Chapter 7

1790 Words
Reset Series: Beunacera Chapter 7 “G-good evening… Sir Ridge.” Sambit ng ilan sa kasama ko, ngumiti ito ng bahagya saka binaling ang tingin sa akin habang si Meghan naman ay nakatayo sa tabi niya. “Sir, Ridge. Upo po kayo.” Sambit ni Kaila. Sumunod naman ito sa kanya at umupo sa isa sa mga couch, walang may gustong umupo sa tabi nito kaya ang mga kasama namin ay pinagkasya nalang ang mga sarili nila sa tatlong couches na nandoon. “Ano nga palang ginagawa niyo dito Sir Ridge?” Tanong ni Kaila. “Hinatid ko si Danica.” Baritonong sambit nito, my scalp prickles. Nagtinginan sa akin ang mga kasama ko, ngumisi naman si Kaila habang nakatingin sa akin. Parang gusto ko nalang lamunin ng sahig ng mga oras na iyon. Bakit niya pa kailangang pumunta dito at sabihin iyon?! Magsasalita na sana ako para linawin ang sinabi ni Sir Ridge pero pare-pareho kaming napatingin nang may isang lalaking tumawag kay Ridge. “Ridge?” Sambit ng isang matangkad na lalaking papalapit sa amin. He’s wearing a white shirt and leather jacket na bumagay sa maong pants nito, nakangiti ito sa amin habang naglalakad papalapit. Halos matulala ang mga kasama kong babae nang hawiin nito ang buhok na hanggang balikat, makakapal din ang kilay nito at singkit ang mga mata, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Para siyang chinito na moreno. Napatingin ako kay Kaila nang sikuhin ako nito. “I think I found my man.” Nakangiti nitong bulong sa akin. “Akala ko hindi ka pupunta? Kasama mo ba sila? Hi! I’m Brent Graciallano. Ridge’s bestfriend.” Sambit nitong muli, tumayo si Ridge saka bahagyang lumapit dito, nilingon niya kaming muli saka nagsalita. “Order what you want, bills on me.” Sambit nito, nagkatinginan kami ni Kaila na noon ay napaawang ang labi at bakas ang saya sa mukha. Ganun din ang mga kasama namin, tumalikod na sa amin si Sir Ridge saka sumama sa kaibigan niya at umakyat sa taas ng bar. Ngayon ko lang napansin na may 2nd floor pala ang bar na ito. I guess, that’s for the VIP’s? sinundan ko sila ng tingin hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Napatingin ako sa gilid ko at nakitang seryosong nakatingin sa akin si Meghan, hindi naman siya nagsasalita. Sandali ko siyang tinitigan hanggang sa ngumiti ito sa akin saka nakipagusap sa katabi niya. Naagaw nalang ang atensyon ko ni Kaila nang sikuhin ako nito. “May dinaanan pala ha? Si Sir Ridge ba yung sinasabi mong dinaanan mo?” Aniya habang nakangisi sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko lalo pa’t nakatingin ang ilan naming katrabaho at nagaabang sa isasagot ko. “Ano kaba, nagkataon lang na nasa office pa si Sir Ridge kanina kaya sinabay niya nalang ako dito.” Sambit ko kay Kaila, tumaas naman ang kilay nito saka ako pinanliitan ng mga mata. Matalim ko itong tinitigan kaya nagkibit balikat ito at saka tinaas ang baso niya. “Everyone! Narinig niyo yung sinabi ni Sir Ridge kanina hindi ba? orderin niyo kung anong gusto niyo at siya ang magbabayad!” Sambit nito, naghiyawan naman ang mga kasama namin. Hindi ko alam, pero hindi ako mapalagay mula nang bigla nalang sumulpot si Sir Ridge dito. Danica! Nandito ka para magenjoy hindi para isipin ang boss mo okay?! Pagkundina ko sa sarili. Kinuha ko ang baso ko saka nilagok ang laman non’. Maya-maya pa ay naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko, kinuha ko iyon sa bulsa saka binaba kung sino ang nag-text sa akin. Rumehistro ang pangalan ni Marco kaya binuksan ko ang message. From: Marco Hi, Danica! Good evening! kumusta? Hindi kana nagreply sa message ko. kailan ulit tayo magkikita? I’m sorry kung makulit ako. Good night! Napangiti ako nang Mabasa iyon saka nagtipa ng isasagot. To: Marco Hi! Sorry hindi ako nakapag-reply medyo busy lang sa work. Good night din! Iyon lang saka ko muling binalik sa bulsa ang phone ko, nakakaramdam narin ako ng hilo kaya nakipagkwentuhan nalang ako kanila Kaila. Maya- maya pa ay nagpaalam ako sa mga ito na pupunta muna ng c.r, tinungo ko iyon habang sapo-sapo ang ulo ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng cubicle at nadatnan si Meghan doon sa lababo na naghuhugas ng kamay. Ngumiti ito sa akin, nginitian ko rin siya saka ako lumapit sa lababo at naghugas narin ng kamay. “Close pala kayo ni Sir Ridge? Hinatid ka pa kasi niya kanina e.” Narinig kong sambit nito. “No, it’s not what you think. Nagkataon lang na nagkasabay kami ni Sir Ridge at hinatid niya ako dito.” Nakangiti kong sambit dito. Tumango naman ito saka muling ngumiti. “Tara, sabay na tayong bumalik doon.” Aniya, saka ito humawak sa braso ko. Bahagya pa akong natigilan sa ginawa niya. Pero hinayaan ko nalang at bumalik na kami. Pagbalik ay wala na sa table namin sila Kaila. Iginala ko ang paligid para hanapin sila at nakita kong nag-eenjoy na sa dance floor. “Ms. Danica! Halika! Uminom nalang tayo.” Narinig kong sambit ni Meghan. Ngumiti naman ako rito saka naupo na sa couch. Sinalinan ako nito ng alak sa baso, bahagya pa akong napangiwi nang punuin nito ang baso ko wala naman na sana akong balak na maginom pa dahil nahihilo narin ako at ayokong magka-hangover kinabukasan, pero inabot n anito sa akin ang baso kaya hindi na ako nakatanggi pa. “Congratulations, Ms. Danica! Sana maging successful yung project mo.” Nakangiti nitong sambit saka tinaas ang baso nito, ngumiti naman ako saka akma sanang iinumin ang alak nang may umagaw sa baso ko. Napaawang ang labi ko nang makitang ininom ni Sir Ridge ang alak na para sa akin. Nilapag nito ang baso sa lamesa. “That’s enough, marami ka nang nainom.” Baritonong sambit nito. kahit maingay sa buong bar ay parang umuugong ang malalim at baritonong boses nito. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, nahihiya ako dahil nakita ito ni Meghan. Siguradong iba ang iisipin nito dahil sa ginawa ni Sir Ridge. Mabuti nalang at dumating na ang mga kasama namin pati si Kaila. “Um, Kaila. Mabuti pa umuwi na tayo, mukhang lasing kana e.” Sambit ko dito nang makalapit ito sa akin, mapupungay na kasi ang mga mata nito at namumula narin ang mga pisngi. “What? Ang aga pa a?” Reklamo nito. Hinawakan ko ito sa siko para kundinahin ang sinabi nito. “Ano kaba—” “Oo nga, Mabuti pang umuwi na tayo. May mga pasok pa tayo bukas hindi ba?” Narinig kong sambit ni Meghan. Naunang nakaalis ang mga kasama namin dahil ang iba ay may mga nabook nang taxi, naiwan kami ni Kaila, Meghan, Sir Ridge at yung bestfriend niyang si Brent sa labas ng bar. “Brent, ihatid mo na si Ms. Gallego.” Baritonong sambit ni Sir Ridge. Ngumiti naman si Brent saka tumango rito. Lumapit ito sa kotse niya at pinagbuksan ng pinto si Meghan, nagalangan pa itong pumasok pero sumunod din naman. “Sir Ridge, pwede mo ba kaming ihatid? Late narin kasi, baka wala na kaming mabook na taxi.” Napalingon ako nang marinig ang sinabi ni Kaila, pinandilatan ko ito ng mga mata pero hindi ako nito pinansin. “Naku hindi na Sir Ridge. Marami pa namang taxi dumadaan dito. Mauna na po kayo, magiingat kayo sa pagdadrive.” Nakangiti kong sambit dito, seryoso lang itong nakatingin sa akin hanggang sa magsalita siya. “Get in the car.” Baritonong sambit nito bago kami tinalikuran at lumapit sa kotse niya. Ngumisi sa akin si Kaila habang pinandidilatan ko siya ng mga mata. Wala namang problema kung ihahatid kami ni Sir Ridge, kaysa naman maghintay pa kami ng taxi dito. Pero ang hindi ko kinakaya ay ang iniisip ni Kaila at iisipin ng ibang tao. Ayokong pagusapan ako sa opisina at lalong ayokong magkaroon ng issue kay Sir Ridge. Wala na akong nagawa nang pumasok si Kaila sa kotse, dapat talagang maayos na yung kotse ko. Pupuntahan ko nalang bukas sa casa. Tahimik ako habang nasa byahe habang si Kaila naman ay kwento ng kwento. Mag pagkakataong sinisiko ko na siya para lang tumahimik siya pero maya-maya ay muli nanaman siyang magtatanong kay Sir Ridge. “Sir Ridge, may girlfriend kana ba?” Tanong ni Kaila, halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa gulat. “I’m single.” Baritonong tugon nito, tiningnan ko siya at nagulat ako nang magtama ang mga mata naming sa rear-view mirror. Agad akong nagiwas ng tingin at binaling iyon sa bintana. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko na halos marinig ko na ang bawat pintig nito. “E yung kaibigan mo Sir Ridge? May girlfriend na ba iyon?” Muling tanong ni Kaila. “Si Brent? May fiancée na siya, nasa Europe.” Tugon ni Sir Ridge. Ngumuso si Kaila, nadismaya sa sinabi ni Sir Ridge, iniba niya nalang ang topic at hindi na nagtanong pa. Maayos kaming nakarating sa apartment ni Kaila. Dito nalang din siguro ako matutulog muna, aalis nalang ako ng maaga para makapagpalit ng damit sa apartment ko. “Thank you sa paghatid, Sir Ridge.” Sambit ko bago kami bumaba ni Kaila. “Magpahinga na kayo, see you tomorrow sa office.” Baritonong sambit nito. Pagpasok namin sa apartment ay agad na humiga si Kaila sa couch habang yakap-yakap ang throw pillow. Dumeretso naman ako sa kusina para kumuha ng tubig saka sumandal sa center island. “Sayang, may girlfriend na pala siya.” Sambit nito. Nilingon ko siya habang nakakunot ang noo. “What?” Tanong ko. Tamad siyang umupo saka ako nilingon. “Si Brent, yung kaibigan ni Sir Ridge. Type ko pa naman siya, kaso may fiancée.” Nakangusong sambit nito. I hilariously laughed at her. “Seriously Kaila? sa dami ng nanliligaw sa’yo dun ka pa talaga sa may fiancée?” Sarkastiko kong sambit dito, sinimangutan ako nito saka tumayo at lumapit sa center table at sumandal. “Bakit? Hindi pa naman sila kasal a? may pag-asa pa ako.” Aniya, napaawang ang labi ko hindi ako makapaniwala sa sinasabi nito. “Bahala ka sa buhay mo, basta para sa akin mali na magkagusto ka pa sa taong alam mong may karelasyon na.” Nakataas kong kilay na sambit dito saka naglakad patungo sa kwarto. “Ang O.A mo naman! Hindi ko naman sinabing aagawin ko siya a?” Narinig ko pang sambit nito nang makapasok na ako sa kwarto, napailing nalang ako saka tinungo ang banyo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD