Iminulat ko ang aking mga mata at bughaw na langit ang aking nakita. Tumingin ako sa paligid at napapalibutan ako ng bulaklak. Umupo ako sa pagkakahiga at pinagmasdan ang paligid. ‘ Maganda ‘ yun ang aking unang salita. Tumayo ako at naglakad-lakad ‘ Nasan ako? ‘ tila na sa mundo ako ng paraiso. Puro bulaklak ang tinatahak ko. Napaka payapa ng paligid at sariwa din ang hangin. “ Xyriel “ napahinto ako sa paglalakad at humarap sa likod. Nakita ko si barbie, nakasuot ito ng puting bistida at meron itong bulaklak na korona sa kanyang ulo. Para siyang diyosa sa mundong ito. “ Barbie! “ masaya kong twiran at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. Pero napahinto ako nang makita ko ang umiiyak niyang mukha. “ Bakit barbs? Bakit ka umiiyak? “ hahakbang sana ako papalapit sa kanya nang tumawa i

