Nagmistulang lungga ng mga bubuyog sa loob ng HR department nang magsimulang magbulungan ang mga employee sa bawat cubicle na kanyang madaanan habang papunta sa opisina ni Zigfred. "Ba't siya bumalik?" narinig niyang takang usisa ng isang babaeng tila naging s**o sa haba ng leeg kakatanaw sa kanya. "Ewan. Baka magmamakaawa kay sir tanggapin lang sa trabaho," sagot naman ng kausap nito. Hindi siya lumingon, nagpatuloy lang sa paglalakad. Ilang cubicle ang kanyang nadaanan at lumiko sa ilang pasilyo hanggang sa mapatapat sa mismong pinto ng opisina ni Zigfred. She took a deep breath and calmed herself. She musn't be affected by his anger nor indifference towards her. The fact na siya ang asawa nito'y sapat na para mawala ang kanyang takot sa lalaki. Marahan siyang kumatok sa pinto

