“ANG sungit-sungit mo kasi kaya ka nagkasakit.” Nakangusong sabi ni Katrina habang inilulublob niya iyong bimpo sa plangganang may tubig. Ang kanyang boses ay malambing, ngunit may bakas ng pagtatampo. Hindi ako nakapasok dahil nagising na lang ako kaninang umaga na hindi ko maibangon ang sarili ko sa kama. Sobrang taas ng lagnat ko, samantalang wala naman akong natatandaang nagpaulan ako kahapon. Hindi ako kagaya ng ibang lalaking takot gumamit ng payong. Hindi ako ganoon. Pinalaki ako ng Mommy ko na may pagpapahalaga sa kalusugan higit sa kaguwapuhan. Pero bakit nga ba ako nagkasakit? I’m taking vitamins. Healthy din ang lifestyle ko dahil kahit naninigarilyo at umiinom ako ay lagi naman akong nag-e-ehersisyo. Napilitan akong huminga nang malalim, ngunit biglang sumakit ang ulo ko. An

