Pagkatapos ng lunch break, nawendang siya nang makita ang nakatambak na mga folder sa kanyang mesa. Kahit si Crissy na kasama niyang lumabas ng building ay nagulat din. Eksakto namang pagpasok ng manager galing din sa labas ng department. Agad itong lumapit sa kanila. "Utos ng chairman. Pag-aralan mo raw ang mga 'yan," anito saka ibinigay sa kanya ang isang note. 'You'll be the new computer systems anlayst. Start from the beginning. Show me your ability,' saad sa card. Kunut-noong napasulyap siya sa manager pagkatapos ay kinalkal ang mga folder, dumampot ng isang folder at binuklat ang laman ng mga iyon. "Computer systems analyst ang bago ko pong work pero bakit po web designing andito pa rin sa'kin? 'Di po ba may web designer tayo?" taka niyang usisa. Hindi agad nakasagot ang

