Lalo siyang namutla sa narinig, awtomatikong napatingin kay Lenmark na sa tumawag natuon ang pansin. "Good evening, Mrs. Arunzado. Nice meeting you here," magiliw na bati ni Miss Chua, pagkuwa'y kay Lenmark naman bumaling. "Hello, Mr. Villaloso," bati din sa binatang sa kanya uli nakatitig. "What does she mean Mrs. Arunzado?" salubong ang kilay na usisa sa kanya ng kaibigan. Kung kanina'y namumutla lang siya, ngayon nama'y sumabay na ang kanyang mga tuhod sa pangangatog, pati dibdib niya'y kumakabog sa kaba. Ngayon niya lang nakita si Lenmark na nagsasalubong ang mga kilay at halata sa naniningkit na mga mata ang pigil na galit. Napahawak siya nang mahigpit sa nakasukbit na shoulder bag at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa kung sino ang unang sasagutin at kakausapin. "Hello,

