Hindi na ko nakatulog sa buong magdamag sa kakaisip kung totoo ba talaga yung nakita. Di ko naman ata hallucination yun diba? Pero parang totoo kasi, pero bakit walang alam yung quadruplets( minus one ) na dumating na si Zachiko diba dapat sila yung nakakaalam kasi sila yung nasa bahay ni Zachiko. Hays, maloloka na ata ako sa kakaisip. Kung normal pa rin siguro ako baka kanina pa sumabog yung ulo ko sa kakaisip pero nipuyat di ko na maramdaman. Eto rin ata yung advantage ng pagiging semi-vampire di ka mapapagod kahit anong gawin mo, pero dahil di naman ako fully blood vampire nakakaramdam pa rin naman ako ng pagod. Tumingin ako sa alarm clock ko at quarter to 5 na. Tumayo na ko at pumunta sa CR para makapag-ayos na ko. Di naman ako nagtagal, ayos na rin naman yung gamit kaya lumabas n

