a/n Wala nang nagawa si Catherine nang talikuran siya ni Danica. Alam niyang malaki ang kasalanan ng kapatid niya dito, at sa nakikita niya ay mukhang mahihirapan siyang kumbinsihin ito na balikan si Ridge. Paalis na siya nang tumunog ang phone niya, agad niya iyong kinuha sa handbag at sinagot. “Ma.” “Catherine! Pumunta ka dito sa hospital.” Sambit ni Mrs. Leonore sa kabilang linya. “Ma, marami pa akong gagawin…” Aniya. “Come here, Catherine! Ridge is awake! Gising na ang kuya mo!” Namilog ang mga mata ni Catherine sa narinig, binalingan pa nito ng tingin ang lift na sinakyan ni Danica, gusto niyang puntahan ito at sabihin na nagising na si Ridge. Pero baka hindi rin siya nito pakinggan, nagpasya siyang magtungo sa hospital para puntahan ang kapatid niya. Lakad takbo ang ginawa

