Mahimbing na natutulog si Ivan ngayon, matapos ang pag-uusap naming di na siya nagsalita at humiga na lang siya. Napabugtong-hininga na lang ako sa pagka-inip. Dalawang oras na rin ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik sila Zachiko. Sana pala sumama na lang ako sa kanila nang hindi ako nabobored dito. Di na rin naman bata si Ivan kaya bakit kailangan pang bantayan to, kaya na nga nitong gumawa ng bata eh tas pagbabantayin lang ako. Sayang lang ang abilities ko, mabubulok lang to, may ganun ba? Hays. Napagpasyahan ko na maglibot-libot dito sa kwarto na to. Wala namang kakaiba dito, pastel black at dirty white ang theme ng kwarto na to. Hindi to gaano kalaki kumpara dun sa kwarto na kinalalagyan ko kanina. May mga drawer din sa may gilid kaya binuksan ko isa-isa pero wala namang laman,

