Ang Maalalahaning CEO

1749 Words

Heto na naman siya sa rooftop, inaaliw ang mga mata sa pagtanaw sa ibaba. Naging stress reliever na yata niya ang pagtayo sa barandilya sa gilid niyon at pagmamasid sa mga sasakyang tila mga laruan lang na nagpakapila sa kalsada, halos hindi umuusad sa sobrang trapik ngunit nang may umalingawngaw na sirena ng ambulansya ay himalang mabilis na nagsipagtabi upang bigyang espasyo ang naturang sasakyan. Napansin niya ang malapit na mall sa tapat ng building na kinaroroonan. Labas-masok ang mga tao sa maluwang na pinto niyon habang may ilang mga pulubing namamalimos sa may gilid ng building subalit higit na nakaagaw ng kanyang atensyon ang isang batang hawak sa kamay ang dalawang taon lang yatang kapatid at sa isang kamay ay ang ilang bigkis ng sampaguita, ibinibenta nito iyon sa bawat pumapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD