Chapter 53 Daniel POV KASALUKUYAN akong nagpapaligo kay Luna nang mapansin ko si DN nakaupo sa upuang kahoy gilid ng ilog. Napapansin kong tumaas–bumaba ang mumunti niyang balikat at nakakuyakoy ang mga paa. Apat na taong gulang palang ito, pero parang pasan na nito ang buong mundo. Siguro, ganito kapag lumaking walang kinikilalang magulang. Malawak ang pag–iisip pero hindi naman kami nagkulang na ibigay ang pagmamahal na nararapat sa kanya. Even I'm not his biological father. Mahal ko siya. Pakiramdam ko, ako ang bumuo sa kanya kaya siya nandito ngayon sa mundo. Tinigil ko ang pagpapaligo kay Luna. Naghugas ako ng mga kamay at pinatuyo sa basahan. Pumunta ako sa kusina, kumuha ako ng cereals at binuhusan ko ng gatas. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Inabot ko ang mangkok

