis na ako"sambit nito saka lumabas na nang bahay. Okay pine kaw kasi walang tenga at mata.
"Hindi pa ba kayo nagkakausap hanggang ngayon" tanong nito saakin, umiling lang naman ako dito at nagmadaling kumain.
"Dahan dahan lang at baka mabulunan ka"sabi ni Auntie saakin na nginitian ko lang naman saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Rain,mag iingat ka ahh"bilin saaking ni Auntie nang palabas na ako nang bahay.
"Opo, ikaw din po"sabi ko naman dito.
Nagmalandi...este nagmadali si Rr sa paglalakad para hindi na naman sya mahuli sa clase buti nalang maaga pa nung nasa gate na sya nang school nila.
Pagkaloob niya sa Gate lahat nang mga studyante ay nakatingin sakanya bat naka tingin silang lahat saakin? Tanong nya sa isip nya.
"Aray"nahulog naman yung mga dala dala nyang libro dahil may naka bungguan na naman sya.
"Sorry"sambit nang nakabungguan nya saka tinulungan sya nitong pulutin ang mga nahulog nyang mga libro.
"Ahh, hindi okay lang"
"Ohhh, ikaw yung baguhan dito diba? "Biglang tanong nang lalaki na nakabungguan nya.
Rr pov.
"Ohhh, ikaw yung baguhan dito diba? "Biglang tanong nitong lalaking tumutulong saakin ngayon kaya nilingon ko sya, nagulat nalang ako ng sya rin yung nakabanggaan ko sa canteen nung nakaraang araw.
"Diba ikaw yung lalaking lalampa lampa na nakabanggaan ko nung isang araw? "Tanong ko dito nung nakatayo na kami.
"Hehehehe, grabe ka naman sa lalampa lampa hindi ahh, sadyang bulag ka lang kaya nabangga mo ako" agad na depensa naman nito sa sarili nya.
"Anong bulag? May mga mata ako at malinaw pa yang mga yan hindi katulad mo naging apat na dahil sa katabedan? "Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad habang nag uusap.
"Ano yung katabedan? " nagtataka naman nitong tanong saakin.
"Ahhh, parang katangahan yun in ilokano nga lang, gets? "
"Oohh bat naman ganon yung discription mo saakin kung bakit naging four eyes ako?, ang harsh mo pala ahh"
"Hindi ko din alam yan lang yung lumabas sa bibig ko, sya nalang sisihin mo dibale hate ko din naman to"
"Bakit naman? "
"Abay malay, kalansay, patay ka na bukas"
"Ouch, talagang ang harsh mong magsalita, pero i like that attitude of yours ipinapakita mo yung tunay na ikaw, unlike others na puro kaplastikan ang alam"
"Oo naman, gusto ko rin naman magkaroon nang kaibigan"
"By the way Ako nga pala si Aiden Sanches" saka inabot yung kamay nya saakin na agad ko din namang inabot at nakipag shake hands.
"And I am Ryan Rose Rain Velasco, Rr for short, ligit na rin dahil ang haba"pagpapakilala ko naman sa sarili ko.
Nang malapit na sila sa Section A kung saan ang classroom ni Aiden, hindi nila sinasadyang nabangga nila si Diane a.k.a the maharot girl.
"Ikaw na naman? Hindi ka ba nagsasawang ibinabalandra yang napakapangit mong mukha sa harap ko?! "Sigaw ni maharot sa pagmumukha namin.
"Sorry di ko sinasadya, ayaw ko muna nang away, so please tanggalin mo na yang makapal mong mukha sa harapan namin by the way at least maganda di katulad mo mukhang clown na sa ganda"bored naman na sabi ko dito saka yumuko.
"How dare you call my face makapal at clown sa ganda? , isa pang tawagin mo kong makapal siguradong ingungud ngud ko na yang pagmumukha mo"banta nito saakin na nimimimick ko lang naman nang patago.
"Edi sorry na talaga, tskk"
"Pasalamat ka wala ako sa mood ngayon at siguraduhin mo rin na kilala mo kinakalaban mo palibhasa walang kwentang baguhan"at naglakad na sya palayo saamin.
"Pasalamat ka rin wala ako sa mood, sigurado kung wala akong period ngayon ikaw ngayon ang nakangudngud ang mukha ngayon dito"bulong ko sa sarili ko.
"Sama naman non nag sorry na nga yung tao ehh"rinig ko rin namang binulong ni Aiden saakin.
"Ayy, may kasama pa pala ako?, akala ko umalis ka na"sabi ko naman dito.
"Oo nga ehh, ikaw lang kasi napansin, sige alis na ako, kanina pa kasi tayo pinag uusapan, mga chismosa ehh"paalam nito saakin saka pumasok nang clasaroom nila.
Biglang may kumalabit sa likod ni Rr.
"Hi" si Arjay lang pala kumalabit saakin.
"Hi din?"bati ko din dito at tahimik na naglakad hanggang sa nasa tapat na kami ng aming classroom.
Pumasok na kami sa classroom namin"ohhh, Rr mag classmate pala tayo? "Pang aasar dito ni Arjay.
"Hindi ba obvious?, tapos hwag ka ngang papansin, bad mood ako ngayon may period kasi ako"inis na sagot ko dito. May atraso din kayo saakin, baka sa inaakala nyo nakalimutan ko na yung nangyari kahapon, pwes nagkakamali kayo.
"Ohh dito ka pala nakaclassroom useless student? "Bungad saakin ni Diane.
"Ayy hindi halata, kaya nga ako wala dito dahil dito yung classroom ko, tapos sa pagkakaalam ko alam mo na dati pa na dito ako naka classroom, saan na ba pumunta yang utak mong punong puno nang katangahan"inis na inis na talaga ako sa babeng to, kapag ako hindi nakapagtimpi siguradong wasak pagmumukha nito ngayon.
"Don't be so stupid na I'll be your friend, kahit na kaklase mo si bebe Sammy"saka tumawa nang pagkalakas lakas,ewww nakakadiri din sya ahh"bobo".
"First of all wala akong sinabing makikipag kaibigan ako sayo, second, Bakit matalino ka ba?, and nakakalaswa yung tawagan nyo nyang presidente namin ahh grabe, pumatol talaga sya sayo?, dibale nga naman bagay kayong dalawa, bagay na bagay kayong itapon sa imbornal"
Bigla namang hinila ni Arjay ang kamay ko kaya napa upo ako"hwag mo na patulan, upo na lang tayo"tayo, tayo, tayo(ayyiieee Rr).
"Dapat di pinapabayaan ang mga matataas ang pride na pakalat kalat, hoy ikaw Diane kainin mo yang pride mo!. Baka ma choke ka kaya isa isahin mo"sigaw ko pa rin dito.
"How dare you!!, kinakain ba ang pride?, bobo"
"Tsskk, kung hindi ka lang tanga ehhh, hahahaha that was a sarcastic way to say na kainin mo kayabangan mo dahil di ka rin naman kagandahan"
Nakakaasar na pagmumukha nito eehhh, araw araw nalang nakikita ko, hindi ba sya nagsasawa maganda kong mukha? Kasi ako sawang sawa na, makita ba naman araw araw yung pangit nyang mukha sinong hindi magsasawa?diba?.
"Hahahaha san naman nanggaling mga pinagsasasabi mo? " halata sa mukha nya ang pagkainis.
"Sa bibig ko malamang, so stupid"
"Pilosopo ka rin ehh no?, well you don't have a chance na masira ako"
"Hindi ka naman laruan para masira diba?Tapos pano pag meron?"
"Paano pag wala? "
"Edi wala, ito naman sobra sobra na kabobohan umabot na hanggang langit"
Hindi namin napansin na kanina pa nag ring yung bell kaya hindi din namin alam na marami rami na rin yung mga classmates dito sa loob nang classroom at tahimik na nanonood pabulong lang yung ginagawa nilang pag uusap kaya wala kaming marinig na ingay,aba himala.
Hindi rin namin napansin na pumasok na pala si Sir James at naririnig yung away namin nitong maharot sa harap namin.
"Are you High school or Elementary?, punta kayo mamayang dissmissal sa faculty"sigaw ni Sir saamin kaya medyo napahiya ako dun.
"Oooohhhhhh"sigaw naman lahat nang mga panget sa classroom.
"Tsskkk sabi ko kasi sayo eh, yan napahamak ka ulet tuloy"biglang bulong ni Arjay nang umupo na kami.
"Sisiguraduhin kong di ako magpapaapi o di kaya ay maaapi" huling banggit ko sa sarili ko bago ako umupo ulet dahil medyo napahiya ako dun, nakatingin kasi silang lahat saakin.
Yeaahh lupa kainin mo na ako ngayon na, masyado nang nakakahiya!!!!!