Tahimik kaming nagsisikain ng may pumailanlang na tugtog. Napatingin tuloy ako sa mga taong nagsipuntahan sa gitna upang sumayaw. Doon ko lang din napansin na may piano pa lang tumutugtog. Hanggang sa yayain ni dad si mom para sumayaw. Napangiti na lang ako sa ka-sweetan ng mga magulang ko. Kitang-kita ko ang pagmamahal ng mga ito sa isa't isa. Nang wala sa sariling napabaling ang tingin ko sa kabilang lamesa. Para yatang namula ang mukha ko ng nakatitig din pala si Steven sa akin. Mabilis kong naiyuko ang ulo sabay lunok. Nang bigla akong mapa-angat. "Hi, miss? Puwede ba kitang maisayaw?" Isang binatang nakatayo sa harapan ko habang nakalahad ang kamay. Hindi pa ako nakakasagot ng mapansin ko ang mabilisang paglapit ni Leron. Ang bodyguard ko. "I'm sorry, Sir. Hindi siya maaaring

