Chapter 30

1828 Words

"ISUSUKAT ko lang 'to. Huwag kang aalis diyan, ah? Hintayin mo 'ko!" Nagturo pa si Fiony ng pupuwestuhan ni Steve. Naroon na nga sila sa mall. Isang sakay mula sa simbahan at nakarating silang agad doon. Pagkatapos na pagkatapos pa lang ng misa ay hinatak na siya palabas ni Fiony at nag-aya agad na magpunta na nga roon. Wala naman siyang nagawa at patuloy ang pangungulit nito. Hindi na sila nagpunta sa venue at inabot na lang niya ang sobre na may lamang pakimkim para sa kauna-unahan niyang inaanak sa kaniyang kumpare. At pagdating sa mall ay sa department store agad siya nito dinala. Ang usapan nila ay underwear lang nito ang bibilhin nila pero may nakursunadahan itong damit. Ayaw sana niya dahil masyadong mahal pero may pera pa raw ito at ito ang nagboluntaryong magbabayad niyon. "Oo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD