" Maraming sanggol ang nawawala sa iba't-ibang panig ng mundo at hindi natin alam kung ano ang gagawin ng nga half blood sa mga ito " Grabe kahit tatlong buwan na ang lumipas parang walang nagbago kay Zachiko. Maliban nga lang sa mata na mukhang pagod. Napapagod ba ang bampira? Alam ko hindi. Naka Skype kami ngayon at nakaconnect yun sa malaking tv dito sa sala. Kala ko nga nandito na talaga siya sa bahay pero wala pa pala. " Ano bang gagawin ng mga half blood sa mga baby na kinukuha nila? " tumingin ako kay Dos. Oo nga naman ano bang gagawin ng mga half blood sa mga sanggol. Hindi ba sila naawa sa mga magulang ng mga kinukuha nila. Pero sabagay wala naman atang puso yung mga half blood. " Base sa mga baby natatagpuang naming patay, kinukuha nila ang mga dugo nito. At dun na aalert

