Kabado man, ngunit pilit akong ngumiti habang hinihintay ang pangalan kong tawagin. Isa kasi akong sikat na modelo at designer na rin sa pilipinas.
Sa edad kong 23 years old, nakuha ko ang pagiging best designer at best model in the Philippines.
Hindi naman nakakapagtaka na maabot ko ang lahat ng ito rito sa pilipinas dahil kung sa ibang bansa nga naging best International kid model na ako at doon rin ako nakapagtapos ng pag-aaral bilang isang designer.
Bata pa lamang kasi ako, sinanay na akong mag-model. Kaya naman tinagurian akong sikat na batang modelo sa ibang bansa.
Habang nag-aaral ako roon, patuloy pa rin ang pagmomodelo ko hanggang sa biglaan kaming umuwi rito sa pilipinas ng aking mga magulang sa hindi ko malaman ang dahilan.
Pilit ko mang tanungin ang mga ito ngunit nananatiling tikom ang bibig ng mga magulang ko.
Kaya naman, para pumayag ako sa kagustuhan nilang manatili rito sa pilipinas, pumayag silang ipagpatuloy ko rito ang pagmomodelo at ang pagiging isang designer.
Hindi naman ako nahirapan na tanggapin dahil sa may record ako sa ibang bansa na isang sikat at magaling na modelo, bata pa lamang, at isa ring magaling na designer. Na siyang nakuha ko rin dito sa pilipinas.
Taon na rin ang lumipas ng manatili kami rito sa pilipinas. Half foreigner and Half Filipino ang daddy ko. Samantalang si Mommy Half korean and half Filipino.
Mas pinili ng mga itong manirahan sa ibang bansa kaysa sa pilipinas. Kaya lumaki ako sa United States at doon din ako nakapagtapos ng pag-aaral.
Doon din nagsimula ang lahat nang pagmomodelo ko at pag-aaral ng designer. Hanggang sa kumalat, sa iba't-ibang bansa ang pangalan ko simula ng sumikat ako.
Ang kalungkutan lang ay hindi iyon tumagal. Nang magka-edad ako ng 19 years old, pinatigil ni daddy ang pagmomodelo ko roon at hindi rin sinabi ang dahilan.
Lalo pa akong naguluhan at nainis noong ipaalis nito ang pangalan ko sa iba't-ibang bansa sa pagiging isang modelo at designer. Kaya naman biglang naglaho ang pangalan ko bilang isang sikat na modelo at designer na rin.
Hanggang sa umuwi nga kami ng biglaan dito sa pilipinas at dito na tuluyang nanirahan.
Mayaman ang pamilya ng daddy at mommy ko. May mga negosyo ito sa iba't-ibang bansa. Kahit nga sa pilipinas marami rin pala. Sadyang binibisita lang ito ni daddy noon, nang mga panahong wala pa kami rito.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit kami umalis ng ibang bansa at piniling manirahan dito, samantalang maayos naman ang buhay namin doon. Malapit pa sa mga karelatives namin. Hindi ko na rin naman kinulit si daddy at mommy at pansin kong wala rin naman itong balak mga magsalita.
"The Best Designer and Best Model in the Philippines, none other than.. Ms. Annabelle chloe Niamh!" wika ng emcee.
Bigla naman bumukas ang nakatakip na kurtina kung saan ako nakatayo. Inihanda ko na ang matamis na ngiti sa mga labi ko at dahan-dahang lumakad papunta sa gitna ng mga ito.
Confident akong naglakad habang inirarampa ko ang damit na ako rin mismo ang nagdesign. Isang tube style na fitted sa katawan ang suot ko na napapalamutian ng maliliit na diamond. Kaya kumikislap ito sa kinang.
Rinig na rinig ko ang bawat pagsinghap ng mga tao sa paligid, ang mga palakpak na ayaw na yatang tumigil, ang ilan pa, ay sumisipol at kung ano-ano pang maririnig na salita na puno ng paghanga.
Confident akong naglakad at nagpaikot-ikot sa gitna ng stage upang ipakita ang bago kong design. Paalis na ako sa stage ng mapansin ko ang ilang tao sa paligid na mukhang nagkakagulo.
Hanggang sa mawalan ng ilaw sa loob na siyang ikinahiyaw ng maraming tao. Bigla naman akong nakaramdam ng takot na hindi ko maipaliwanag.
Hanggang sa marinig ko ang ilang putukan sa paligid na lalong ikinahiyaw ng mga tao na siyang ikinaluhod ko sa pagkatakot. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa lakas ng putukan sa paligid. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa sobrang kadiliman.
Napasinghap ako ng bigla na lang may humablot sa braso ko na siyang ikinasigaw ko sa sobrang takot.
"Let me go!" Pagpupumiglas ko ng pilitin ako nitong kaladkarin.
Doon naman biglang bumukas ang ilaw at nakita ko kaagad ang lalaking nakahawak sa braso ko na nakamask ang mukha nito kaya hindi makikita ang itsura nito. Nakadamit ito ng puro itim.
Napahiyaw na lang ako ng malakas ng marinig ko mismo ang putok ng baril malapit sa akin. Hanggang sa bumulagta sa harapan ko ang lalaking nakahawak lang kanina sa akin.
Hindi ko naiwasang manginig at mangatal habang umaatras. Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng patay na tao sa mismong harapan ko. Ni hindi ko na napapansin ang mga taong, walang tigil sa paghiyaw at pagtakbo.
Hanggang sa marinig ko ang isang tinig.
"Miss Ana, dapa!" Sigaw ng isang lalaki. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig.
Ayon pala niyakap ako ng isang tauhan ni daddy na palaging kasa-kasama ko saan man ako magpunta. Para iharang sa putok ng baril na kung sinuman ang nagpapaputok.
Napansin ko na rin ang ibang tauhan ni daddy sa paligid.
"Kunin ninyo si Miss Ana!" sigaw ng leader ng tauhan ni daddy na ipinagkatiwalang magbabantay sa akin. Na siyang nakayakap pa rin sa akin.
Hanggang sa itayo ako nito at pagtakbo ako nitong ibinigay sa isang tauhan. Hindi ko naman kaagad maihakbang ang mga paa ko palayo rito. Dahil ayoko namang iwanan ito.
Tinuring ko na rin itong tito, kahit na tauhan lamang ito ni daddy. Natatakot akong mapahamak ito.
"P-paano ka," wika ko habang tumutulo na ang luha sa sobrang takot.
"F*ck! ilayo mo na si Miss Ana! Ngayon din!" sigaw pa nito sa isang tauhan na nakahawak sa akin.
Wala akong nagawa kun'di magpatianod na lang sa isang tauhan ni daddy na nakaalalay sa akin. Ilang tauhan pa ang sumalubong sa amin upang maiapasok ako sa loob ng sasakyan pauwi ng mansion.
Pagkapasok ko ay siyang pagpasok ng tinuturing kong tito na si Dante. Isa sa pinagkakatiwalaan ni daddy na magbabantay sa akin.
"Let's go!" wika nito sa driver. Kaagad naman nitong pinasibad ang sasakyan. May ilang tauhan rin kaming kasabay sa sasakyan na iyon.
Alam kong naiwan ang ibang mga tauhan ni daddy sa lugar na iyon.
Gulong-gulo ang isipan ko kung bakit may mga taong gustong pumatay sa amin. Kahit kailan wala akong nalalaman na may kaaway ang daddy ko.
Ito ba ang dahilan kung bakit kailangan may mga bantay ako? Pero bakit? Mga tanong sa isipan ko.
"Okay ka lang ba Miss Ana?" tanong sa akin ni Tito Dante na siyang ikinalingon ko rito.
Kaagad ko ring pinunasan ang mga luha ko bago ito tinanong.
"B-bakit may mga taong gustong pumatay sa atin?" tanong ko.
Ngunit umiwas lang ito ng tingin habang abala sa pagtingin sa labas kung may nakasunod ba sa kanila.
"T-tito Dante," pagtawag ko sa pangalan nito.
"Pasensya ka na Miss Ana, hindi ko maaring sagutin ang inyong katanungan. Ang daddy niyo na lang ang tanungin niyo. Paumanhin ho," wika nito sabay yuko ng ulo.
Hindi ko naiwasang mapapikit ng mariin. Kailangan kong malaman ang lahat. Siguro ito ang dahilan kung bakit biglaan kaming umalis ng United States.
Mabilis akong pumasok ng mansion kung saan kasunod ko ang mga tauhan na ipinabantay sa akin nila daddy at mommy.
Kaagad ko namang napansin ang nagmamadaling paglapit sa akin nila dad at mom. Pansin sa mga ito ang puno ng takot at pag-aalala.
"Are you okay anak? May masakit ba sayo? Nasaktan ka ba?" sunod-sunod na tanong sa akin ng mommy ko habang sinisipat nito ang katawan ko.
"Nasaktan ka ba anak?" tanong din ng dad ko ng hindi ako umimik sa tanong ni mommy.
Umiling ako sa mga ito na puno ng seryoso ang mukha. Napansin siguro ng mga ito ang reaksyon ko kaya kaagad silang nagkatinginan sa isa't-isa.
"Bakit may gustong pumatay sa akin dad? May inililihim ba kayo sa akin? Kaya ba biglaan na lang tayong umalis ng ibang bansa? May mga kaaway ka ba daddy?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sunod-sunod ko itong tinanong.
Hindi ako mananahimik hanggat hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit may mga taong gustong pumatay sa akin o sa amin.
Pansin ko ang paglingon ng mommy ko kay daddy. Ngunit nanatiling nakatingin lang ito sa akin bago nagpakawala ng mabigat na buntong hininga.
Binalingan nito ang mga tauhan kasama si Tito Dante.
"Iwan niyo muna kami. Magbantay kayo ng maigi sa labas," wika ng daddy ko sa mga tauhan nito na siyang sinunod ng mga ito 'agad.
Sabay baling nito sa akin.
"Sa library tayo mag-usap," wika ni dad sa akin.
Tiningnan ko naman si mommy at tumango lamang ito bilang pagsang-ayon.
Nakailang minuto na kami sa library ngunit hindi pa rin nagsasalita ang daddy ko. Tahimik lang din ang mommy ko na mukhang hinihintay lang na magsalita si daddy.
Kanina pa kasi ito palakad-lakad na para bang nahihirapan itong magsimula sa kung ano man ang sasabihin nito. Halatang mabigat ang dinadala nito kaya hindi na ako nakatiis na tanungin ito uli.
"Dad, ano bang sasabihin niyo? Sabihin niyo na at hindi ako mapapalagay kapag hindi ko nalaman ang totoong nangyayari sa atin," wika ko rito.
Doon naman huminto ang daddy ko. Lumapit ito sa tabi ng mommy ko at doon umupo. Bale kaharap ako ng mga ito.
"Anak, patawarin mo sana ang daddy mo," pasimula nito. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito.
"What do you mean daddy?" tanong ko rito habang hindi inaalis ang mga tingin dito.
Bumuntong hininga na naman ito bago nagsalita.
"Noong nasa ibang bansa pa tayo, nakahiligan kong pumunta sa casino para magsugal. Niyaya kasi ako ng isa sa mga kabusiness partner ko na pumunta roon, at dahil minsan na akong nanalo, kaya nakahiligan ko na parating magsugal. Hindi ko naman akalain na darating sa puntong may makakaharap akong mayaman na matandang lalaki na nag-alok sa akin para magsugal. Natalo ako nito ng ilang beses, at muntik ng malugi ang mga negosyo natin para lang mabayaran ko ang mga utang ko sa kaniya sa pagkatalo ko sa sugal. Ngunit hindi ko inaasahan na makikita ka niya sa television noon at nalaman niyang anak kita. Bigla niyang tinanggihan ang bayad ko at ikaw ang hinihinging kapalit. Nagalit ako sa matanda at nakabitaw ng masakit na salita. Hanggang sa ipabugbog ako nito at doon ko nalaman ang pagkatao ng matanda. Isa pala itong leader ng syndicate sa iba't ibang bansa. Kaya ng minsan niya akong pakawalan para dalhin kita sa kaniya, doon ako gumawa ng paraan para makatakas sa matanda," mahabang wika ng daddy ko na siyang ikinagulat ko ng labis.
Halos nakanganga ang bibig ko at hindi makahinga sa mga nalaman. Hanggang sa marinig ko ulit itong magsalita.
"Iyon ang dahilan kung bakit biglaan tayong umalis doon at manirahan dito. Iyon din ang dahilan kung bakit ipinaalis ko sa mga kakilala ko ang mga pangalan mo upang hindi ka nito masundan pa. Ang kaso, nitong mga nakaraang buwan nga, nalaman siguro nito na naririto tayo sa pilipinas kaya bigla na lang may mga taong umaaligid-aligid sa atin na hindi mo pansin dahil wala kang alam. Kaya nga, domoble ang mga tauhan ko dahil sa nakalap kong information. Ang pagkakaalam ko, may higit ngayong pinagkakaabalahan ang matanda kaya hindi pa ito mismo pumupunta dito sa pilipinas. Kaya oras daw na makapunta siya, hindi na raw tayo makakatakas pa. May nagpadala nga sa akin na isang sulat, na panakot pa lang daw ang ginagawa niya sa atin. Masuwerte na lang ako kung makakatakas ka sa mga tauhan niya oras na hulihin ka nila," malungkot na wika pa ng daddy ko.
Ngayon ko napansin ang problemado nitong mukha. Halatang nababahala sa kalagayan namin ngayon.
Bigla rin akong natakot ng labis. Hindi lang sa sarili ko, kundi sa mga magulang ko. Mayaman nga kami, pero kung sindikato nga naman ang makakalaban ng daddy ko, mukhang mahirap kalaban ang mga ito at mamatay tao ang mga taong iyon. Walang takot at walang puso.
Ramdam ko ang sunod-sunod na pagkabog ng dibdib ko dahil sa mga nalaman. Bigla kong binalingan si mommy.
"A-alam mo ito mommy?" tanong ko.
Ito naman ang nagpakawala ng mabigat na buntong hininga.
"Noong una hindi anak. Pero sinabi rin sa akin ng daddy mo, noong kinukuha ka ngang kapalit ng matandang sindikato na iyon. Napilitan siyang sabihin sa akin ang lahat dahil sa biglaan niyang desisyon na lilipat tayo dito," wika nito.
Nahilamukos ko ang mukha dahil sa halo-halong nararamdaman. Parang gusto kong umiyak sa takot na posibleng mangyari, pero hindi ko magawa.
"A-anong gagawin natin dad, mom. Tiyak, binabantayan lang tayo ng mga tauhan ng matandang iyon dito sa pilipinas. Baka bigla na lang tayong sugurin ng mga iyon dito sa mansyon natin," parang naiiyak na wika ko sa mga ito.
Bigla naman lumapit ang mga ito sa akin at kinuha ni daddy ang kamay ko.
"Huwag ka ng mag-alala anak. Ikukuha kita ng personal bodyguard mo at magdadagdag pa ako ng mga tauhan natin. Hahanap din ako ng paraan kung paano tayo uli makakaalis dito ng walang nalalaman ang matandang iyon. Kaya dapat tumigil ka na sa pagmomodelo na iyan dahil tiyak diyan nalaman ng matandang iyon kung nasaan ka, o tayo," wika ng daddy ko na siyang nagpagulo sa isipan ko.
"W-what dad? Naguguluhan ako? Anong personal bodyguard dad? At ano? Aalis ako sa pagmomodelo?" parang natatangang tanong ko sa daddy.
"Listen anak," sambit ni daddy at tumitig pa ito sa mga mata ko. Hinawakan din nito ang magkabilaan kong balikat.
Kitang-kita ko ang kaseryosohan nito sa mukha.
"Kailangan mong magkaroon ng personal bodyguard. Iyong magaling at mapagkakatiwalaan at kaya kang ipagtanggol anumang oras o sitwasyon," seryosong wika nito sa akin.
"But dad, nandiyan naman na si Tito Dante na-" pinutol nito bigla ang anumang sasabihin ko.
"You're Tito Dante is not young anymore anak. Mahina na ang tito mo at hindi na siya kagalingan sa pakikipaglaban. Kaya you need someone new, na malakas at kaya kang ipaglaban anumang oras. Huwag mong alalahanin ang magiging bodyguard mo anak, sinigurado kong mapagkakatiwalaan siya dahil kilala ko ang ama nito. Pagbigyan mo muna ako ngayon anak, para din ito sa kapakanan mo," mahabang wika ni daddy.
"H-how about my work?" mahinang tanong ko.
Tumayo ang daddy ko bago sumagot.
"You need to stop for now, anak. Ngayong alam mo na ang dahilan kung bakit naririto tayo sa pilipinas. Hayaan mo munang iwanan ang career mo para sa ikaliligtas ng buhay mo. Kailangan natin mag-ingat sa ngayon anak."
Napayuko ako bigla sa kalungkutang nararamdaman. But dad is right. Life is more important than anything.
"Okay dad. I will do what you want. Pero hayaan mo muna akong makalabas next week para ayusin ang dapat kong ayusin para sa pag-alis ko sa pagmomodelo," wika ko rito.
Bigla naman umaliwalas ang mukha nito. At kaagad tumango sa desisyon ko.
"Yes hija, anak. Kakausapin ko rin ang magiging personal bodyguard mo kung maaring makarating na 'agad siya next week."
Tumango na lang ako at wala rin naman akong magagawa pa.