Chapter 51 Daniel POV SUNOD–SUNOD na katok ang naririnig ko. Kahit inaantok pa ako ay napilitan akong bumangon. Ngunit, napapangiti ako nang makita ang batang katabi ko, nakayakap siya sa akin at nakaunan sa braso ko. Nangako ako sa bata, na ipapa–enroll ko siya sa day care ngayon na araw. Matalinong bata si DN marunong na siya sumulat ng pangalan niya at magbasa ng alphabet at magbilang, marunong magdifferentiate ng mga shape and colors. Dahan–dahan kong inalis ang kamay niya sa bewang ko at ang ulo niya braso ko. Kumislot siya at lumipat ng pwesto. Yumuko ako at hinagkan ang noo niya bago ako bumaba sa kama. "Sir Daniel..." hiyaw sa labas, parang tinig ni Mang Berto. Sumilip ako sa maliit na puwang sa binata. It's still dark, inabot ko ang cellphone ko. I groaned, alas–tres pa lang

