Nang matapos ang pag-uusap namin ng lolo ko, parang biglang naubos lahat ng lakas ko. Mabigat ang mga hakbang ko habang bumababa ako sa matayog na hagdanan ng lumang hacienda. Ang bawat yapak ay tila umaalingawngaw sa tahimik na bulwagan—parang paulit-ulit na paalala ng bigat ng responsibilidad na nakaatang sa’kin ngayon. Kung tutuusin, kung hindi rin lang ako nagpunta rito ngayong araw, malamang ipapatawag din niya ako. Ganun siya palagi—seryoso, determinado, at walang sinasayang na oras. Pero sino ba naman ako para tumanggi? Hindi ko pwedeng biguin si 1010. Sa ngayon, ako na lang talaga ang maaasahan niya. Si Leo, ang pinsan kong parang kapatid ko na rin, ay patuloy pa ring walang malay sa ospital. Halos isang taon na mula nang maaksidente siya, pero ni isang senyales ng paggising ay w

