ATVK #8

1247 Words
Dinilat ko yung mga mata ko nang feeling ko na may nakatingin sakin, nabigla ako nang very slight nang makita ko si Mr. Dryx na seryosong nakatingin sakin. " Tss " umirap ako at tumingin sa ibang lugar. Pagtapos nya ko pahabul-habulin, balik-balik siya. Bahala siya dyan di ko siya papansinin. Ang attitude ko talaga. 1 minutes 2 minutes 3 minutes 10 MINUTES!!!!!!! 10 minutes na syang nasa harapan ko. Tumingin ako sa kanya at nakatingin din sya sakin. Bigla tuloy akong naconscious sa itchura ko. Tska di ba sya napapagod kakatayo jan? " Ano bang kailangan mo? " mataray kong sabi. ' attitude mo gurl' Bulong ng konsensya ko. " Uy uy! Ibaba mo nga ako Mr. Dryx! " pano ba nanaman binuhat nya nanaman ako at BRIDAL style pa. Hindi ba sya nahihiya sa mga nakakakita samin? Kasi ako hiyang-hiya na. " Tss " yun na lang ang sinabi nya. " Ibaba mo nga ako Mr. Dryx! may sarili po akong mga paa " mataray kong sabi " A foot with a sprain " teka 1-2-3-4-5 words yun ah. Infairness nagimprove sya kahit konti. " Yeah at dahil yun sayo. Kaya put me down! " nagpupumiglas ako pero mas lalo nya lang hinigpitan yung pagkakahawak sakin. What now? Pasalamat na lang ako at kanina pa ang uwian ng iba. Kaya walang masyadong tao dito sa parking lot. " Hmmm. I have a car you know " pagtataray ko ng mapansin ko na sa ibang direksyon kami papunta. " And I have mine too " napanganga na lang ako. Yung totoo? Ihahatid nya ba ko? Ilang hakbang pa bago kami makarating sa itim nyang Lamborghini, binuksan nya yung passenger seat at walang hirap na ibinaba dun bago nya sinara at pumunta sa driver seat. Akala ko aalis na kami pero lumipas ng ilang segundo ay hindi pa rin. Tumingin ako sa kanya at nakatingin din sya sakin. Yung totoo? Hobby nya ba ang titigan ako. Sabi na nga ba! May dumi ako sa mukha! tumingin ako sa pocket mirror ko at tinignan ang mukha ko. Napanguso na lang ako kasi wala naman kahit anong unwanted things sa mukha ko. Tumingin ako sa kanya at nakatingin parin sya sakin. Tinaasan ko sya ng kilay bago ako nagsalita. " Bakit kaba nakatingin? " mataray kong sabi. " Tss " sabi nya bago sya onti-onting lumapit sakin. OMG! Hahalikan nya ba ko? P-pero bakit?! Is he like me? Omgod! What to do? I close my eyes and wait for his lips pero lumipas ang ilang segundo ay wala pa rin kaya idinilat ko yung isa kong mata at tinignan si Mr. Dryx na ngayon ay nakangisi sakin. A-akala ko pa naman hahalikan nya ko kaya sya lumapit. Napaka-assuming mo kasi Xy. Tumingin ako sa sarili ko at napansin ko na nakasuot na yung seatbelt ko. Kaya naman pala lumapit. Sinuot nya yung seatbelt. Spell asa? X-Y-R-I-E-L. Sinabi ko sa kanya kung saan ang condominium ko kaya nagdrive na sya. Isang napakahabang katahimikan ang namayani samin. Tunog lang ng aircon at ng makina ang naririnig ko at the rest is pure silence. Ayoko naman sya kausapin dahil first, hindi kami close. Second, awkward ang atmosphere dahil sa nangyari kanina at Last ay babae ko and Girls don't do the first move. Pagdating sa parking lot ng condominium pinarada nya muna yung kotse nya bago sya lumabas at umikot. Tinanggal ko na rin yung seatbelt ko at binuksan yung pinto. Inunahan ko na si Mr. Dryx dahil bubuhatin nya sana ako. " Please lang Mr. Dryx kung wala kang kahihiyan sa katawan ay ako meron. Kaya kong maglakad pero dapat may-alalay " lumabas ako ng kotse at sinarado yung pinto " Maraming salamat sa paghatid " maikli kong sabi bago ako naglakad. Humahawak ako sa mga kotse na nakaparada dito para naman hindi ako matumba. Para tuloy akong tipaklong sa itchura ko, tumatalon ako ng isang paa dahil di na kaya ng isa kong paa ang maglakad. Pero kahit ganun maganda pa rin ako. Laking pasalamat ko nalang talaga at nakarating na ko sa elevator. Dali-dali akong tumalon at pinindot yung ⬆ nag-antay lang ako ng isang saglit bago ko nakasakay sa elevator. Pinindot ko yung close at yung 16th floor. Pumwesto ako sa may likod at isinandal yung likod ko. Sobra akong napagod ngayong araw kaya gusto ko ng magpahinga. Ipinikit ko yung mata ko. Hindi ko alam kung anong floor na dahil bigla iyong nagstop at naramdaman ko na may pumasok. Ipagsasawalang bahala ko sana ito but I sense danger kaya napamulat ako. Isang pares ng pulang mata ang bumungad sakin at isang ngiting nakakatakot. " S-sino ka? " kumapit ako sa railing na nakadikit sa pader. Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko at nanghihina ang tuhod ko. " Ibigay mo na sakin ang kwintas " idiniin ko ang sarili ko sa pader. Tinignan ko kung nasang floor na kami pero nakaistuck lang kami 12th floor. Kaya mas lalo akong kinabahan. Hinawakan ko yung nakatagong kwintas sa loob ng damit ko. Ano bang meron sa kwintas na to? " Pano ko ibibigay sayo to kung ayaw naman matanggal sakin! " napatakip ako sa bibig ko dahil sa pag-sigaw ko. Natakot ako ng may lumabas na pangil sa ipin nya. " I-isa kang b-bampira " nangangatog ako sa nakikita ko. Holy fvcking s**t! Totoo ang mga bampira! " Gusto mo bang matanggal yan? " tanong nya. " P-paano? " " Kailangan mo munang mamatay para kusang matanggal sayo ang kwintas na yan " bumilis ang t***k ng puso ko at feeling ko tinakasan na ko ng mga dugo ko. Ramdam ko ang mga hakbang nya at wala akong magawa kundi ang pumikit na lang at hintayin ang kamatayan ko. I need help! Somebody help me! Ayoko pang mamatay! s**t lang! Bakit ba lapitin ako ng malas? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mag-maldita lang. A---- Napatigil ako sa pagiisip ng biglang bumukas ang pinto ng elevator at pumasok ron ang di ko inaasahang tao. " Dryx " mahina kong sambit. Tumingin sya sakin bago sya tumingin sa babaeng nasa harap ko. " Nagising kana pala Zachiko" nag-sara ang pinto ng elevator kaya bigla akong kinakabahan. Di parin gumagalaw yung elevator pero bakit nagbukas ito. " Maghihiganti sila Zachiko! Papatayin ka nila! At mapapasaamin ang kapangyarihan mo! " galit nitong sabi. Hindi ko maintindihan kung ano yung pinaguusapan nila " Sasabihin ko sa kanila na gising kana at nasa babaen----- " di na naituloy nung babae yung sasabihin niya dahil bigla na lang sinuntok ni Mr. Dryx sa dibdib yung babae. Pero hindi lang pala simpleng suntok ang ginawa nya. Nanginig ang buo kong katawan ng bumagsak ang katawan nung babae at butas ang kaniyang dibdib. Tinignan ko si Zachiko at natakot ako ng makitang kulay pula ang kanyang mata at may pangil sya. Sa kanyang kamay hawak nito ang puso nung babae. " H-halimaw ka " nauutal kong sabi. Tumingin sya sakin at mas lalo akong natakot sa itchura niya. Tinapon niya yung puso at tinapakan iyon. Onti-onti siyang lumapit sakin kaya napadikit ako lalo sa pader. " Wag kang lumapit! " sigaw ko pero nasa harapan ko na sya. Hinaplos nya ang pisngi ko at naamoy ko yung dugo kaya tinabig ko yun. Pero hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya. Wala na yung pangil pero kulay pula pa rin ang mata niya. " Sleep Xy. Sleep " huli niyang sabi bago ako lamunin ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD