Kahit inaantok pa ako, nagawa kong bumangon ng maaga. Ewan ko ba kung bakit excited akong bumaba ng sala. Mabilis akong naligo at nagbihis ng simple dress na bulaklakin. Nagawa ko pa ngang i-curly ang mahabang buhok ko. Nang mapatitig ako sa salamin. Nagpapaganda ba ako? Napangiti ako ng matamis dahil sa ginagawa ko. "Good morning mom, dad!" Sabay halik sa pisngi ng mga ito. "Aba, maaga yata ang prinsesa namin?" nakangiting wika ni mommy. Umupo naman ako sa gitna ng mga ito habang si dad, pangiti-ngiti lang na akala mo nababasa ang nasa isip ko. "Hindi na kasi ako makatulog, mom. Kaya bumaba na ako." "Hindi ka ba nakatulog ng maayos anak? Mukha kang puyat." Ang mapanuring tingin ni daddy. Heto na naman po tayo. Kinakabahan talaga ako sa daddy kong 'to. Masyadong matalas ang pakir

